Chapter 41

1047 Words

“UMAMIN ka nga sa akin. Mahal mo na ba si Governor Elizalde?” Hindi kaagad nakasagot si Soledad sa tanong na iyon ng kaibigan. Matagal na niyang nagugustuhan si Benjamin, pero kahit kailan ay hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa gobernador. Kung may mga bagay man na kailangan niyang alisin sa sistema niya, iyon ay ang mahulog nang tuluyan sa lalaking iyon. May asawa na ito at hindi niya kailanman pinangarap maging kerida. Subalit sa naging sitwasyon niya, hindi pa ba siya tatawaging kerida? May nangyari na sa kanila ni Benjamin, hindi lang isa kundi dalawang beses pa. At sa mata ng lahat, isang malaking pagkakamali ang ginawa nila. “Hindi ko alam,” maikling tugon niya sa kaibigan, halatang hindi sigurado sa sasabihin. Lalo tuloy naningkit ang mga mata at nagsalub

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD