Selestine's POV. "Hmm. . . Iisa lang ang taong p'wedeng magsanay sa'yo dahil sa kapangyarihang taglay niya at siya si. . ." Ms Yukii Tahimik lamang kaming naghintay sa sunod na sasabihin ni Ms Yukii. Sana naman hindi si Blue Boy ang nasa isip niya. Tiyak na mas lalo kong hindi magagamit ang kapangyarihan ko kapag nagkataon. Tss. "Teka lang! Hindi po ba p’wedeng kami na lang lahat? Gusto namin kasi talagang makatulong kay Seles." Napatingin ang lahat sa direksyon ni Brynna ng bigla siyang sumingit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Nakakatuwa dahil kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala ay pinaramdam na agad nila sa akin na belong ako sa kanila. Gusto pa nila kong tulungan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanya. "Una sa lahat, mapanganib para sa i

