Chapter 23

1056 Words

“ANO?! Hinalikan ka ni Gov?!” Iyon kaagad ang unang naging reaksyon ni Julieth nang ikuwento ni Soledad ang nangyari kamakakailan lang sa medical mission. Kanina pa kasi siya kinukulit ng kaibigan at inuusisa kung bakit sila magkasama ni Governor Elizalde noong makabalik siya sa liblib na bayan ng Sta. Cecilia kung saan sila na-medical mission. Sinabi naman niya rito na sinamahan lang siya ng gobernador pero hindi ito na naniwala sa kuwento niya. Pakiramdam daw kasi ni Julieth ay may iba pa raw nangyari dahil kapansin-pansin ang pag-iwas nilang dalawa sa isa't isa na may halong pagkailang. Hindi naman niya maitatago sa kaibigan ang lahat kaya sinabi na niya ang totoong nangyari. “Ano ka ba? Baka may makarinig sa 'yo. Hinaan mo lang ang boses mo,” pabulong na saway ni Soledad sa kaibiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD