Lucy
"Marco!" sigaw Kong gulat rito. Bigla na lang kasi ito pumulupot sa katawan ko. Hindi ko napansing nakalapit na ito dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Gutom ka na?"malambing pero natatawang tanong nito. Mukhang aliw na aliw pa sa naging reaksyon ko. Hinampas ko ito ng mahina sa bisig. Napatingin ako rito at napangiti. All my life ngayon ko lang narinig itong tumawa at ngumiti ng ganito. Inirapan ko ito kunyari pero bakas parin ang ngiti ko sa labi. Aliw na aliw akong tingnan itong natatawa.
"Luko ka! Bakit mo ako ginulat?" kunyaring naiinis kong saway. Pero kahit inisin ako nito palagi okay lang sa akin basta magkasama lang kami.
"Sorry baby, ang cute mo kasing tingnan pag nagugulat ka. But seriously gutom ka na? lunch is ready. " malambing na saad nito. Tumango ako rito. Masaya na ang awra ko ngayun hindi na hatala ang pamumugto ng mga mata ko at pamumula ng ilong ko. Hindi ko rin sisirain ang araw na makasama kami ni Marco dahil lang sa nasasaktan Kong emosyon. " Come."Hinila ako nito pababa deretsyo kami ng kusina. Nabighani ako sa bango ng ulam na nakahain. Tiningnan ko iyon isang sempling lutong gulay lang iyon pero natatakam ako dahil siguro si Marco ang nag luto. Wait nag luto? Siya nga ba?
Napalingon ako rito." Ikaw ang nagluto? " nagbabakasakali kong tanong. Umiling ito. Napakunot ang noo ko. Kung hindi siya nagluto saan galing ang pagkain?
"Saan galing ito?" tanong ko ulit.
"Sa kakilala Kong may karinderya diyan sa malapit. Tinawagan ko siya at nagpadeliver ng lutong pagkain. Pasensya na nakalimutan Kong bumili tayo ng makakain kanina." Napakamot ito ng ulo.
"Okay lang, hindi Naman ako maarte sa pagkain." Saad ko rito.
Pinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako saka ito umupo sa katapat ko.
"Kumain kana, bibili tayo mamaya ng grocery sa mini mart ng subdivision." sabi nitong nag uupisa ng kumain.
Wait bibili? Hindi kami babalik ng Cavite? Hindi kami uuwi? As in dito kami matutulog? Kaming dalawa lang.? "Dami Mong tanong Gurl. Kung maka asta ka hindi kayo na tulog ng magkatabi kagabi." ipal na Naman ng utak ko. Pinilig ko ang ulo para mapalis ang iniisip.
"Hey..baby okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Hindi kasi ako kumilos para kumain.
"Huh.. Ah.. O.. Oo." kanda utal Kong sagot. Kumain na ako para hindi halata na kinakabahan ako.
Na conscious tuloy ako ng hindi ito bumalik sa pagkain nakatitig lang ito sa akin.
"May dumi ba ang mukha ko?" tanong ko nalang para Maibsan ang pagkailang.
"No, your beautiful, baby." sabi nito. May nababanaag akong lungkot at panghihinayang sa mga mata niya.
Matamis ko itong nginitian pinahihiwatig kong okay lang ako sa set up namin. Dahil sa ginawa kong pagngiti bumalik na ito sa pagkain. Nang makapag pahinga ng ilang oras inaya na niya ako para pumunta ng Mini Mart dito rin sa loob ng subdivision. Hinayaan ko ng itong mamili ng mga bibilhing pagkain. Namimili ako sa mga grocery pero wala rin akong pinupulot para ilagay sa basket nito. Huminto ito para kumuha ng isang sandwich spread kaya nalagpasan ko ito. May nakita akong tootbrush na nakasabit kaya nilapitan ko iyon para kumuha ng isa. Nagulat ako ng bigla nitong ipinulupot ang suot nitong jacket sa bewang ko at ibinuhol.
Yumukod ito para bulungan ako."Your on Red,baby. Don't get the jacket may tagos ka."
Napatakip ako sa bibig ko. Napalingon sa may pwetan ko at hinawi ang jacket niya para tingnan pero hindi ko na man makita kaya binalik ko nalang sa ayos ang jacket nito. Sinundan ko ito ng tingin. Nahihiya ako sa isang ginawa nito. Lumapit ito sa lagayan ng mga napkin at kumuha ng dalawa at ipinakita sa akin.
"Which one? This or this?" tukoy nito sa isang sikat na brand ng napkin pinapapili ako kong with wings ba o with out wings.
Nahihiya kong itinuro ang with wings sa kaliwang kamay nito. Pagkatapos ibalik ang isang hindi ko napili kumuha naman ito ng isa pang pack ng with wings na napkin at inilagay sa basket. Hinawakan ako nito sa kamay at Pinilot nito ang basket mula sa sahig ng store may kunuha pang ibang pagkaing kutkutin bago pumila sa counter na hawak parin ang kamay ko.
Kagat labi akong napasunod rito. Nakatayo ako lagi sa gilid niya habang pumipila ito. Napataas ang kilay Kong nakatingin sa cashier dahil panay pacute nito kay Marco. Hindi ba ako nakita ng bruhang ito para laging magpungay ng matang pagdumadako ang tingin nito kay Marco. Batukan ko kaya ang babaeng ito at ng matauhan.
Nang matapos magbayad Hinila ko kaagad sai Marco palayu sa toxic na babaeng iyon. Napahinto lang ako ng nasa harapan na kami ng sasakyan nito.
"Hey, what's that for?" tanong nito. Naka halata siguro. Lakas din ng pang-amoy ah.
"Wala." pagsisinungaling ko pero hindi parin ma wala ang pagkairita ko sa babae. Ito na mang isa parang baliwala lang sa kanya ang pinapakitang ng babae.
"Galit ka ba baby?" malambing na tanong nito. Inirapan ko ito. Hindi ako sumagot. Ganun ba ako ka obvious? Naiinis talaga ako. Moment namin ito ni Marco nakikisingit pa iyong higad na iyon.
Binitawan ako nito at inilagay ang pinamili namin sa likod ng sasakyan at bumalik sa akin. Binuksan nito ang pinto sa harapan at pinapasok ako. Umikot ito sa kabilang pinto para maka pasok sa loob ng drivers seat. Humarap ito sa akin . Ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito at masuyo akong tinitigan sa mga mata.
"Huwag ka ng magalit, please baby." nagsusumamong paki usap nito.
"Hindi Naman ako galit Marco naiinis lang ako sa babaeng may sakit ata sa mata. Kanina pa nag papacute sayo." Diba ganyan ka Naman dati Lucy ipal ng utak ko.
"Are you jealous?"
Napatingin ako rito."Jealous?"
Tumango itong nakangiti. Nagseselos ba ako?Seguro nga. Mabilis ko ring pinalis ang nasaisip wala na man akong karapatang magselos kung tutuusin.
"Sige na, kung wala na tayong pupuntahan iba uwi na tayo sa bahay mo." sabi ko na lang para makaiwas sa usaping selos at isa pa gusto ko nang makapag hugas at makapagbihis dahil nanlalagkit na ako.
"Bahay mo at bahay natin.!" pagtatama nito. Hindi ako kumibo sa tinuran nito. Pinilig ko ang ulo sa labas ng bintana para makaiwas sa tingin nito. Baka makita nito ang pait na bumabakas na sa mga mata ko na lumalamlam na sa mga luha.
Pagkarating ng bahay mabilis akong bumamaba nanlalagkit na kasi ako sumunod itong bumaba sa akin at tinungo ang likod ng kotse . Papasok na sana ako ng bahay ng maisipang wala pala akong maisusuot. Nilingon ko ito at kagat labing napatingin rito. Nagtataka naman itong napatingin sa akin pero nakuha nito ang pinahihiwatig ko. Dinukot nito sa may plastik ang dalawang pack ng napkin at inabot sa akin at agad ko naman kinuha. Nagtataka pa ito ng hindi ako umaalis pa.
"Do you need anything,baby?" lumapit ito sa akin at masuyo akong hinaplos sa buhok ng isang kamay nito habang ang isang kamay ay bitbit ang pinamili namin kanina.
I pouted my lips. " Wala akong maisusuot." tukoy ko sa underwear at damit ko. Narumihan na kasi ang bistidang suot ko.
Napangiti ito. Hanep lagi nangnakangiti but i like it. Pero naiirita ako wala kasi akong maisusuot.
" Meron ka noon doon sa kwarto, just look for it. Now go look for the masters bedroom. Aayusin ko lang ang pinamili natin sa kusina. Just take your time to take a bath.''sabi nito at inihatid ako sa baba ng hagdan. Hinalikan ako nito sa noo at giniya paakyat.
Madali kong nahanap ang kwartong tinutukoy nito. Pumasok ako. Nalula ako sa ganda at laki ng kwarto kahit maghabulan kami dito ni Marco okay lang. Malaki at malapad ang king size bed na nasa gitna ng kwarto. Nagpalingalinga ako para hanapin ang closet.Nangmakita ko iyon nilapitan ko at binuksan. Nagtataka ako bakit ang daming damit dito. Hinalukay ko ang mga iyon at napapansin Kong may pambabae iyon at panglalaki. May mga underwear akong nakita bago pa ang mga iyon. Kaya kumuha ako ng isa bago lumabas ng closet. Saka ko na iisipan kung kanino ang mga iyon. Kailangan ko na talagang makapaglinis. Itatanong ko nalang mamaya kay Marco.
Tinanggal ko ang jacket nito sa bewang ko at inilapag sa kama bago pumasok ng kwarto. Nagtagal ako sa banyo hindi ko alam Kong ilang oras ako doon bago natapos dahil medyo makulimlim na sa labas. Lumabas ako ng banyong nakasuot lang ng isang bathrobe.
Tinutuyo ko ang buhok at nagtataka napatitig sa kama wala na doon ang jacket ni Marco na palitan na ito ng isang kulay baby pink na bistida at isang pares ng high hill sandal. Nilapitan ko iyon may nakita akong sulat sa ibabaw ng damit ang nakalagay ay "Wear this, baby and go down at the garden I'll wait for you there.I love you." nagtataka ako kung bakit niya ako pagsusuotin nito. Pero sinuot ko narin at bumaba.
Madilim ang paligid Maliban sa ilaw na nasa harden. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa glass door palabas ng harden. Namumuo ang luhang na patingin ako sa paligid. Napapalamutian ng maliliit na ilaw ang paligid may isang mesa sa gitna niyon na may dalawang upuan. Mayroong kandila na tanging ilaw na nagbibigay ng liwanag sa mesa. May vase sa gitna at may nakalagay na isang piraso ng red rose. Simple but special for me. Nakatayo doon si Marco na buong pagmamahal na nakatingin sa akin.
Nang makalapit hinapit niya ako sa bewang at hinalikan sa mga labi. Kinuha nito ang isang malaking bouquet ng flowers sa may upuan nito at ibinigay sa akin. Tinanggap ko iyon at inamoy. Ang bango kasing bango ng Marco ko.
"Thank you Marco."maluhaluha Kong pasalamat dito pero matamis akong napangiti.
" You like it? "masuyong tanong nito sa akin. Mabilis akong napatango at niyakap ko ito ng mahigpit. Napayakap na rin ito sa akin.
" Thank you, Thank you Marco. I love you. "
" You don't need to thank me, you deserve it, I love you too. I hope I can give you more than this." Saad nito.
Humiwalay ito sa akin at pinaghila ako ng upuan at pinaupo. Umalis ito para magtungo sa isang sulok na kalaunan ay pumailanlang ang isang malamyos na music na ang title ay I will always love you. Bumalik ito sa akin at umupo sa katapat ko. Hinawakan nito ang kamay Kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Always think that I love you, baby." masuyong Saad nito. May Kinuha itong isang kahita sa ilalim ng nag-iisang vase sa getna ng mesa at inabot sa akin.
Kinuha ko iyon at binuksan. I saw a white gold necklace na may pendant na M&L. Kinuha niya iyon at tumayo pumunta sa likod ko at ipinasuot ang kwentas sa akin. Napaiyak na lang ako sa subrang saya. Hinawakan ako nito sa kamay at giniya patayo inalalayan pa punta sa gitna ng harden at magkayakap kaming sumayaw sa saliw ng musikang pinatugtug nito.
I will always love you
Deep inside my heart of mine
I do, I will love you.. Ohhhhh