Sa bayan nang Sta. Ana kung saan nanirahan si Anthon kasama ang kinilala at itinuring nitong mga magulang. Nasa may ilog siya sa mga sandaling iyon. Kung saan ay nakasanayan niyang paliguan pagkagaling niya mula sa Rancho.
Umaga at ramdam niya ang lamig na pinaghalong init ng ilog. Bahagya niyang inihaon ang basang katawan saka hinubad ang suot na kulay gatas na sando. Tuloy, lumantad ang maskulado nitong pangangatawan.
Bahagya niyang inilinga sa paligid ang kaniyang mga mata saka napakunot-noo na lamang. Akma siyang lulusong muli nang maagaw ang kanyang atensiyon sa bandang bahagi ng batuhan. Lalong kumunot-noo niya at nagbigay sa kanya nang kuryosidad na lapitan ang bagay na iyon.
Ngunit, ganun na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang matitigan niya ito nang malapitan.
Isang babae.
Babaeng punit-punit ang damit, mayroon itong sugat sa noo at maging sa bahaging binti nito ay may sugat din. Kaagad niyang sinaklolohan ang babae nang makabawi mula sa pagkagulat.
Dinala niya sa gilid ang babae at tiningnan kung ito ay humihinga pa. Nang itapat niya ang kaniyang daliri sa ilong nito ay naramdaman pa niya ang init ng hininga nitong inilalabas ng kaniyang ilong. Ginawa niya ang unang hakbang upang mailigtas ang babae.
Giving her a mouth-to-mouth procedure, then pump her chest trice. Hindi niya ito tinigilan at muli ay hinipan niya ang bibig ng babae. He pump her chest again, hanggang sa inilibas ng babae ang tubig na nainom nito.
“Hey!” tanging aniya saka tinapik-tapik ang pisngi nito.
Napaubo ang babae. Ngunit, kulang ang lakas nito upang imulat ang mga mata upang makabangon.
He helped her, at ipinasandal niya muna ito sa kaniyang malapad na dibdib.
Kalaunan ay nagpasya siyang dalhin ito sa kanila kung kaya't hindi na siya nag-isip pa at binuhat ito. Wala na siyang inisip kundi iligtas ang babae bagay na ikinalimot niyang wala siyang naisuot na sapin sa kaniyang paa.
5 YEARS PAST…
Yakap-yakap ni Aling Melia ang picture frame ng namayapang anak na si Miggy Alcantara. Nadatnan iyon ni Jared dahil, naiwang nakabukas ang pintuan. Malungkot na naiyuko ni Jared ang kaniyang ulo at naaawang pinagmasdan ang ina ng kanyang nobya.
Kung may magagawa lang sana siya, sana ay hindi nauwi sa wala ang pag-iimbestiga. Pero, hindi siya titigil. Hahanapin niya ang may-sala upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Miggy.
Limang taon na rin ang nakakaraan at kasing-bilis ng pagdaan ng panahon nawala sa kanya ang kasintahan. Heto siya, isa na sa mga hinahangaang prosecutor sa edad na bente-otso anyos.
“Jared, bakit nasa labas ka pa? Halika hijo! Tumuloy ka,” aya sa kanya ni Mang Efren nang makita siya nito na nakatayo lamang sa labas.
Ngumiti nang tipid si Jared saka ito lumapit.
“Hindi na ho. Napadaan lang ako at ibibigay ko lang ’to,” ngiting sagot niya, pinipilit lamang na pinapasigla ang kaniyang mukha.
Tinapik siya ni Mang Efren sa kaniyang balikat saka siya tinitigan sa kaniyang mga mata at ningitian pagkatapos.
“Jared, anak. Salamat, pero. . . hindi namin kailangan iyan. Hindi mo obligasyon na araw-arawin kaming puntahan at bibigyan. Hijo, panahon na siguro para kalimutan mo na ang anak ko. Magmahal ka ng iba Jared. Alam kong kahit nasaan man ngayon si Miggy ay hindi niya nanaising maging malungkot ka,” mahabang wika ni Mang Efren bagay na ikinangiti na lamang niya saka lumungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Alam po ninyong hindi ko magagawa iyon. Umaasa pa rin ako, babalik si Miggy sa akin,” hintong aniya saka tumipid na ngumiti.
“Aalis na po ako, gusto ko pong malaman ninyong nakapasok po ako bilang bodyguard ni konsihal Gustav. Gusto kong malaman kung ano ang tunay na pagkatao ni Gal Gustav,” dugtong niya at nawala sa mukha ang ngiti.
Natigilan nang bahagya si Mang Efren saka bumakas sa kaniyang mga mata ang galit.
“Mag-iingat ka doon. Bisitahin mo kami kapag nagkaoras ka,” walang kangiting sabi ni Mang Efren bagay na ikinatango ni Jared bago ito tuluyang umalis.
Planado ang pagpasok niya bilang isang bodyguard ni Gal Gustav. Bukod sa napaka-maimplwensya ng konsihal ay may nakalap siyang balita tungkol dito.
KINAGABIHAN, pawisan ang buong mukha ni Gal nang mapabalikwas ito ng bangon. Binangungot na naman siya katulad noong nagdaan. Bangungot na kailanman ay hindi niya matatakasan.
Bumaba siya mula sa kanyang hinihigaan. Isang pagsalin ng alak ang kanyang ginawa at walang pag-alinlangan niya itong nilagok upang pakalmahin ang sarili. Bahagyang nakabukas ang suot niyang robang kulay pula, dahilan para lumantad ang kaniyang matipunong dibdib.
Mag uumaga na rin kung kaya't binuksan niya ang kurtina sa malapad na bintana ng kanyang kuwarto. Kulay puti at itim ang desenyo ng kuwarto niya maging ang kulay ng kanyang malapad na kama ay ganun din.
He heaved a sighed and look away.
Sandali niyang tinitigan ang oras sa kaniyang pambisig relos at alas kwatro i-medya na iyon ng umaga. Inilapag niya ang hawak na baso bago hinubad ang relos saka tuluyang hinubad din ang kanyang roba bago tinungo ang banyo.
Napapikit siya nang mariin kasabay nang pagpatak ng malamig na tubig sa kaniyang katawan. Hinayaan niya ang kaniyang sariling mababad sa malamig na tubig habang nakakuyom ang mga kamaong nakatukod sa pader ‘tsaka nagmulat ng kaniyang mga mata.
Five years is already been past, ngunit sariwa pa rin sa isip niya at kaluluwa ang isang gabing nagawa niya. At bago paman muling magbalik sa kaniyang alaala ang lahat na naganap ay narinig niya ang pag-ingay ng ignition bell mismo sa kuwarto niya.
Saglit niyang pinatay ang shower saka lumabas ng banyo at suot lamang ang puting tuwalya na siyang pantapis niya sa kaniyang kalahating katawan.
Tinungo niya ang pintuan saka binuksan ito.
“What is it?” seryoso ang tonong tanong niya sa lalaking may seryosong mukha na nakatayo ng tuwid sa kaniyang harapan.
“Oras na po para sa jogging niyo, Konsihal. Gusto niyo ho bang ipasama ko ang isa sa mga tauhan ko?” wika ng lalaki bagay na ikinalabas niya nang tuluyan mula sa banyo sabay hinigpitan ang tuwalyang pambalot sa kalahati niyang katawan.
“No need. Gusto kong mapag-isa, Mr. Gedotti. You can go now,” maawtoridad ang boses niyang saad.
“Sige ho,” pagbigay galang ni Jared sabay talikod sa kanya.
Sinundan lamang ni Gal, ng tingin ang papalayong kausap pagkatapos ay nagdesisyong magbihis ito.
Limang taon, simula noong gabing nangyari ang kalbaryo sa buhay ni Gal, maging sa dalagitang naging biktima ng kagagawan ni Ralph, ay nakulong ng isang taon at tatlong buwan ang binata. Ni rehab ito dahil sa drogang tinurok sa kanya at dahil sa walang ibedensyang nakalap ay nakalabas siya't nalinis ang pangalan niya. Nawala man si Ralph, na parang bula ay alam ni Gal, na babalik din ito.
He sighed.
Inayos niya ang kanyang suot na fitted jogging pants at nike na sapatos mula pa kay Mang Canor. Nang matapos sa pagbihis ay pinaslak niya sa kaniyang kabilang tainga ang bluetooth earphone saka pinatugtog ang musikang tipo niya.