Chapter 3

1121 Words
Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo niya kaya bumaba siya para uminom nang malamig na tubig. "Goodmorning, My!" sabay halik sa isang pisngi ng mommy niya. Pero agad siya nitong sinamaan ng tingin.  "What?" takang tanong niya rito. "Damien, called me lastnight asking me kung nakauwi ka na, sobrang lasing mo raw kagabi at may kaharutan ka pang lalaki." Kitang-kita ang pagkadisgusto sa mukha ng mommy niya. "My! Wag kang nagpapaniwala roon sa Damien, na 'yon." Simangot niya, naiinis pa rin siya sa pang-iiwan nito sa kan'ya kagabi. "Ikaw Jane, baka kung sinu-sinong lalaki lang ang hinaharot mo. If you were going to ask me, mas gusto ko na si Damien. But, I know that he doesn't like you," seryosong sabi ng mommy niya. "Mommy! You're so negative, you'll see. Magiging son-in-law mo rin si Damien." Ngingisi-ngisi pa siya habang umiinom ng tubig. Sabado ngayon at alam niyang tuwing sabado ay nasa gym si Damien, perfect! Mabilis siyang nagbihis ng gym outfit niya, siyempre sinigurado niyang sexy'ng sexy pa rin siya sa suot niya. Exposing all her curves. Pag dating sa gym ay wala pa si Damien. Tamang-tama! Mahilig 'yon mag-tone ng abs nito. Doon siya banda pwe-pwesto. Nang may biglang lumapit sa kan'yang isang cute na lalaki.  "Hi, you seem familiar have we met before?" ngiti nito sa kan'ya. Agad naman niyang pinaikot ang mga eyeball niya, wala na bang ibang linyahan? Gasgas na gasgas na 'yon sa mga pelikula. Babaliwalain na sana niya ito nang biglang makita niya ang paparating na si Damien. Nang makaisip ng ideya ay agad siyang napangiti. "Uhm, I think this is the first time but, by the way can I see your abs?" Sinadya niyang nilakasan ang boses niya para marinig ni Damien na malapit na sa kanila. Nakaupo siya habang nakaharap naman sa kan'ya ang lalaki habang nakatayo ito. "Oh sure!" Sabay taas nito ang suot nitong sando. Oh infairness, maganda ang abs nito. "Can I touch them?" Ramdam niya sa sulok ng mga mata na nakakunot-noong nakatingin lang sa kanila si Damien. Agad namang tumango at ngumisi ang lalaki. "Wow! It's really hard!" Ngisi rin niya at pinaarte pa ang mga kamay. "May mas matigas pa riyan, do you really want to touch and see them too?" ngisi sa kan'ya ng lalaki. Nababastusan man sa sinabi ng lalaki ay hinayaan na lamang niya ito dahil ang aim niya rito ay magpapansin kay Damien. Napaka-awkward pa naman ng positiion nilang dalawa. "Ah-eh," pekeng ngiti niya rito. "Come on, I know some place!" At mabilis na siyang hinawakan sa isang braso para hilain patayo nang magulat siya nang bigla nalang bumulagta ang lalaki sa may harapan niya. Sinuntok pala ito ni Damien. Siya naman ay nanlalaki ang mga mata na nakatingin lang dito habang gulat na gulat. Biglang dumating ang mga empleyado ng gym. Dahil kaibigan din ni Damien, ang may-ari ng gym na 'yon ay mas kinampihan nila ito. Masama muna siyang tinitigan ni Damien, bago nito kinuha ang bag at mabilis na umalis. Nakakunot-noo naman niya itong tinignan at hinabol ng tingin nang mapagtantong aalis na ito. Mabilis niya rin kinuha ang gym bag niya at tumakbo para habulin ito. Nasa may parking lot na ito nang maabutan niya. "Damien!" sigaw niya rito. Pero hindi siya nito pinapansin.  "Damien!" Mabilis na hinawakan niya ito sa isang braso nang maabutan. "What?!" Madilim ang anyo nito nang humarap sa kan'ya. "Bakit mo naman sinuntok 'yong--" "D*mn you, Jane! Binabastos ka na nga ng gagong lalaking 'yon pero wala ka pa rin ginagawa?! O baka naman gustong-gusto mo talagang makipagbastusan sa kan'ya?!" galit na sabi nito. Agad siyang natulala sa sinabi nito pagkatapos ay napangiti nang maluwag. "Why are you smiling?!" inis na tanong nito sa kan'ya. "Nagseselos ka na ba, Damien?" ngiting-ngiting tanong niya rito. Agad naman itong napailing "Crazy woman!" Mabilis na itong sumakay sa kotse nito. Nakaalis na si Damien, ay nakatulala pa rin siya habang nakangiti. Tumalon-talon pa siya sa sobrang saya. Yes! May pakiramdam na ang Damien ko! Nagseselos na siya. Dahil may period siya ngayong linggo na ito ay hindi muna siya naglalalabas, grabe kasi ang dysmenorrhea niya kaya ang mommy nalang niya ang kinukulit niya. "My! Ano ng balita doon sa request ko? Nasabi mo na ba kay Tita Diana?" "Oo, nasabi ko na noon pang isang araw. Tatawagan nalang daw niya ako kapag nakausap na niya ang anak niya. Ewan ko ba sa iyo, Anak." "Thank you, My! The best ka talaga," at niyakap ang Mommy niya. "Kung hindi lang malakas sa akin ang Baby ko," Ngiti ng mommy niya.  Dalawang araw pa ang mabilis na lumipas at nakatanggap na ng tawag ang mommy niya mula sa mommy ni Damien. "Oh Anak, tumawag na ang Tita Diana mo, pumunta ka raw mamaya sa resto at kakausapin ka ni Damien." Balita sa kaniya ng mommy ng niya habang nakangiti. Agad nagningning ang mga mata niya. Sa wakas! Makakasama na niya ang Damien niya sa araw-araw sa loob ng opisina. Makakapagsolo na sila. Agad siyang pumasok sa loob ng kwarto niya at pumili ng magandang dress.   Nahanap niya ang skintone dress niya na hapit na hapit sa bewang at dibdib niya. Nagsuot nalang siya ng flats at kinulot ang dulo ng brownish na buhok niya at kinuha ang hermes white bag niya.  Excited na excited siya habang nagda-drive.  "Hi. Where is Damien?" Ngiting tanong niya kay Bianca, ito 'yong babae noong isang araw. "Pinapasabi ni Sir Damien, na maghintay ka muna raw sa labas." Seryosong sagot ng babae habang nakaismid. "What?!" Gulat na tanong niya. "Are you kidding me? He's expecting me at hindi ka ba marunong gumalang? I'm your soon-to-be boss," ngisi pa niya sa babae. "Basta, maghintay ka nalang daw diyan," at mabilis na siya nitong iniwanan. Aba't antipatika to ah! Makikita mo! Halos 30 minutes din siyang nakaupo roon nang tawagin para pumasok sa loob ng opisina ni Damien. Nang makapasok sa loob ng opisina nito ay agad niyang iginala ang buong paningin, in all fairness maganda ang opisina nito. "Where is my table? I thought I'm going to work here?" bungad niya kay Damien. Tinaasan lang siya nito ng isang kilay at napangisi. "Ms. Mendoza, don't you know the word professionalism?" "What?" "Are you going to a attend a party or an interview?" Mabilis siya nitong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. "What interview? Are you kidding me, Damien?! Can you please drop the formality. Nasaan na ba 'yong table ko?" "Where is your resume?" balewalang tanong niya rito. "Resume? What?!" gulat na tanong din niya rito. "If you're not really interested in working here and just want to bug me, please just leave. I don't have much time for this, I'm busy!" inis na sabi nito. "But I thought, I am hired?" takang tanong niya. "Just because our two mother's are best of friend doesn't mean that we are friends too. Now, don't waste my time. If you doesn't have anything to show off, then you are free to leave." At mabilis na nitong binalikan ang laptop nito at hindi na siya pinansin. Nanggigigil siyang napapadyak bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD