TUMATAMA na ang sinag ng araw sa mga mata ni Benjamin dahilan para magising siya. Wala pa sa isip niya ang bumangon dahil may ilang oras pa naman para maghanda siya sa mga lakad niya ngayong araw. Gusto muna niyang namnamin ang oras kasama ang kabiyak sa kama. Pikit pa ang mga matang pumaling ang gobernador sa parte ng kama kung saan nakahiga si Veronica. Ngunit nang kapain niya ang kinahihigaan ng asawa ay wala siyang naramdaman kundi ang malabot na kutson. Wala na ang asawa nang imulat niya ang kanyang mga mata. Mukhang maaaga itong nagising at nauna pa sa kanyang bumangon. Eksakto namang pagbangon niya ay lumabas sa shower room ng kanilang kuwarto si Veronica. Sanay naman siyang nakikita itong naliligo tuwing gigising sa umaga pero parang sobrang aga yata. Kumuha pa ito ng dalawang da

