Chapter 8

1079 Words
“GOVERNOR, pinapatawag na raw po kayo. Gusto po ng mga taga-Barangay Maligaya na marinig kayo kahit kaunting speech lang.” Eksaktong pagkaalis ni Soledad ay siya namang pagdating ni Manang Belen at hiniling na magsalita siya sa harap ng mga tao. Kada magkakaroon naman ng medical mission sa iba’t ibang barangay ng Sta. Cecilia ay ganoon ang ginagawa niya. Nais din naman kasi ng mga taong pakinggan ang kanyang tinig sa tuwing bibisita siya sa isang lugar. Minsan ay tinatanggihan na niya ang ganoong bagay dahil madalas ay sagabal lang naman ang speech niya at pampaubos oras lang din pero dahil sa mga tao ang nahiling na magsalita siya ay sino ba naman siya para tumanggi? “Sige po. Susunod ako,” sagot niya sa matandang staff. Tumango lang ito bago muling bumalik sa area. Maglalakad na sana siya papunta sa stage para sa maikling speech pero pinigilan siya ni Veronica at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Wait, hon.” Inayos nito ang butones ng kanyang long-sleeves na tinaggal niya kanina dahil sa maalinsangang pakiramdam at ibinaba ang manggas nito. “You need to be presentable bago ka humarap sa mga tao. Ayaw kong magmukha kang basahan,” paliwanang ni Veronica habang pinapagpag ang kanyang kasuotan. Isa sa mga ugali ng asawa na maging presentable hindi lang sa harap ng asawa at anak maging sa ibang tao na rin. Nakasanayan na nito iyon simula nang maging modelo siya. Hindi lang niya nai-a-apply sa sarili ang mga ganoong ugali, maging sa mag-ama nito ay madalas niyang bihisan at ito rin ang namimili ng mga isinusuot niya araw-araw. Ito rin ang nagdedesisyon kung ano’ng pabango ang gagamitin niya sa tuwing may dadaluhang cabinet meeting o kaya naman ay gatherings. Very hands-on si Veronica sa mga bagay sa kanilang mag-ama. Kahit pa sa pinakamaliit na detalye ng kanilang susuotin ay hindi nito hinahayaang magkamali si Benjamin. Naiintindihan naman ng gobernador kung bakit ganoon na lamang kametikulosa ang asawa sa kung ano’ng hitstura niya dahil bilang public servant nga naman ay kailangan niyang maging maganda sa paningin ng mga tao. “Thank you, hon.” Tipid ang ngiti niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago sila pumanhik ng entablado. Pinaupo muna ang dalawa sa bakanteng stool sa harap ng stage para sa isang maikling programa. Bago sa kanya ang ganoong klase ng medical mission sa barangay dahil naghanda talaga ang mga taga-barangay ng maikling palatuntunan para sa kanya. Natuwa naman siya sa mainit na pagtanggap ng mga naninirahan sa Baranggay Maligaya pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang abalang si Soledad na nasa tapat lang ng entablado ang mesang kinaroroonan nito kung saan ito mismo ang nag-aaayos ng mga kahon ng gamot. Napatitig siya sa dalaga na tila ba nagtatanong pa rin ang isipan. Sa dinami-dami ng mga nagkakandarapa sa kanyang mga babae sa Sta. Cecilia, ito lang talaga ang nagtangkang nakawan siya ng halik sa labi. Pero hindi iyon basta isang halik lang para sa kanya. Sino ba namang magtatangkang halikan ang isang tao na parang kanyang-kanya ito? Base sa ginawa ni Soledad, hindi lang isang paghanga ang nararamdaman nito para sa kanya. Maaari kayang may pagnanasa rin ang babaeng iyon sa kanya? *** “Teh, mukhang panay ang tingin sa iyo ni Gov., ah.” Napansin pala ni Julieth ang panaka-nakang tingin ng gobernador kay Soledad. Pero si Soledad, hinyaan lang iyon. Pasimple niyang siniko ang kaibigan dahil baka makahalata si Governor Elizalde lalo pa’t katabi nito ang iasawa. “Aray naman!” daing nito. “Tumigil ka nga! Baka makahalata ang asawa niyan, kung ano pang isipin,” saway niya sa kaibigan habang patuloy sa ginagawa. Hindi niya inalintana ang nakatutunaw na titig ng gobernador dahil baka alam niya kung ano ang ibig sabihin ng titig na iyon sa kanya ng gobernador. Pasimple lang niyang tiningnan ang gobernador sa entablado sa harapan nila. May mga nagsasayaw sa unahan pero mas nakatuon ang atensyon nito sa kanya sa halip na naka-focus sa mga taong nasa harapan. “Ikaw naman. Napansin ko lang. Pero tingnan mo siya kung makatitig sa iyo, parang gusto kang kainin ng buhay,” humahagikhik na sambit ni Julieth na tila ba may mapanuksong tinig sa huling salitang sinabi. Kung hindi lang talaga maraming tao sa paligid ay nasabunutan na niya ang kaibigan dahil sa panunudyo nito sa kanya. Hindi rin kasi tamang isipin na magkaroon pa sila ng koneksyon ng gobernador matapos ang nangyari kahapon. “May asawa ’yong tao. Kaya tumigil ka, Juls,” saway muli niya sa kaibigan. Bago pa siya mapikon at tuluyang kalbuhin si Julieth ay siya na mismo ang umalis sa puwesto at pumunta sa bakanteng kuwarto kung saan nakalagay ang mga personal na gamit nilang mga staff ng medical mission. Tapos na rin naman siya sa ginagawa kaya binigyan na muna niya ang sarili ng oras para magpahinga. Gusto niya ring makatakas sa mga titig ng gobernador na kanina pang ipinupukol sa kanya. Dahil hindi rin naman malayo sa kinaroroonan niya ang entablado ay nadinig niyang nagsasalita na si Governor Elizalde pero wala siyang gana lumabas para panoorin pa ito at pakinggan. Maikli lang naman ang naging talumpati ng gobernador at halos limang minute lang itong nagtagal sa entablado. Matapos iyon ay nasilayan na lang niya ang pamilya na palabas na ng basketball court. Mukhang uuwi na ang mga ito kaya naman nakahinga na siya nang maluwag. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago siya lumabas ng bakanteng silid. May mha kailangan pa kasi siyang tapusin at asikasuhin sa medical mission na iyon kaya hindi siya maaaring magtagal sa loob dahil baka sitahin na naman siya ng masungit na staff na si Manang Belen. Pinunasa muna niya ang mukha ng face-towel at dahil ramdam na niya ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang mukha. Mainit sa lugar na iyon kaya hindi maiiwasang pawisan ang kahit na sinong mamalagi roon. Matapos niyang punasan ang mukha ay naglagay naman siya ng kaunting lipstick sa labi at pabango na rin para kahit paano naman ay magmukha siyang presentable sa harap ng mga taga-Barangay Maligaya. Subalit nang tumalikod siya para sana lumabas sa silid ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita kung sino ang nakaabang sa kanyang likuran. “Now. Tell me, why did you kiss me?” Wala na siyang takas. Nasa harapan na niya ang lalaking ninakawan niya ng marubdob na halik at silang dalawa lamang doon kaya mukhang hindi na niya magagawa pang kumawala sa pagkakataong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD