Chapter 28

1079 Words

MALAPAD ang ngiting sinalubong ni Soledad ang kaniyang umaga. Mula sa bintana ng kaniyang kuwarto, kitang-kita niya ang bughaw at maaliwalas na kalangitan mula sa bintana. Pagmulat pa lang ng kaniyang mga mata ay agad na rin siyang bumangon. Alas sais pa lang ng umaga pero abala na ang mga tao ng Sta. Cecilia sa kani-kanilang gawain. Pagbaba naman ni Soledad ay nadatnan niya ang kaniyang lola na nagluluto ng agahan. Nagulat siya dahil madalas, mas maaga siyang nagigising sa matanda. Pero minsan naman ay ito mismo ang bumabangon kapag may importante siyang lakad. Subalit sa araw na iyon, wala naman siyang maalala na pupuntahan. “’La, bakit ang agad mo yata magising?” usisa niya sa matandang abala noon sa pagluluto ng tuyo bilang kanilang agahan. Napansin niya na nangangalumata ang matanda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD