Chapter 65

1084 Words

HALOS BUMALIGTAD ang mundo ni Soledad nang malaman ang nangyari. Hindi iyon matanggap ng kaniyang damdamin. Ayaw niyang papasukin sa kaniyang sistema ang masamang balitang nakarating sa kaniya. Hindi iyon ang gusto niyang maganap sa buhay pagkatapos ng lahat. Habang nasa sasakyan, walang humpay ang kaniyang pagtangis. Maliwanag ang nakikita niyang daan dahil sa tirik na sikat ng araw. Pero gusto niyang maging madilim ang paningin sa pag-asang pagmulat niya ay isang bangungot lang ang lahat. Wala na ang nag-iisang taong makapagbibigay sa kaniya ng pag-asa para mabuhay. Hindi iyon ang pinapangarap niyang mangyari sa hinaharap — ang mamuhay nang wala sa tabi niya ang kaniyang Lola. Paano ba niya sisimulan ang lahat? Paano niya imumulat ang mga mata, gigising sa umaga, at iisiping wala na an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD