“ANO?! Inalok ka ng trabaho ni Ma’am Veronica?” Patayong napahampas si Julieth sa mesa nang sabihin ni Soledad dito ang alok sa kanya ng asawa ng gobernador. Inaasahan na ni Soledad ang magiging reaksyon ng kaibigan oras na banggitin niya iyon kay Julieth. Hawak pa niya ang calling card na ibinigay ni Veronica at mataman iyong tinitigan. “Ano’ng balak mo? Tatanggapin mo ba?” sunod nitong tanong. Napakagat sa ibabang labi si Soledad na nakatitig pa rin sa calling card na hawak. Tatanggapin ko ba? “Hindi ko nga alam,” sagot niya. “Naku, teh! Kung palalagpasin mo ang opportunity na iyan, baka magsisi ka. Magkano ba ang offer sa iyo?” usisa ni Julieth. “Thirty thousand.” “Thirty thou—” Muntik pang masamid si Julieth sa laki ng halagang ini-offer sa kanya ni Veronica. Alam kasi nito na mahi

