ISINANTABI ni Benjamin ang lahat ng trabaho para sa espesyal na gabi ng kaniyang asawa. Sa gabing iyon kasi gaganapin ang fashion show na matagal na nitong pinaghandaan. Pero bilang gobernador ng kanilang bayan, hindi maiiwasang magkaroon ng urgent meeting. Kaya kahit malinaw sa kaniyang sekretarya na clear dapat lahat ang kaniyang schedule, nagkaroon naman siya ng biglaang pagpupulong sa mga magsasaka. Hindi niya maaaring iwasan ang tawag ng kaniyang mga mamamayan. Kaya kahit may importante siyang lakad, hindi siya nangiming puntahan ang mga ito. May susunod pa sana siyang meeting pero hindi na niya iyon dinaluhan pa. Veronica’s event is more important than those politicians who just always have their self-interest in politics. Saka na lang niya iintindihin ang mga taong katulad nila. P

