MATULING lumipas ang dalawang araw ay may pag-iingat na binuksan ni Mang Canor ang isang lumang kahon na nakatago nang matagal sa ilalim ng kanyang hinihigaan at sa loob nito ay inilabas niya ang bagay na nakabalot ng pulang tela. Laman niyon ay isang camera, isang bagay na naglalaman ng ebidensya at nagpapatunay rin na biktima lamang din si Gal sa eskandalo na kinasasangkutan nito.
Naiiyak na napatingala at tumitig sa kisame si Mang Canor, saka niya muling binalot ng tela ang hawak-hawak.
“Kung nasaan ka man ngayon, Miggy. Sana’y matahimik na ang iyong kaluluwa. Biktima rin lamang si Gal sa kasamaan ng budhi ni Ralph,” munting usal ng kaniyang isipan at muling ibinalik ang kahon sa ilalim ng kama niya.
Kaytagal na niyang itinago ang bagay na hawak at maski kay Gal ay hindi niya ipinakita. Ayaw rin niyang itapon dahil parang may pumipigil sa kanyang gawin ito.
Bahagya siyang bumuntonghininga. Nang maitago ito ay napangiti siya ngunit, kaagad nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok si Gal. Mabuti na lamang ay maagap siyang kumilos. Rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha nang harapin niya ang binata at tila pinanlamig ang buo niyang katawan nang igala ni Gal ang paningin sa loob ng kanyang kuwarto.
“Kayo ho pala, Konsehal. Ginulat niyo naman ho ako,” aniya saka ngumiti nang pilit.
“Pasensya na Mang Canor. Napansin ko kasing nakabukas ang pinto ng kuwarto mo kaya pumasok na ako,”
“Kooh! Ganun ba? Siyanga, ano bang maipaglilingkod ko, konsehal?” usisa niya nang maikalma ang sarili.
Ngumiti ng totoo sa kanya si Gal,
“Don’t call me konsehal and senyorito, Mang Canor. Mas gusto kong tawagin mo ako sa pangalan ko. Hindi ka na rin iba sa ’kin,” ani Gal sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
“O siya! Ikaw ang masusunod, nasanay lang kasi ako.”
“It’s okay. Samahan mo na lang akong uminom, dinalhan kasi ako ni Gil ng bago at imported!” nakangising ani Gal.
“Naku! Mamapasubo ako niyan, Gal. Tayo na sa hardin, doon natin iyan laklakin. . . sandali lamang at tatawagin ko si Jared,” nakangiting wika ni Mang Canor at mabilis na inihulog ang sapin ng kanyang kama para hindi makita ang kahon sa ilalim nito.
“Sige ho, mauna na ako sa labas. Sumunod kayo,” paalam sa kanya ni Gal saka ito lumabas ng kwarto niya.
Pinagpawisan si Mang Canor, gamit ang labakarang nakalagay sa kaniyang leeg. Pasimple niyang trinapuhan ang noong namamawis dahil sa tensyong nadarama.
He sighed,
pasalamat na lamang siya dahil, hindi matanong si Gal.
———
NAPAHAPLOS sa kaniyang sariling braso si Freya habang nakatingin sa kalangitan. Nasa may balconahe siya at nakagawian niya ang pagtingala sa mga bituin sa tuwing lumalabas ang mga iyon. May lungkot sa kaniyang mga mata nang maala niya ang mukha ni Jared kanina maging ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
She sighed, wiping the tears that tried to escape from her eyes.
Nasaktan niya ang nobyo sa pagtanggi niya bilang si Miggy. Ngunit, nakakabuti din iyon sa nakakarami. Para sa kanya ay patay na si Miggy, ang pagkahulog nito sa tulay ay dala na nito ang masalimuot na pangyayari. Binaon nito sa hukay ang araw na ’yun at pagbayaran ang may sala. At ’yun ay si Councillor Gal Gustav; nasa kanyang plano na ito kung paano siya gaganti sa lalaking walang awang lumapastangan sa kanyang pagkatao.
Kumuyom ang kanyang kamao nang matitigan niya ang sobreng naglalaman ng invitation card para sa paparating na selebrasyon sa pamamahay mismo ng konsehal. Tumalim ang mga titig niyang hawakan ang iyon.
“Pahihirapan kita, paunti-unti hanggang sa madurog ang pagkatao mo, Gustav!” nangangalit ang mga matang naisambit niya sa sarili at inilapag sa mesang katapat ng kama niya ang sobre.
KALAUNAN, sa isang kilalang Resto Bar, seryoso ang mukhang sinundan ni Freya si Sabel. Ayon kay Sabel ay dito nila matatagpuan ang konsehal, mula ang impormasyon na iyon sa ulat ng inutusan nilang tagamasid.
Suot niya ang loose gray crop top, na tenernuhan niya ng maong na skinny jeans habang nakatali nang pabilog ang kaniyang buhok.
Habang papasok, ay ramdam niya ang mga aura ng nandoon. Para bang gusto nang lumabas sa mga oras na iyon ang kaniyang puso dahil, sa malakas na tugtog ng musika, habang si Sabel naman ay pa easy-easy lamang at balewala ang malakas na tugtog na sumalubong sa kanila.
Inilinga niya kaniyang mga paningin habang humahakbang patungo sa isang bakanteng upuan. Isang espesyal na tao ang gustong niyang makita sa mga sandaling iyon, at walang iba kundi si Gal Gustav.
“Sayaw tayo?” masiglang aya sa kaniya ni Sabel bagay na ikinailing niya't ngumiti rito nang tipid.
“Mauna ka na, may gagawin lang ako!” pagtanggi niya.
Kapagkuwan ay tumango si Sabel saka napangisi bago lumapit sa kanyang tabi at bumulong sa may bandang tainga niya.
“He’s here! Nag-iisa lang yata siya kaya makakalapit ka.”
Luminga sa isang katapat na sulok si Freya at kaagad napansin nang kaniyang paningin ang pamilyar na bulto ng lalaking nakaupo nang tahimik at malayang umupo sa isang bakanteng silya paharap sa bartender. Sumilay sa kaniyang labi ang kakaibang ngisi bago ito pasimpleng humakbang at agad na gumawa ng eksena.
Sinadya niyang banggain ang mala-addict na hitsura ng lalaking naaaliw mula sa kaniyang pagsayaw-sayaw kasama ang babaeng tila linta kung makadikit dito.
Galit at inis agad ang bumakas sa mukha ng lalaki at walang pasabing sinampal siya nito sa mukha. Gumawa kaagad iyon nang pagtuon nang pansin. Maging ang tahimik na konsehal ay nakakunot-noo dahil, sa kaguluhan.
Tila natabingi ang mukha ni Freya sa lakas ng pagsampal sa kanya ng lalaki at tanging pagkamao na lamang ang tanging nagawa niya, at kinailangan niyang indain iyon at umaktong aping-api na.
Sandaling tumigil mula sa paglagok si Gal, nilingon nito ang pinangyarihan nang gulo habang blangko at seryoso lamang ang kanyang titig. Bahagyang sumingkit ang kaniyang mga mata matapos makita ang lalaking nang-aapi ng babae.
Napakamao siya, ngunit ayaw nitong makialam bagay upang ibalik nito ang pansin sa kaharap na alak. But, his mind didn’t cooperate.
“Sorry po. Hi-hindi ko naman sinasadya iyon,” hinging pasensya ni Frea at para mas makatotohanan ay nangingiyak niyang hinawakan ang pisnging nasaktan.
“Ta-tanga-tanga ka kasi! Umalis ka nga sa harapan kong bab—AW!” naidaing at hindi matapos ang sasabihin ng lalaking aakmang pagbuhatan muli siya ng kamay nang, may matipunong braso na ang humarang doon at kulang na lamang ay baliin nito ang daliri ng lalaki.
“Does hurting a woman make you a real man, huh? Leave and get the h*ll out before I lose my temper! Or else I will break your neck!” malamig at baritono ang boses ng lalaking may mapungay na mata at may maseselang braso matapos itong matitigan ni Freya.
Sandali siyang natigilan at kaagad na nag-iwas nang tingin nang masulyapan at tapunan siya nang tingin ng lalaking sumaklolo sa kanya.
Ibinaling ng lalaki sa nakaharap ang tingin kung kaya't mababanaag sa mukha ng huli ang takot at kaagad nitong paghingi ng tawad saka ito umalis matapos bitawan ng lalaki.
Sinundan ng tingin ni Freya ang lalaking umalis saka palihim na napangisi at muling bumalik sa pag-aaliw ang mga nakikiusyoso.
Nahihimigan niya ang lamig ng aura ng konsehal kung kaya ay mabilis niya itong pinigilan sa kamay nang akma iyong aalis at tatalikuran na sana siya.
She's wearing a fake smile on her face.
“Salamat nga pala,” pag-akto niya bagay na ikinatitig sa kaniya ng lalaki.
His expression is something that can make everyone melt. But, not her, hindi siya madadala sa anumang atraksyon kahit gaano ito kaguwapo.
“Don't mind it,” tanging naisambit ng kaharap.
Kapagkuwan ay mariin siyang tinitigan ng binata na para bang kinikilala siya nito.
Napalunok siya, Does he remember her? Paano kung malaman nito kaagad na siya ay si Miggy? Pero, imposible iyon, malaki na ang pinagbago niya.
A few seconds by, paalis na sana siya ngunit, marahan siyang nahila ng binata bagay upang matigilan siya saka nakatutok ang kanyang mga mata sa braso niyang hawak nito.
A genuine smile trace on Gal’s lips.
“I remembered you,” seryosong tinig nito bagay na ikinatigil ni Freya at biglang kinabahan sa sinambit ng lalaki.
Para na siyang kinapusan nang paghinga dahil bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib.
“Natatandaan pa ba niya ang mukha ko? Jeez! No!” pagkontra niya sa kaniyang isipan.
Lalayuan na sana niya ang binata ngunit, mas hinigpitan nito ang paghawak sa kaniyang braso at mariin siya nitong tinitigan sa kaniyang mga mata. Matagal at nakakapanghina.
Kunot-noo, agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Gal. Tinitigan nito ang dalagang kaharap matapos itong mamukhaan makalipas ang ilang segundo. Hindi rin ito nalalayo sa itsura ng dalagang minsan niyang nagawan ng kagaguhan noong gabing naturukan siya ng dr*ga.
Yes, he still remember Miggy's face, kahit wala siya sa katinuan noon. Pero ang babaeng kaharap niya ngayon ay implosibleng si Miggy naman ito bukod kasi sa maamo ang mukha nito ay may nunal sa gilid ng kaniyang mata. Habang si Miggy naman ay walang bakas na palatandaan sa mukha at matagal na itong patay.
Kita niya ang biglang pagkaputla ng babae ng sambitin nitong naalala niya ito. Natakot niya yata.
Isang simpleng ngiti ang inilabas nito, “Naalala kita, ikaw 'yung babaeng nakabangga ko hindi ba?” Sambit niya.
Tila nahipnotismo naman si Gal nang masilayan ang pagngiti ng kaharap. Her smile is so sweet, at may kakaiba itong dating para sa kaniya. Pasimple nitong kinalma ang kaniyang sarili saka ito muling ningitian.
“Pasensya na. Naalala mo pala 'yun,” sagot ng dalaga.
He nodded, “Ako kasi ang taong hindi nakakalimot nang basta-basta!” wika nito bagay na ikinangisi ng dalaga.
Nagdaan ang oras ay tila nasarapan sa pakikipag-usap sa estranghera si Gal. Magiliw, tila ayaw na itong pakawalan kaagad. Hindi nito mawari ang dahilan, pero gusto niya itong makilala nang husto.
“Mind to join me. Okay lang na hindi ka uminom. Orderan kita ng juice if you want,” pag-aya ni Gal.
Napatitig si Freya, saka ngumiti nang peke at tila naayon sa kanyang plano ang oras at pagkakataon. May ngiti sa labing tinanggap niya ang alok ni Gal at sasakyan niya ang trip nito. Alam na niya ang galawan ng kaharap kung paano ito maglaro pagdating sa mga babae, dahil sa loob ng tatlong taon ay inaral niya ang pagkatao ng konsehal.
Ang kusang paglapit nito sa kanya ay siyang paraan niya para magawa ang balak. Sisiguraduhin niyang kukuhain ang loob ng konsehal, paiibigin niya ito at dudurugin ang puso.
“Maghintay ka lang konsehal. Malapit na ang oras na makapaghiganti ako sayong hay*p ka! May ipapasabog akong regalo para sayo pagdating ng oras na magawa ko ang pinaplano ko para sayo!” naisatinig ng kaniyang isipan habang nakatingin sa binatang nakangiting inilahad sa kaniya ang juice na inorder nito para sa kanya.
“Bakit juice? Pwede naman akong uminom ei,” saad niya.
“Masama sa babae ang uminom, mag-juice ka na lang,” seryoso ngunit nakangising saad ng binata.
Umangat ang kabilang kilay niya saka inirapan na lamang ang kaharap.
“Well, sige, ayos lang.”
Naiiling saka natawa nang mahina ang konsehal na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Freya.
Napangisi siyang lalo, “Ganyan nga, umayon ka sa plano ko!”
Paglingon niya ay nakita niya sa sulok ng kaniyang mga mata ang nakatayong si Sabel di kalayuan mula sa kinaroroonan nilang dalawa ng konsehal at may ngiting tagumpay na tinanguan niya ito at kaagad namang nakuha ni Sabel ang ibig niyang sabihin kung kaya ay umalis ito.
Bahagyang umawang ang labi niya nang makita ng kaniyang dalawang mata ang sumunod na ginawa ni Sabel. May kahalikan na iyong lalaki at sigurado siyang pareho silang lasing.
“Jeez, Sab. Loka ka talaga!” naisaloob niya.
Binigyan niya nang isang pilit na ngiti ang kaharap saka niya napagpasyahang magpaalam.
“I have to go. Salamat nga pala sa ginawa mo kanina,” paalam niya sa binatang tahimik na muli na tila may malalim itong iniisip.
Nang tapikin niya ang balikat nito ay saka lamang ito natauhan at may pagtatakang tumingin sa kanya.
“Aalis na ako. Salamat!” muling sambit niya, akmang tatalikod ay maagap nang nahawakan ng binata ang kamay niya at nagsandali ito.
“Wait—Can I invite you to come with me? No! I mean, may selebrasyon kasi sa bahay ko ngayong darating na linggo,” natataranta at bakas sa boses nito ang kaba.
“Here—” anito at may kinuha ito sa wallet sabay abot nito sa kanya.
“Tawagan mo lang ako sa numero kong ‘yan. Sorry, nakakahiya tuloy,” dugtong pa nito.
Napangiting mapang-akit si Freya, lumapit ito sa kinaroroonan ng konsehal, pagkatapos ay walang pasabi niya itong hinalikan sa labi. Sandali lamang iyon ngunit, nagbigay iyon ng gulat sa binata bagay na ikinalunok nito ng laway.
“I will. Bye! See you around,” ngiting tagumpay na paalam ni Freya bago niya iwan ang nakatangang konsehal.