GANAP na alas-onse na ng gabi nang makauwi si Benjamin sa bahay. Nadatnan siya ng kasambahay na kaagad siyang pinagbuksan ng pinto. Tulad ng nakagawian, kinuha nito ang gamit niya at dinalhan ng tsaa. “Salamat, manang. Nandiyan na ba ang Ma’am Veronica mo?” tanong niya habang inaabot ang tasa ng tsaa. “Nasa kuwarto na po,” sagot nito. “Eh, si Billy…tulog na ba?” sunod niyang tanong. “Opo, sir. Pinatulog ko na kanina.” Nginitian niya lang ang kanilang kasambahay. “Sige, matulog ka na rin.” “Sige po, sir.” Matapos ang usapan nila ng kanilang kasambahay at maubos ang tsaa ay saka pa lamang umakyat si Benjamin sa kuwarto nilang mag-asawa. Panay ang buntonghininga niya habang isa-isang tinanatanggal ang butones ng kanyang long-sleeve. Sobrang toxic ng araw na iyon sa kanya sa opisina dah

