Chapter 6

948 Words
Selestine's POV. Nandito ako ngayon sa library ng magic world para gawin ang takdang-aralin na pinapagawa sa amin ni Sir Clyde. Naghahanap ako ng impormasyon tungkol kay Edward Santiago. Obviously, walang internet dito. Nang tinanong ko nga sina Brynna at ang iba kung nasaan ang computer laboratory ay tinawanan lang nila ko. Ano raw 'yong sinasabi ko? Ang gamit lang nila tuwing may impormasyon silang aalamin ay ang library na ito. P’wede ba 'yon? Kanina pa nga ko nandito sa library, pero wala pa rin akong nahahanap na impormasyon tungkol sa Edward Santiago na 'yon. Teka, nakakapagtaka naman. Bakit parang hindi nagawa ng assignment sina Brynna? 1:00 ng hapon na kaya! Tsaka bakit panggabi 'yong klase namin ngayon? Bumuntong hininga ako ng malalim. Ang dami ko pa talagang hindi nalalaman sa mundo na ito. Sana ay mahanap ko na ang impormation na magtuturo sa katauhan ni Edward Santiago na 'yon. Samantala, muntikan na kong mapahiyaw sa sakit ng may isang bagay na bumagsak sa aking ulo. Buti nalang at napigilan ko ang aking sarili na sumigaw dahil tiyak na mapapalabas ako ng librarian kapag nagkataon. Habang hinihimas ko ang ulo ko ay tiningnan ko ang bagay na nalaglag. Isa pala itong libro at nafocus ang mata ko sa pamagat ng libro. EDWARD SANTIAGO Kyaah! Ang hinahanap ko! Pinulot ko ito at agad na binasa ang nilalaman nito. Si Edward ay twenty years old na. Malakas siyang makaramdam ng prisensiya ng kalaban. Dating official sa magic world, pero nawala siya sa posisyon dahil isa pala siyang spy mula sa powerful magical world. Sinubukan siyang hulihin at ikulong ng mga kapwa niya official ngunit huli na ang lahat dahil nakatakas na siya. Si Edward ay may kapatid na lalake. Two years younger ito sa kanya. Nakatira ang kapatid niya sa powerful magical world. Patay na ang mga magulang niya. Ang magulang nila ay pinatay ng taong naninirahan sa magic world. Katulad ng libro na nasa klase ni Sir Clyde, nagsimula na ring magpakita ng imahe ang libro upang magkuwento. Edward Santiago 5 years old "Ina, saan ka po pupunta?" tanong niya sa kanyang ina. "Anak, Ako'y susunod sa iyong tatay kaya ipangako mo sa akin na hindi ka aalis at babantayan mong mabuti ang iyong kapatid." Lumuhod sa kanya ang kanyang ina. "Ngunit, hindi po ba pinagbilin ng aking itay na kahit anong mangyari ay huwag tayong susunod sa kanya?” nagugulumihanang tanong ni Edward sa kanyang ina. "Anak, sundin mo na lamang ang sinasabi ng iyong ina. Maliwanag?" Naguguluhan man ay tumango na lamang si Edward bilang tugon sa kanyang ina. Mabilis na nawala sa paningin ni Edward ang kanyang ina. Lingid sa kaalaman ni Edward na ang kanyang ina ay nakaramdam ng panganib sa kanyang itay. Kapangyarihan kasi ng kanyang ina ang malakas makaramdam ng panganib sa mga taong malapit sa kanya at mismo sa kanyang sarili. Pagsapit ng bagong araw ay nalaman ni Edward na ang kanyang magulang ay namatay. Labis na nagdalamhati si Edward sa pagkawala ng kanyang magulang. Bata man siya ay hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang pagkawala ng mga ito. Lumaki sila ng kanyang kapatid na sabik sa kalinga ng magulang. Mag-isa niyang inalam ang taong pumatay sa magulang nila at dumating ang araw na nalaman niyang isa sa mga tao sa magic world ang pumatay sa mga ito. Nabalot ng galit ang puso ni Edward kaya nagawa niyang talikuran ang mundo ng magic world. Ngayon ay napag-alaman na si Edward ay pumapatay tuwing gabi ng mga student sa magic world bilang ganti sa pagkawala ng kanyang magulang. Tuluyan na ngang nilamon ng galit ang puso niya. * Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko pagkatapos magpakita ng imahe libro. Bigla tuloy naghalo-halo ang emosyon ko pagkatapos kong malaman ang kuwento ni Edward. Oo, masakit mawalan ng magulang. Kaya lang ay hindi naman tama ang ginagawa niya ngayon. Bigla ko tuloy namiss ang mama at kuya Iahn ko. Kumusta na kaya sila? Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa sahig at nag-unat. Madilim na ang langit ng makalabas ako ng library. Hala ka! May pasok pa pala kami. Agad akong nagtungo sa aming classroom ng hindi na nag-ayos pa ng sarili. Wala pa naman akong alam kung may parusa sila kapag nalate ang isang estudyante. Nakakatakot! Hinihingal akong pumasok sa loob ng classroom. Pagkapasok ay naabutan ko silang nakatayo kasama ang mga lalake habang nakapikit. Anong mayro'n? "Hey! Guys, anong ginagawa n'yo?" Magkasalubong ang kilay kong tanong sa kanila. Wala ni isa ang tumugon sa tanong ko. Mga ilang minuto na ang lumipas bago sila dumilat at tumingin sa direksyon ko. "Seles, bakit ngayon ka lang? Tara at tumabi kana sa akin.” Ngumiti sa akin si Brynna at tinuro ang kanyang tabi. Tss. Katabi pa pala niya si Kurt. Bahala na nga! "Eh? Ano bang ginagawa n'yo? Hindi ba may pasok pa tayo?" nagtatakang tanong ko. "Basta, just do what I told you.” Naguguluhan man ay sumunod nalang ako kay Brynna. Tumabi ako sa kanya at napagitnaan nila ko ni Blue Boy. “Tss. Pa-VIP lagi ang isang 'to.” Rinig ko pang bulong ni Kurt sa gilid ko. Naaasar man ako ay hindi ko na lang siya pinansin. May araw din sa akin ang isang 'to. Kapag may magic na rin ako. Hmmp! "Just close your eyes and think that you are in the sky," bulong ni Alliexynne sa akin na katabi ni Brynna sa kanyang kaliwa. Sinunod ko ang sinabi ni Alliexynne. Ilang minuto na siguro ang lumipas ng maramdaman kong parang lumulutang ako. Ang sarap lang sa feelings! Para akong nakadroga. Joke! Pagkadilat ko ay nasa himpapawid na nga ako, literal na nakalutang. Tumingin ako sa baba at sandali akong nabigla ng malaman na buhok ni Alliexynne ang inaapakan naming lahat at kitang-kita ko mula sa kinalalagyan namin ang lalakeng kakaalam ko lang ng pagkatao. Si EDWARD SANTIAGO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD