INABALA ni Gal ang sarili sa nakatambak na papeles na nasa kaniyang harapan. Nasa loob siya ng kanyang library room at doon din siya nagpalipas ng oras. Ginugol ang kaniyang sarili sa pagta-trabaho at nawala ang interest niya sa babae. Lalo na at hindi niya maintindihab kung bakit naiisip niya ang babaeng nakabangga kanina dahil, parang pamilyar ito sa kanya.
Mula sa malalim na pag-iisip ay nahinto siya sa kanyang ginagawa. Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon mula roon si Mang Canor, na noon ay malapad na nakangiti sa kanya.
“Bakit po?” pagbungad tanong niya rito dahil na rin sa kuryosidad.
“Ay! Parang wrong timing yata ako sa pagpasok ah? Mukhang wala ka yata sa mood ngayon,” nakakamot sa ulong sabi ng matanda bagay na ikinababa ni Gal sa suot nitong oaklay glass saka napangiting iniiling ng bahagya ang kaniyang ulo.
“It’s okay, sabihin mo lang kung anong gusto mo,” kalmadong aniya.
Tumikhim si Mang Canor, lumapit ito saka nagsalita.
“Ah, a-ano kasi…ma-may dala akong chimay sa labas. Ba-baka matipuhan mo,” nag-aalangan at paghinto nitong sabi bago nagpatuloy. “Alam mo na, pampalipas oras kumbaga.”
Kunot-noo, nawala kaagad sa labi ni Gal ang ngiti. Bahagya namang iniwas ni Mang Canor ang paningin dahil, sa presensyang iyon ng binata.
“Pa-pasensya ka na, sabi ko na hindi mo rin magugustuhan,” peke ang ngiting sabi nito. “Sige, pauwiin ko na lang,” nakangising pagpapatuloy nito.
Sumilay sa labi ni Gal ang tipid na ngiti saka ito bumuntonghininga. Bago pa man tumalikod mula sa kanya ang matanda ay pinatigil na niya ito.
“Wait! Mang Canor, It’s okay. Let her in here. I'll try, baka makatulong din sa ’kin,” malumanay niyang tugon.
May kakaibang lungkot, pangamba, at kawalan ng pag-asa ang makikitaan sa mga mata ng binata. Alam na alam ito ni Mang Canor, na napipilitan lamang ang binata. Mula nang maturukan ang binata matapos ang gabing iyon ay hindi na muling sinubukan pa ni Gal ang pakikipagtalik sa mga babae. Nabibigo kasi ito, dahil wala ng silbi ang kaniyang pagkaka-lalaki.
“Sige, mabuti nga, sandali lang at papasukin ko na siya rito,” anito saka nagpaalam din para lumabas.
KALAUNAN, ang babae na rin ang gumawa ng paraan upang mapaligaya ang binatang matamang nakamasid lamang at hinahayaan nitong magmaniobra. Hinayaan siya nitong gawin ang nararapat.
He wanted to feel the Lust.
Napapikit si Gal sa mga sandaling iyon. Nagbabasakaling umepekto ang ginagawang pagpapaligaya sa kanya ng babae, na kahit halos usubo nito ng buong-buo ang p*********i niya.
The girl kisses went deeper, her hands moving up and down there; still won’t work, para bang hindi sapat iyon para mabuhay ang pagnanasa sa kanyang katawan hanggang sa nawalan siya ng gana.
“Hey! wala ka man lang gagawin?” halos malukot ang mukha ng babae, bakas sa boses ang pagkadismaya kaya napapikit na lamang muli si Gal.
Sa kanyang pagpikit ay biglang lumitaw ang nagmamakaawang imahe ni Miggy, ang dalagang minsan nitong natipuhan. Umiiyak ito at muling nagmamakaawa sa kanya.
“F*ck!” naimura niya at kaagad na nailayo ang sarili sa babaeng nasa kanyang harapan.
“What?” naiinis tanong ng babae na halos hindi makapaniwala ng matitigan si Gal dahil sa pagtaboy nitong ginawa.
“Stop!” paghinto ni Gal, at dali-daling sinara ang nakabukas na zipper ng kanyang pantalon.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha na para bang natauhan. Kinokonsensya na naman siya. Inipon niya ang hangin sa kaniyang loob bago ito pakawalan.
“I'm sorry, okay? Here take this,” ani Gal at kinuha sa wallet ang pera. “Please, leave my house!” mahina ngunit puno ng awtoridad ang tono ng kanyang pananalita.
Bagamat nabitin ang babae ay sumilay sa mukha nito ang tuwa at nagniningning ang mga matang kaagad nitong tinanggap ang pera at pagkatapos ay lumisan sa kanyang library.
Napahilot sa kaniyang sintido si Gal at napapikit ng madiin. Sising-sisi siya sa mga pangyayari at maging sa nakaraan.
He sigh,
“Please, be in peace. I’m sorry!” naiusal na lamang niya.
Eksenang pinakaayaw niya at sa oras na tinatangka niyang gawin ang nais ng kaniyang kaibuturan ay lumilitaw sa kaniyang gunita ang dalagita, kinokonsensya siya nito at hindi pinapatahimik.
SA SUMUNOD NA ARAW. Santiago's Memorial Park Cemetery, ay doon nagtungo ang konsehal. Araw iyon para sa pagdalaw niya sa puntod ng kanyang namayapang ina. Suot niya ang white longsleeve na sadya naman talagang bumagay sa pangangatawan niya, bukas ang ikalawang butones ng damit nito bagay para bahagyang lumantad ang kakaunting balahibo sa dibdib nito.
Binaba niya ang kulay itim na sungglasses at marahang inilatag sa gilid ng lapida ang magagandang bulaklak niyang dala.
Tahimik lamang siya, saka tumingin sa kawalan, at bakas din ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Isa siyang Gustav, na ninanais ay makaranas ng masayang pamilya. Oo nga’t mayaman siya, pero wala namang saysay iyon dahil nagkawatak-watak ang pamilya nila.
Si Greg, na nakakatanda niyang kapatid ay nanirahan sa Italya kasama ang esposa nitong Italiana. Ang papa naman niya ay may sarili na rin pamilya. Tanging si Mang Canor at dalawa nitong nakakabatang kapatid na sina Gilbert at Georgina ang nakakasama niya sa bahay tuwing gabi dahil abala ang mga ito kanilang mga trabaho.
Mabuti na lamang, nariyan si Mang Canor na handang samahan siya sa lahat ng bagay.
SA bandang bahagi. Bakas nang isang masamang tingin ang ipinukol ni Freya mula sa kinaroroonan ng binata. Nasa di kalayuan ito at matamang nakamasid din. Hindi siya mahahalata dahil nagkukunwari siyang may dinalaw din. Suot niya ang kulay puting v-neck t-shirt na pinaresan niya ng simpleng jeans, kulay abong scarf naman ang nakabalot sa leeg niya. Nakatunghay din ang maiksi niyang buhok at suot ang cap na kulay itim.
Tatlong araw na din nang sinubaybayan ni Freya, ang binatang konsehal kung kaya ay alam na alam na nito kung ano ang kanyang ikinikilos. Ngunit, katulad sa nakalap niyang impormasyon ay mailap nga ito.
Minamanmanan niya ang lalaki at simpleng tinutok ang baril na nakatago sa bitbit niyang bulaklak. Pero bago paman iyon ay biglang lumingon sa direksyon niya ang lalaki. Wari ay sinusuri siya at kinikilala. Bigla, umurong ang balak niya.
Natigil siya mula sa binabalak at kumunot noo na lamang.
Pasimple siyang tumalikod at itinago ang baril sa bulaklak na dala. Naglakad siya nang mabilis dahil mukhang naghinala ang lalaki. Gamit ang cap nitong suot ay ginawa niya iyon pantabon sa kaniyang mukha upang ikubli ito.
Naglakad siya nang nakayuko hanggang sa may biglang humarang sa kanyang dinadaanan at hinawakan siya nito sa braso upang pigilan mula sa pag-alis.
Nakita niya ang dulo ng sapatos ng taong nasa kanyang harapan at sa mga sandaling iyon ay nagsimula nang magwala ang puso niya at bumilis ang pagpintig nito.
Napansin niya ang pamilyar na kilos nito bagay na ikinatingala niya nang marahan.
She stunned,
mabuti na lamang nakatulong ang cap niyang suot upang itago ang mukha mula sa kaharap.
“Jared?” bulong ng kaniyang isipan at yumuko nang maigi.
“Miss, may naiwan ka,” anito sabay iniabot sa kanya ni Jared ang cellphone na hawak nito.
Hindi siya sumagot. Basta na lamang niyang tinanggap ang iniabot nito.
“Pasensya na,” paumanhin ni Jared nang mapansin nito na wala siyang balak na kausapin siya.
Nang humakbang siya paalis palayo dito ay hindi sinadyang nasilip ni Jared ang kaniyang mukha bagay na ikinatigil ng binata nang matagal.
Natulala ito at hindi makapaniwala sa nasilayan. Tila namamalikmata lamang ito ngunit, gusto niyang makasiguro.
“Migs, Miggy! Te-teka, sandali. Miggy!” paghabol nito sa kanya.
Binilisan naman ni Freya ang paghakbang ngunit, parang si ‘The Flash’ ang binata at kaagad siya nitong naabutan.
“Migs, sandali lang…” pigil sa kanya ni Jared sabay hablot nito sa kaniyang braso.
Tumungo ito sa harapan niya dahilan para mahinto siya’t matigilan.
Huminga nang malalim si Freya, bago niya iniangat ang mukha sa kaharap. Kaagad niyang nakita ang kakaibang kislap at pangungulila sa mga mata ng lalaki matapos niya itong matitigan. Ngunit, nanatili lamang siyang blanko at walang pakialam habang nakatingin dito.
She sighed wearing her arrogant look.
“Excuse me. Hindi Miggy ang pangalan ko. I’m Freya, Freya Gonzales,”
“Now, can you let go of my hand?” nakataas ang kilay na aniya.
Tinitigan lamang siya ng binata sa kanyang mga mata at alam niyang binabasa nito ang mga ikinikilos niya. Kilala ni Jared ang dating si Miggy, at alam niyang hindi ito maniniwala ng basta-basta lamang.
Kinabahan tuloy siya dahil dun. Dahil, nararamdam niya ang kakaibang lungkot sa mga mata ng kaharap. Hindi tuloy niya napaghandaan ang pagyakap nito sa kanya.
“Miggy, ako ’to si Jared. Babe, ako ‘to… hi-hindi muna ba ako naalala, ha? Miggy naman, kaytagal na kitang hinintay,” namumula ang mga matang naisambit ni Jared.
“Alam kong ikaw ’yan, kahit pa na magtago ka sa ibang katauhan, kilala kita Miggy,” pagpupumilit nito bagay na ikinasalubong ng mga kilay ni Freya sabay nagpupumiglas mula sa pagyakap nito sa kanya.
Alam niyang oras na ipagpilitan ito ni Jared, ay paniguradong mabulilyaso ang trabaho niya. Kaya, isang masamang titig ang ibinigay niya rito at walang pag-aalinlangan ay sinampal niya ito.
“Crazy! Hindi nga ako ang babaeng sinasabi mo. Puwede bang lubayan mo ’ko!” bulyaw niya sabay tinanggal ang suot na cap.
Mabuti na lamang ay suot niya ang makapal na kolorete sa mukha, at ang pekeng nunal.
“Look at me! Magkamukha ba kami ng babaeng sinasabi mo ha!” singhal niyang muli at bumakas sa mukha ang pagkairita upang mas mukhang totoo.
Natigilan at natahimik na lamang si Jared, saka naiyuko nito ang ulo. Lumuwag ang pagkahawak niya sa kaniyang braso at tuluyang bumitaw.
Kahit labag sa kalooban ni Jared ang pangyayari ay kusa niyang inilayo ang kanyang sarili. Masyado siyang nadala ng kaniyang damdamin.
He bitterly smiled.
Namalikmata lamang ba siya? Siguro nga oo. Bukod kasi sa maiksi ang buhok ng babae ay may nunal sa gilid ng mga mata nito. Malayong-malayo ito sa nobya niyang si Miggy.
“I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya,” malumanay at sensirong paghingi niya ng tawad at naunang tumalikod habang bagsak ang balikat na lumayo.
KANINA pa nagpigil ng iyak si Freya, ngunit kinailangan niyang umakto sa naayon. Subalit, kahit anong tago niya sa totoong nararamdaman ay kusang bumagsak ang pinipigilan niyang mga luha hanggang sa nanginig ang labi niyang humikbi nang palihim.
“Patawarin mo ’ko Jared, I'm sorry. Hindi na ako perpekto sa mata mo, hindi na ako ang babaeng para sayo,” hikbing naisaloob niya bago humakbang palayo.