UMALINGAWNGAW ang tunog ng sirena ng police patrol sa barangay hall ng Barangay Maligaya sa bayan ng Sta. Cecilia. Kasunod noon ang sasakyan ng gobernador at dalawang pulis na naka-convoy sa private vehicle ng Pamilya Elizalde. Hindi naman nag-request ng protection order si Governor Elizalde pero dahil isa siya sa pinakaimportanteng tao sa bayan ay required na palaging may nakasunod na patrol vehicle sa kanya saan man sila magpunta lalo na ngayon kasama niya ang kanyang mag-ina.
Nang marinig ng mga mamamayan ng barangay ang kanilang pagdating ay hindi magkamayaw ang mga tao nang makita ang kanilang sasakyan. Alam na alam ng mga taga-Sta. Cecilia ang kung gaano sila kamahal ng kanilang gobernador kaya bilang ganti sa kabaitang ipinapakita niya ay isang mainit na pagtanggap ang ibinibigay ng mga ito sa kanya saan nang parte ng bayan siya pumunta. Alam ng lahat kung gaano ka-busy si Benjamin sa trabaho pero nagagawa pa rin nitong makihalubilo sa mga taga-Sta. Cecilia.
“Welcome po, Gov.,” salubong ng isa sa mga staff ng medical mission nang makababa sila ng sasaakyan. Kinamayan siya nito at isa malapad na ngiti naman ang iginawad niya sa matandang babae na sumalubong sa kanya.
“Salamat po, Manang Belen.” Matagal na niyang kilala ang matandang babae na nagngangalang Belen. Ito ang madalas niyang makita kapag may volunteer work ito sa iba’t ibang lugar sa Sta. Cecilia kaya hindi na bago sa kanya na ito ang palaging nasalubong kapag siya ay bababa ng sasakyan. Matapos ang kamayan ay inanyayahan siya sa loob ng basketball court kung saan ang area ng medical mission. Parang celebrity ang mag-anak na panay kaway ang mga tao sa kanila at nagpapakuha ng retrato kasama sila. Hindi sanay si Benjamin sa ganoong trato sa kanya dahil hindi naman siya artista. Pero dahil nga sa taglay nitong kaguwapuhan at kakisigan, hindi naiiwasan ng mga tao roon na hangaan maging ang panlabas niyang kaanyuan lalo na ng mga kababaihan matanda man o bata.
Ang totoo niyan, someone offered him to be an artist dahil may nakikita raw silang potential sa kanya na puwede itong sumikat hindi lang sa pulitika maging sa pinilakang tabing o pelikula. Pero hindi kayang tanggapin ni Governor Elizalde ang offer na iyon sapagkat wala sa pag-arte ang puso niya kundi sa paglilingkod sa taumbayan. Kahit nilakihan ang offer ay hindi pa rin niya iyon tinanggap dahil mas naniniwala siyang kaya niyang gampanan ang paglilingkod sa tao na hindi siya humihingi ng kasikatan para lamang iboto siya ng mga ito. Inaamin niyang malaking factor ang pagiging kilala pero hindi sa ganoong paraan niya gustong manalo. Mas gugustuhin niyang makilala siya ng mga tao sa magagandang ginawa niya kaysa hangaan siya dahil lang sa hitsura niya. Isa pa, tama nang si Veronica na lamang na kanyang asawa ang nasa entertainment industry dahil mas sanay itong makihalubilo sa mga tao kaysa sa kanya. Ayaw din naman niyang mabahiran ng issue ang kanyang pangalan kung sakaling tumakbo siya kaya hinayaan na lang niyang ang asawa ang gumawa ng paraan para makilala siya sa paraang gusto nito – iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya sa harap ng camera sa tuwing may dadaluhan itong gatherings na kasama siya.
Habang sinasalubong siya ng mga tao papasok ng area, isang babaeng nakatalikod ang tila ba naging pamilyar sa kanya. Nakapagtataka ito lamang ang hindi tumitingin sa kinaroroonan nilang mag-iina kung kaya’t naagaw ang pansin niya sa babaeng iyon. Ilang sandali lang ay tumagilid ito at tila ba may kumintal sa kanyang isipan na parang isang pamilyar na mukha. Hindi siya sigurado sa nakita kung tama ang kanyang nasa isipan dahil kaagad tinakpan ng babae ang kanyang mukha gamit ang karton na hawak. Soledad? Kung tama ang kanyang hinala, ang babaeng iyon ay ang babaeng ihinatid niya kagabi at ang babaeng basta na lang siya ninakawan ng halik.
“What is she doing here?” bulong niya sa sarili na sapat lamang para siya ang makarinig. Pero hindi nakaligtas sa kanyang asawa ang kanyang tinig.
“What was that, honey?” tanong ni Veronica sa kanya na narinig pala ang kanyang ibinulong. Nagtataka itong tiningnan siya sa mga mata.
“N-Nothing, honey. I just thought it was someone I know,” palusot niya. Hindi rin naman siya sigurado kung si Soledad nga ang kanyang nakita pero kung ito nga ang nakita niya, tila pinagtatagpo ulit sila ng tadhana. Out of his curiosity, he couldn’t help but to confirm if what he saw is true. “Honey, I will just use the bathroom. Could you please help our social workers? Madali lang ako,” paalam niya sa asawa.
Sinundan niya kung saan nagpunta ang babaeng nakita niya na naging pamilyar sa kanya para kompirmahin kung tama ba ang kanyang hinala. He wanted to make sure that it is Soledad. Hindi niya alam kung ano’ng pumasok sa isipan niya kung bakit gusto niyang malaman kung si Soledad nga ba iyon o maling akala lamang. May parte kasi sa utak niya na nagtatanong kung bakit nagawa ng dalaga na basta na lang siya hinalikan nito. Hindi rin siya matatahimik kung hindi masasagot ang tanong na iyon sa kanyang isipan kaya kahit hindi siya sigurado kung tama ang hinala niya na si Soledad ang nakita niya ay sinubukan pa rin niya. Pinagmasdan muna niya ang tao sa paligid niya bago siya pumasok sa magkatbing banyo ng lalaki at babae. Iisa lamang ang cubicle ng babae at lalaki sa area kaya madali niyang makikita ang taong lalabas sa CR ng babae. Bahagya niyang inangat ang manggas ng suot niyang puting long-sleeve at tinanggal ang isang butones sa itaas dahil ramdam niya ang init sa loob. Kunwaring pinipihit niya ng seradura ng pinto pero ang totoo ay hinihintay lamang niya na lumabas ang tao sa kabilang cubicle. Ilang sandali lamang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo ng babae at iniluwa noon ang isang pamilyar na mukha.
“Soledad?”
Tama nga ang kanyang hinala. Simula nang makita niya ang babaeng iyon ay hindi na niya nakalimutan ang bilugan nitong katawan at ang kutis nito. Hindi niya inaasahan na magkikita sila sa lugar na iyon at sa ganoong sitwasyon. Para bang sinasadya ng pagkakataon na pagtagpuin ang landas nilang dalawa dahil sa nangyari. Magagawa kaya niyang harapin ang dalaga at itanong dito ang bagay na nais niyang itanong?