HALIK sa labi ang isinalubong kay Benjamin ng asawang si Veronica pag-uwi niya ng bahay. Abala ito sa gaganaping fashion show pero nagagampanan pa rin naman nito ang pagiging asawa niya. Mag-aalas dose na rin nang makauwi si Benjamin dahil pagkatapos ng medical mission ay ipinatawag naman siya sa opisina dahil may mga kasunduang kailangan niyang pirmahan at aprubahan. Halata sa kanyang mukha ang pagod kaya naman napaupo na lang siya sa couch nang makapasok sa kuwarto nilang mag-asawa. “How was your day?” salubong ng asawa na nadatnan niyang nagsusuklay ng buhok noong siya’y dumating. Veronica was indeed sexy wearing her night gown. Bakas na bakas ang kurbada niyang katawan at ang malapad niyang balakang kapag suot niya ang puting pantulog na iyon. “It was tiring. I feel sorry for what h

