BUMUKAS ang tarangkahan sa tapat ng malaking bahay bago pumasok ang isang magarang sasakyan kung saan nakasakay ang gobernador ng Sta. Cecilia. Alas onse na ng gabi nang makauwi siya sa sariling bahay. Hindi man lang niya namalayan ang oras. Pihadong naghihintay na sa kaniya ang asawa na tingin niya, sa mga oras na iyon, ay gising pa. Naaninag kasi niyang bukas pa ang ilaw sa kuwarto nilang mag-asawa nang iparada niya ang sasakyan sa parking lot. Natagalan bago niya napagdesisyunang bumaba ng kotse. Malalim ang iniisip niya kung kaya't minuto ang lumipas bago niya binuksan ang pinto ng sasakyan. Laglag pa ang balikat niya habang naglalakad papasok ng kanilang bahay. Nang buksan naman niya ang pinto, agad na sumalubong sa kaniya ang kasambahay. “Ser, ako na po ang magdadala ng bag n'yo.

