SA KAGUSTUHANG bumawi ni Benjamin sa asawa, maaga niyang tinapos ang kaniyang meeting sa mga barangay captain ng bawat baranggay ng Sta. Cecilia. Pagkadismaya sa sarili ang naramdaman niya nang hindi man lang makapagpaalam kay Veronica bago ito umalis ng kanilang bahay noong umaga ring iyon. He wasn't like that before. Bago siya umalis ay nagpapaalam siya rito pero sadya yatang wala siya sa sa sarili kani-kanina lamang. Medyo late na rin kasi at wala na siyang panahon para mag-aksaya pa ng oras. Ni hindi na nga niya nagawa pang makaligo dahil late na siya sa meeting. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga pagbabantang binitiwan ni General Rosales. Tingin niya, tototohanin ng general ang bantang iyon kung hindi niya isasakatuparan ang gusto nito. That was a great opportunity for tha

