“ISANG mapagpalang araw sa inyo, mga kababayan.” Malakas na palakpakan at hiyawan kaagad ang sumalubong kay Benjamin nang hawakan niya ang mikropono. Oras na para siya ang magsalita sa harap ng mga taga-Barangay Maligaya. Makailang ulit na niyang ginagawa ang mga ganoong klase ng maikling talumpati subalit hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib sa tuwing haharap siya at magsasalita sa karamihan. “Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong tumulong para maging matagumpay ang medical mission na ito na taon-taon nating ginagawa sa bawat barangay ng Sta. Cecilia. Hindi ito magiging successful kung hindi dahil sa tulong ng ating mga social volunteer workers, mga volunteer doctors, at mga kinauukulan. Tulad ng ipinangako ko magmula noon at hanggang ngayon, poprotektahan ko ang mga mamamay

