Selestine's POV. "Hoy! Saan mo ba talaga ko dadalhin?" tanong ko ulit kay Blue Boy, pero nanatili pa rin siyang walang kibo habang nauunang maglakad sa ‘kin. Natigilan ako ng makita ang mataas na bundok na bumungad sa amin pagkatapos dumaan sa isang madamong bahagi ng magic world. May balak ba si Kurt na akyatan ang ganyang kataas na bundok? No way! "Bundok? Huwag mong sabihin na aakyat tayo d'yan? Pagkatapos ilalaglag mo ko pagkaakyat na 'tin sa tuktok? Ayoko no! Mahal ko pa buhay ko." Parang ewan akong salita ng salita, pero siya ay nagpatuloy lang sa paglalakad paakyat sa bundok. Naiinis na lang akong sumunod sa kanya. Kanina pa ang isang 'to. Para walang kasama. Ewan ko ba kung paano ako nakatagal sa kanya ng ilang oras. Tsk. "KURT TYLER LEE. Bingi ka ba kaya hindi mo sinasag

