Lucy
Maaga akong nagising iniwanan ko muna sandali si Marco na natutulog.Dala ang tray na pinagkainan nito kagabi bumalik ako ng cafeteria para makapaligo at makapagbihis. Bumaba na naman ang lagnat nito. Hindi parin ako makapaniwala sa mga ipinahayag nito sa akin? Sino ba ako para magdemand sa kanya ng mas higit pa sa hinihingi ko?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto sa likod na ako dumaan . Kahit na sa harap ako dumaan wala rin namng makakakita sa akin dahil nagjojogging pa ang mga sundalo.
"Saan ka natulog?" nagulat ako kay Maika ng bigla itong magsalita sa likuran ko. Napangiwe akong napalingon dito at napakamot ng ulo. Hindi ko alam kong ililihim ko ba dito o sasabihin ko ang totoo. Pero mas pinili ko ang huli.
"Sa quarter ni Marco." sagot ko rito. "Aray ko naman" reklamo ko nang bigla ako nitong batukan."Maika naman ang sakit."
"May balak ka ano?"
Napakunot ang noo ko."Balak na ano?"
"Balak mong pikutin si Marco."
"Hoy!,Kung may balak akong pikutin siya noon pa sana dahil alam kong ipapakasal siya agad ni Daddy at Kuya Aries sa akin. Tangi!"
Paikot-ikot itong kinikilatis ako.Nakakunoot naman ang noo kung nakasunod rito.
"Akala ko ba ihahatid mo lang iyong pagkain at papainumin ng gamot! Mukha yatang ibang pagkain ang ipinakain mo at ibang gamot rin ang ipinainom mo!" nakapamiwang na palatak nito pagkatapos akong kilatisin. Luko talaga ang babaeng ito kung ano-ano ang iniisip.
"Ai grabe siya.! Nag judge agad. Hindi ba pweding nagtabi lang kaming matulog. Saka hindi naman makakascore iyon dahil sa taas ng lagnat." turan ko rito. Pero muntikan na iyon kagabi. palihim akong napakagat labi.
"Totoo?Hindi ka pa warak?" paninigurado nito. Sinisilip pa ang mukha ko.
"Oo sabi. Ang kulit!" umalis na ako sa tabi nito. Tinungo ang kabinet ko at kumuha ng tuwalya.
Mataman lang akong pinapanood nito. Inirapan ko ito at tinaasan ng labi bago lumabas ng kwarto para magtungo sa banyo.
Nang matapos maligo pumunta ako ng kusina para magluto ng pagkain ni Marco. Inihatid ko ito agad sa kanya para makakain na siya dahil iinum pa ito ng gamot.
Pagdating ko sa kwarto niya walang Marco'ng nakahiga sa kama nito. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa study table nito. Napalingon ako sa pinto ng banyo ng lumabas si Marco doon. Naligo? Bakit naligo? magaling na ba ito?
Nag-aalinlangan akong lumapit dito dahil topless ito tanging tuwalya lang ang takip sa katawan. I bet wala itong suot na panloob. Tumutulo pa sa maskuladong katawan nito ang iilang butil ng tubig.His so hot and gorgeous. This is my first impression to him when the first time we meet. Napakagat labi akong hindi inihiwalay ang mga titig dito lalo na sa bandang tiyan nito pababa sa umbok na natatakpan ng puting tuwalya. "Damn it Lucy!" saway ko sa malaswang utak ko.
Nahihiya akong napatingin sa mukha nito ng tumikhim ito. Pakiramdam ko pulang kamatis na ang mga pisnge ko.
"Did you like what you saw?"nakangiti nitong tanong sa akin.
Nahihiyang tumalikod ako rito."Hindi huh, bakit ko Naman magugustuhan?" pagsisinungaling ko. Napapikit pa ako. Halata ba masyado?
Nanigas ako sa kinatatayuan ng bigla niya akong yakapin sa likuran. Damn it! wala kaya itong damit. Isinubsob pa nito ang mukha sa may leegan ko at mahigpit na ipinulupot sa bewang ko ang mga braso nito.
Matagal rin bago ako nakabawi sa pagkabigla. Dahan dahan aKong kumilos niluwangan Naman nito ang pagkakayakap sa akin kaya na kaharap ako rito. Naramdaman ko ang umbok ng matigas na bagay sa iba a pero hindi ako nagpahalata. "Lucy huwag marupok." asik ng utak ko dahil mukhang bibigay na Naman ata.
"Ma..magaling ka na ba?" parang tanga Kong tanong. Sinalat ko pa ang noo nito para hindi halata na apiktado ako sa position namin ngayon. "Pero aminin mo self gustong gusto mo." ipal ng utak ko. Bwesit na utak pahamak.
Tumango itong hindi inihiwalay ang tingin sa mga labi ko at napangiti.
"I love you." taos pusong saad nito.
Napakagat labi ako. Isinubsob ko ang mukha sa malapad na dibdib nito at humagulhol ng iyak. Ang daya mo kasi Marco. Mahal mo nga ako pero hindi tayo pweding magsama ng matagal.
Hinimas himas nito ang likod ko. "Shhh..baby I'm sorry. Please stop crying. I think let's stop this maslalo kitang masasaktan." saad nito.
Mabilis akong napailing. "No..no..no please. Kahit Sandali lang." pakiusap ko rito.
Tanga na kung tanga. Bahala na na si batman!
"Bumalik ka ng cafe at magbihis may pupuntahan tayo." basag nito sa katahimikan.
"Pero okay ka na ba?" nag-alala kong tanong.
"Don't worry about me baby. I can manage. Now go and get dressed." malambing na utos nito sa akin.
"Pero ang pagkain mo?" tanong ko.
"Ako na ang magdadala. Wait for me there, okay."
"Okay." pag sang-ayon ko.Lumabas na ako ng kwarto nito.
Habang tinatahak ang daan pa punta sa kwarto hindi ko maiwasan mag-isip kung saan ako dadalhin ni Marco. I'm so excited.
**
Naghihintay si Marco sa akin sa mesang kinauupuan nito lagi. Naka suot ito ng White long-sleeved na nakatupi hanggang siko with maong pants. Ngayon ko lang ito nakitang hindi naka uniporme Maliban sa wala itong suot ka tulad kanina. Hindi ko akalaing magma match ang suot nami. Suot ko ang isang putting bestida ma may disenyo na may maliliit na pulang bulaklak.
Tumayo ito pagkakita sa akin. Nang makalapit hinawakan ako nito sa kamay at Hinila palabas ng cafe at isinakay sa kotse nito.
Mga ilang menuto rin ang beniyahe namin. Bago na kaabot sa tagaytay. Nagtataka ako ng bigla nito ipasok ang kotse papasok sa isang subdivision.
Nagtaka ako ng ihinto nito ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay double story iyon na may malawak na terrace sa itaas.
"Marco, kaninong bahay ito?" tanong kong hindi tumitingin sa kanya nasa bahay ang atensyon ko.
"Sayo." walang gatol na sabi nito. Bigla akong napalingon rito. Tama ba ang barinig ko, sa akin ang bahay na ito?
"Sakin? Pano naging sa akin.?" nagtataka Kong tanong.
"I bought this for you four years ago." malungkot na pagtatapat nito."Come take a look." sabi nitong pinagsalikop ang mga kamay namin at Hinila ako papasok sa loob.
Mapait akong napangiti sa likod nito. Kagat lambing napasunod rito. Iginala ko ang paningin sa paligid para hindi tuluyang malaglag ang mga luhang nakaambang sa mga mata ko.
Napakaganda ng bahay sa loob. May malawak na hardin. Huminto kami sa isang malaki at malapad na double door na pinto. Binuksan niya ito ng hindi binibitawan ang kamay ko. Hilahila niya parin ako pagpasok sa loob. Napanganga ako sa ganda ng loob ng bahay halos kompleto na ito sa mga kagamitan. Marmol ang sahig at may malaking chandelier sa itaas ng kisame. Salaming pinto lang ang nakapagitan sa sala at harden. Napa isip ako tuloy kung magkano kaya ang sweldo ng isang sundalo at nakabili si Marco ng ganito kalaki at kagarang bahay. Mukhang ma mahalin ang mga gamit. Seyempre alam ko iyon halos ganito rin ang gamit namin sa bahay.
"Come I have something to show you." yaya nito sa akin Hinila ako paakyat ng hagdanan. Pagkarating sa itaas nakita Kong hindi lang kwarto ang mga naroon may malawak na sala rin na may TV katabi niyon ang isang pintong salamin parin palabas ng terrace. Binuksan iyon ni Marco at ipinakita sa akin ang labas. Napanganga ako sa ganda ng tanawin. Makikita mo ang taal volcano sa di kalayuan. Hindi talaga ako makapaniwalang may ganito na palang bahay na nag eexist sa pagitan namin ni Marco.
Hinila niya ako sa harapan niya. Nakatalikod ako rito at na kaharap sa magandang tanawin. Tinanggal nito sa pagkakahawak sa kamay ko ang kamay niya at niyakap ako sa likurang ipinulupot nito sa katawan ko ang mga ma lalaki niyang mga braso nito. Sa payat ko ba namang ito halos iginapos ako ng mga braso niya.
"Did you like it?" tanong nito sa akin habang isinubsob ang ulo sa may leeg ko. Tumatama rin sa balat ko ang mga labi nito pagnagsasalita.
Umiling ako. Napaangat ito ng mukha.
"Hindi mo nagustuhan?" balas sa himig nito ang pagkadismaya.
"I don't like it but I love it Marco." buong Puso Kong sabi rito. Pero gusto ng kumawala ng mga luha g kanina pa nagbabadya.
"You love it?" Masayang sabin ito. Tumango ako rito.
"I really love it Marco." sabi ko ritong maypait. Pero pilit Kong itinatago at sinusupil para hindi ako mapabulanghit ng iyak sa harap nito."Dito mo rin ba ititira si Jessa?" tanong ko kapagkuwan.
Natigilan ito at Umiling. "I bought this for you. Only you can live here." sagot nito bakas ang pait sa tinig. Kung ganon saan niya ititira si Jessa? Binilhan rin kaya niya ito ng bahay? Saan? May mga pinong kurot akong naramdaman sa aking Puso.
"Are you hungry?" tanong nito.
"Oo, gutom na ako."pagsisinungaling ko. Gusto ko muna kasi makawala rito kahit Sandali.
" Sige, titingnan ko kung may pwede akong iluto sa kitchen kung wala magpapadeliver na lang ako."sabi nitong kumawala na sa pakakayakap sa akin.
" Okay lang naiwang kita rito kahit Sandali? " nag-alala lang tanong nito.
Mabilis akong napatango. Sa totoo lang kanina ko pa gustong mapag-isa.
" Okay. "sabi nito hinalikan ako sa noo at pumasok na ito sa loob ng bahay. Sinundan ko ito ng tingin hanggang mawala ang bakas nito sa may hagdanan.
Humarap ako uli sa tanawin at malayang pinakawalan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahagolhol ako ng mahina para hindi ako marinig ni Marco sa baba. Mugto at namumula ang mga mata bago ako unti uniting tumahan dahil medyo humupa na ang sakit nalumulukob sa akin.