TULALANG nakaupo sa kanyang swivel chair si Benjamin at tila malalim ang iniisip. Buhat nang makausap niya si Soledad ay hindi na nawala sa kanyang utak ang mga sinabi nito sa kanya. Sa lahat ng babaeng nagtangkang akitin siya, wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nakalusot sa kanya. Pero nang aminin ni Soledad ang nararamdaman nito para sa kanya, hindi na niya malaman kung bakit hindi na mawala sa kanyang isipan ang dalaga. Alam naman niyang hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya dahil may asawa siya subalit para bang may humihila sa kanya para kilalanin pang lalo si Soledad. Pakiramdam kasi niya ay may koneksyon ang dalaga sa kanya na hindi niya malaman kung ano. “Kasi gusto kita matagal na! Gustong-gusto kita kaya hindi ko napigilan halikan ka!” Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa

