HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Soledad sa mga nangyari. Kung hindi lang talaga siya nakaramdam ng hiya kay Veronica, hindi sana siya papayag na sumama sa opisina ni Governor Elizalde. Kung tutuusin, wala dapat ihingi ng tawad ang gobernador sa kanya dahil alam naman niyang wala itong kasalanan. Nakatingin siya sa salamin ng ladies’ room kasama si Julieth. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya roon na hindi pa rin makapaniwala hindi lang s pagbabago ng kanyang hitsura maging sa mga naganap kanina lamang. “Sabihin mo nga sa akin, ’teh? Totoo ba itong nangyayari?” tanong niya sa abalang si Julieth sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Hindi siya sinagot ng kaibigan. Sa halip ay isang malakas na sampal ang itinugon nito sa tanong niya. “Aray! Bakit mo naman ako sinampal?!” nak

