Lumabas siya para kunin ang laptop niya sa kotse at sinend ang Curriculum Vitae niya sa email ni Damien at mabilis na pumasok sa opisina nito. Akmang pipigilan pa siya ni Bianca pero sinamaan lang niya ito ng tingin.
"Check your email" Mabilis na sabi niya
Napatingin lang ito sa kan'ya ng mariin at pinagsalikop ang dalawang mga kamay. "You know what? You're not hired. You can leave" At bumalik na ito sa ginagawa.
"What?! Why?!" Inis na tanong niya.
"You're disrespectful. I don't need someone like you here in my restaurant. Ayokong kumuha ng batong ipupukpok ko sa ulo ko."
Agad nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Alam mo you're so judgemental! Why don't you try me!"
"Try you? I know your calliber, Jane. Bata palang tayo kilalang-kilala na kita, I will not allow you to invade my personal life. Now get the hell out from here!" Inis na sabi nito sa kan'ya.
"Damien! Sumusobra ka na! Isusumbong kita kay Tita Diana!" Pananakot niya rito.
"The hell I care!" Balewalang sabi nito.
Nagpupuyos siya sa galit na lumabas ng opisina nito. Mabilis na nagtungo siya ng kotse at tinungo ang daan papunta sa mansiyon nina Damien. Akala mo ha!
"Hello po, Tita" At nakipagbeso-beso sa mommy ni Damien.
"Oh Hija, how are you? What brings you here? Akala ko ay kakausapin ka ni Damien tungkol sa trabaho?"
"That is the reason why I am here po, Tita" Naglungkot-lungkutan ang mukha niya at akmang iiyak.
"What happened?"
"Damien told me that I am not good enough. Tita, help me please, I really want to work there" At humagulgol na siya.
Mabilis naman siyang niyakap nito habang hinahagod sa may likod. "Don't worry hija, Damien will hire you whether he like it or not" Pagpapalubag nito ng loob niya.
Agad naman siyang napangisi. Humanda ka Damien!
Pagkaalis niya sa bahay nina Damien ay ilang sandali lang ay nakarecieved na siya ng tawag mula rito. "Hindi mo talaga ako titigilan? Ginagamit mo pa ang mommy ko!" Galit na bungad nito sa kan'ya.
"Oh! Look who's being disrespectful now? Can you please just say "hello" first?"
"You're not worthy of my respect! Okay, since you started it. Make sure you will know how to end it! Be here tomorrow at exactly 6am!"
Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na nitong naibaba ang tawag.
Bastos talaga.
Kinagabihan ay hindi na siya makatulog. Excited na siyang makatrabaho si Damien. Ngayon palang ay iniisip na niya kung ano ang isusuot niya para bukas.
Alas singko palang ay gumising na siya. Nagsuot siya ng isang highwaisted black skirt, white inner at blazer. Baka sabihin na naman nito hindi siya professional.
Saktong alas sais ng umaga nang makarating siya sa resto. Wala pa raw doon si Damien, pero pinagsisimula na siya sa trabaho. 24 hrs kasi ang restaurant na iyon.
"Okay, ready na ba iyong table ko, Bianca?" Tanong niya sa babae
Agad naman itong napakunot noo. Mabilis na inabot sa kan'ya nito ang isang plastic.
"Ano ito?"
"Uniform mo, magpalit ka na tapos pumunta ka na ng kitchen" Sabi ni Bianca
"What? Anong gagawin ko roon? I'm not even a chef" Taas kilay na sabi niya rito.
"Yes alam ko hindi ka chef, dahil dishwasher ang magiging trabaho mo" Ngisi nito sa kan'ya.
Agad nanlaki ang mga mata niya. "What the f**k are you saying?!"
"Sir Damien said, take it or leave it" Lalong lumaki ang ngisi nito.
"Pinagtritripan ba ako ng amo mo ha, Bianca? I am a Bachelor Graduate! Tapos papaghugasin niya lang ako ng mga plato?! Anong oras ba siya darating?!" Galit na sabi niya.
"I'm already here, what's the matter?" Aroganteng sabi nito na nasa likuran na pala niya.
Agad siyang humarap dito at dinuro ito. "Ikaw? Are you playing with me?! Isusumbong kita sa mommy mo!"
"Edi magsumbong ka, you think I really care? Nakiusap ang mommy na tanggapin kita in any position, basta dapat i-hire kita. I love my mom, so I do what she said" Ngisi nito sa kan'ya.
Nanggagalaiti na siya sa galit.
"I know ginagawa mo lang ito para hindi na ako magtrabaho pa rito, well I am sorry to say. Hindi mo ako mapapaalis dito!" At mabilis siyang nagmartsa at pumunta ng banyo. Nang tignan niya ang uniform ay isa itong black polo shirt at black slacks with black apron.
Agad siyang napangiwi. Pero wala siyang magagawa. Ayaw niyang isipin nitong mahina siya.
Matapos magbihis ay itinali niya pataas ang buhok niya exposing her white neck.
Agad napatingin sa kan'ya ang mga empleyado sa kusina. At napatigil lahat sa ginagawa.
"Uhm, may I know kung nasaan iyong mga huhugasan ko?"
Nakatulalang tinuro ng lalaki ang isang lababo na punong-puno ng mga hugasin. Agad nanlaki ang mga mata niya. Seryoso ba ito? Bakit mukhang galing sa fiestahan iyon?
Imbis na magreklamo ay nag-umpisa na siya. Akala mo Damien mapapasuko mo ako? Never! Over my dead beautiful and sexy body!
"Seryoso ba ito? Dishwasher ba talaga ang trabaho niya rito? Bakit mukha itong modelo?"
"Oo nga"
Rinig niyang nagbubulungan ang mga kasama niya roon. Bigla siyang tumigil at pinunasan ang mga kamay gamit ang apron at humarap sa mga ito.
Napatingin naman ang mga ito sa kan'ya. "Hello everyone, I am Jane Mendoza. Nice meeting you all" Ngiti niya sa mga ito.
Mabilis naman ang mga itong ngumiti sa kan'ya at nagsikamayan. Huling nakipagkamay sa kan'ya ang Head Chef na si Bryan, gwapo rin ito at mukhang mayaman.
Ramdam pa niya ang pagpisil ng kamay nito sa kamay niya.
Nasa ganoon silang eksena nang dumating si Damien. Kita pa nito ang magkahawak na kamay nila ni Bryan.
"What are you still doing, Ms. Mendoza? Go back to your work. Andami mo pang huhugasan" Masungit na sabi nito at umalis na rin.
Tsk. Antipatiko ka talaga! Pasalamat ka gwapo at masarap ka! Kung hindi matagal na kitang pinagpalit.
Halos tatlong oras na siyang naghuhugas ay hindi pa siya natatapos. Unlimited?
Agad siyang napabuntong-hininga.
"Are you okay, Jane? Is it okay if I call you Jane?" Seryosong tanong nito sa kan'ya.
"Oo naman no!" Ngiti niya rito.
"Do you want me to help you?" Presinta nito.
"Ha? Hindi na, baka makita pa tayo ni boss mapagalitan pa ako. Salamat nalang, Bryan" Ngiti niya rito.
Nakangiti rin itong tumango.
Infairness talaga gwapo rin ito. Pero bakit kapag si Damien ang kausap niya kahit hindi naman ito ngumingiti ay grabe ang pagwawala ng puso niya?
Pagdating sa bahay ay pagod na pagod siya, nang tignan ang mga kamay niya ay parang gustong niyang maiyak.
Malalim siyang napabuntong-hininga. Pa hard-to-get talaga ang Damien na iyon. Kapag ako ang nainis dadaanin na talaga kita sa Santong Paspasan!
Agad niyang tinawagan ang mananahi ng mommy niya at pinaayos ang uniform niya. Kailangan ay magmukha pa rin siyang sexy at maganda kahit naghuhugas lang ng plato.
Agad siyang napangiti nang makita ang mga uniform. Hapit na hapit na ito sa hubog ng katawan niya. Nagpagawa na rin siya ng skirt. Sinigurado niyang makikita ang sexy at mapuputi niyang mga legs. Tignan ko lang kung hindi ka pa maglaway bukas, Damien. Sabay ngiti ng malapad.
Kinabukasan ay pang-gabi ang schedule ng pagpasok niya. Pagdating ng resto ay agad siyang nagpunta ng banyo para magpalit ng damit.
Agad siyang napangiti nang makita ang sarili. Bongga!
Halos matulala ang mga kasama niya sa kitchen nang makita siya. Puro lalaki kasi ang mga kasama niya roon.
"Goodevening, guys!" Masiglang bati niya.
Nang tignan ang lababo ay napangiti siya. Hindi ganoon karami katulad ng kahapon. Agad niya itong sinimulan. Wala pang isang oras ay tapos na siya.
"Uhm Jane, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Tanong ni Bianca nang pumasok ito ng kitchen.
Agad naman siyang tumango. "Why?"
"Doon ka muna sa may dining, madami kasing guest at kulang tayo sa waitress" At mabilis na itong lumabas.
Nagkibit balikat lang siya at lumabas na rin.
Saktong paglabas ay ang pagdating naman ni Damien. Agad niya itong nginitian at binati pero tinignan lang siya nito ng masama pagkatapos ay mabilis na siyang nilampasan.
"Miss" Tawag sa kan'ya ng isang lalaki.
Agad naman siyang lumapit. "Yes, sir?" Ngiti niya rito.
"Don't you remember me?" Ngiti nito sa kan'ya.
Agad naman siyang napakunot noo. "Sorry, hindi ko na matandaan"
"The guy, sa club. Iyong sinayawan mo tapos bigla mo nalang akong iniwan"
Matagal muna siyang nag-isip bago ito natandaan. "Ah yeah! I'm sorry, I was drunk that night" Ngiti niya rito. "Do you need anything?"
"Can I wait for you later?" Ngiti nito sa kan'ya.
Bago pa siya sumagot ay lumapit na sa kan'ya si Bianca. "Excuse me, sir" Baling nito sa lalaki "Jane, gusto kang makausap ni Sir Damien" Bulong nito sa kan'ya.
Agad naman siyang tumango at nagpaalam na sa lalaki.
Hindi na siya kumatok. Dire-diretso na siyang pumasok. Matapos siya nitong isnabin kaninang pagdating nito ngayon ay papatawag siya nito.
"What? I'm busy" Inis na sabi niya.
"Busy in what? Flirting our customers?" Iritableng sabi nito.
"Come on, sabihin mo na kung anong kailangan mo" Wala siyang pakialam kahit boss niya pa ito. She's Jane Mendoza by the way.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na sa kitchen ka? Bakit nandoon ka sa may dining?" Taas kilay na sabi nito.
"Tapos na ako roon and besides, that Bianca girl asked me a favor since kulang daw tayo sa waitress. Happy?" Sabay ismid dito.
Agad naman itong tumayo at lumapit sa kan'ya. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. "What's with that skirt? Bakit ka nakaganyan?" May halong inis na sita nito.
"What do you want? Lahat ng babae rito naka-skirt tapos ako lang naka slacks mygosh! So disgusting!"
"Yes, they wear skirt. Pero hindi ganyan kaikli! Look at you? Isang dangkal lang yata iyang haba ng skirt mo!"
"Ayaw mo ba niyon? Maraming customer ang maaattract na pumunta rito since maganda at sexy ang waitress" Nang-aasar na ngiti niya sabay kindat.
"Damn you Jane, let me remind you that this is a restaurant and not a night club!" Inis na sabi nito. "You may leave and please bukas na bukas ay ayaw ko nang makikita pa iyang skirt na iyan. Understand?!"
Pinaikot niya lang ang mga eyeballs niya rito. "Whatever!" At mabilis na lumabas.
Mabilis na siyang bumalik sa loob ng kitchen.
"What happened?" Tanong ni Bryan nang makita siyang nakabusangot.
"Paano napakagago talaga ng boss mo!" Malakas na sabi niya.
Agad naman siyang napatingin sa buong paligid at nakita niyang nanlalaki ang mga mata ng mga tao roon na napatingin sa kan'ya.
Hindi nga pala alam ng mga ito na matagal na silang magkakilala ni Damien.
"Don't mind him, he's always like that" Ngiti ni Bryan sa kan'ya. "Ang mabuti pa, mag-break na muna tayo. Tara na lets eat. I made dinner for us"
Agad siyang natakam nang makita ang niluto nito. Nakaramdam siya ng gutom. Alas Diyes na nga pala ng gabi.
Umupo sila sa pinakadulong bahagi ng restaurant. Doon kasi ang pwesto ng mga empleyado kung saan pwede silang kumain tuwing breaktime.
"Uhm. This is so delicious!" Tuwang-tuwang sabi niya.
"I'm happy that you like it" Ngiti nito sa kan'ya.
"Swerte ng magiging girlfriend mo, gwapo na magaling pang magluto"
"Really? You think so?" Ngiti nito at nakatitig sa kan'ya.
"Ofcourse! Tsaka mabait ka, hindi kagaya ng ibang lalaki diyan na masungit" Nang biglang makitang lumabas si Damien mula sa opisina nito. Agad naman siyang napaubo.
"Are you okay? Here, uminom ka muna" Sabay abot sa kan'ya ng tubig
Agad naman siyang nagpasalamat dito.
Alas-tres ng madaling araw ang out niya. Kahit alanganing oras ay hindi naman siya nag-aalala dahil may sarili naman siyang sasakyan.
Mabilis siyang nagpalit ng damit at lumabas.
Nang nasa may parking na siya ay nakita niya si Damien na pauwi na rin. Aba himala, it's saturday. Hindi yata ito lumabas kasama ng mga friends nito.
"Are you going home?" Kausap niya rito.
"Isn't obvious?" Pabalang na sagot nito.
Agad naman niyang pinaikot ang mga mata. Akmang papasok na rin siya sa sasakyan niya nang magsalita ito. "You and bryan look good, bagay kayo" Ngisi nito sa kan'ya.
Kesa mapikon sa biro nito ay sinakyan niya ito. "Really? Well, he's nice and kind. I'm single and I think he is too. Who knows" Ngiti niya rito.
"Well, goodluck" Naging seryoso ang boses nito at mabilis na sumakay ng sasakyan nito.
Mabilis na rin siyang pumasok ng sasakyan niya. Parang tila bumigat ang puso niya. Hindi ba talaga siya nito magugustuhan para ipagtulakan siya nito sa iba? Kalma Jane, madami ka pang plano right? Nag-uumpisa ka palang. Bibigay din sa iyo iyang Damien na iyan.
Mabilis siyang ngumiti at nag-umpisa ng mag-drive. Hindi siya dapat panghinaan ng loob.