Chapter 7

1114 Words
Brynna's POV. Halata sa mukha ni Selestine ang pagtataka sa nangyayari. Hindi pa kasi namin nasasabi sa kanya ang tungkol sa bagay na ito. Kilala kami sa tawag na Knight Raid at kung sino mang tao ang ipahula sa amin ni Sir Clyde ay ang kailangan naming patayin. Siyempre, dapat lahat ay ang mga taong may ginagawang hindi maganda sa Magic World. "Let's start the show!" sigaw ni Kurt bilang hudyat sa aming lahat. Tumalon ako sa lupa at iginawayway ang aking katana sa direksiyon ni Edward. Mabilis namang nakaiwas si Edward sa aking katana at humarap sa amin. Well, hindi naman kasi siya isang ordinaryong kriminal lang. "The Knight Raid. Alam kong magkikita tayo ngayong gabi. Kaya naman maaga pa lamang ay naghanda na ko. So, kumusta? Balita ko may bago kayong member ah." Umatras siya kaunti sa amin ng may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Nah. It's none of your business. We are here to freeze you to death, ready?" Si Kurt ang sumagot sa kanya pagkatapos tumalon na rin sa lupa katulad ko. Isa-isa ng nagsitalunan pababa ang iba ko pang kasama pati na rin si Seles na inilalayan pa ni Alliexynne pagkababa. "Hello, little girl! Anong magic ang mayroon ka?" Bumaling ng tingin si Edward sa direksiyon ni Seles. Napakagat-labi ko dahil doon. Patay! Mukhang Alam na agad ng lalakeng ito tungkol kay Seles. "Tsk. Dapat hindi na na 'tin sinama ang isang ‘yan. Baka makasagabal pa sa plano.” Narinig naming bumulong si Kurt sa isang tabi. Nakaramdam ako ng kaba para sa kalagayan ni Seles ng maunawaan ang sinabi ni Kurt. Hindi pa alam ni Seles ang kapangyarihan niya at baka gawin siyang hostage ni Edward laban sa amin dahil doon. Lalo akong kinabahan ng sumilay sa labi ni Edward ang kanyang nakakakilabot na ngiti. Mukhang nalaman na nga niya agad. Nang makaramdam ako ng panganib mula sa lalakeng kaharap namin ngayon ay agad akong dumipensa para kay Seles. Nagbanggaan ang mga armas namin ni Edward sa isang iglap. "I see, I see. Bravo! Wala ngang kapangyarihan ang kasama n’yo." Mas lumawak ang ngisi ni Edward sa amin. Muli akong napakagat sa aking ibabang labi. Mali yata ang inakto ko dahil mas lalo niyang napatunayan ang tungkol kay Seles. Tsk. Kasalanan kasi 'to ni Kendrix eh. Bakit? Basta. Kasalanan niya 'to. Tss. "Are you alright, Seles?" Nag-aalala kong binalingan ng tingin si Seles. Tumango siya sa akin, pero halata pa rin sa mukha niya ang pagtataka at pagkabigla sa nangyayari. 'Brynna and Horin, bantayan n'yo muna si Seles. Alliexynne at Kendrix, simulan na na ‘tin ang plano.’ Kinausapan kami ni Kurt sa aming mga isipan para hindi rin malaman ni Edward ang aming plano. Tumango kaming lahat bilang pagsunod sa plano ni Kurt. Gumawa kami ni Horin ng protective barrier para sa aming tatlo ni Seles. Unang umatake kay Edward ay si Alliexynne. She use her deadly hair by using her flute. Pinapatugtog niya lang ito habang ang kanyang buhok ay tila may sariling buhay. Lahat ng kanyang buhok ay pumupunta sa direksyon ni Edward. Sobrang bilis gumalaw ng buhok ni Alliexynne. Sa kabilang banda, pinalibutan ng mga halaman at bulaklak ni Kendrix na may poison si Edward habang si Kurt naman ay nanatiling nakatayo habang binablock ang pag-atake ni Edward sa kanila. Kung paminsan-minsan ay gumagawa rin siya ng sarili niyang pag-atake laban kay Edward. Si Edward naman ay agad na dinedepensahan ang sarili niya gamit ang kanyang short sword or dagger kung tawagin. Sa isang paggawayway ng kanyang dagger ay agad na nahati ang mga dahon at bulaklak na nakapalibot sa kanya. Nagkaroon din siya ng mask bilang pang protekta sa poison na gamit ni Kendrix. Tumalon siya at umiiwas sa paparating na atake mula kay Alliexynne. Paulit-ulit lang ang nangyayari hanggang sa bigla na lang naglaho si Edward. Sa isang iglap lang ay nasa likuran na ni Seles si Edward habang nakatutok sa leeg ni Seles ang dagger na hawak nito. Doon ko lang namalayan na nasira pala ni Edward ang protective barrier na ginawa namin ni Horin. "Isang galaw lang ay siguradong patay ang kaibigan n'yo. Kapag walang kuwenta ang isang bagay, dapat itong itapon. Pero, kung walang kuwenta ang isang tao ay dapat itong patayin. Tama ba ako?" Bumalik ang isang ngisi ni Edward habang nakatutok pa rin ang kanyang patalim sa leeg ni Seles. Naalarma kami bigla at nataranta. Hindi namin malaman kung ano ang dapat na gawin. Tae! Kasalanan talaga ni Kendrix 'to eh. Kung napatay na sana niya agad ang demonyong lalake na 'to. Tsk. “Hoy! Bakit kanina mo pa ko sinisisi sa utak mo? Porket lampa ka lang!” Napaismid ako sa sinigaw ni Kendrix. Pinili ko na lang manahimik. Yari talaga sa akin 'to pagkauwi namin mamaya. Ipaalala n'yo lang sa akin. Tss. "F*ck you!" Napatingin kami sa direksyon ni Kurt ng bigla siyang sumigaw habang nakatingin ng masama sa direksyon ni Edward. Hmm. . . First time magalit ni Kurt, baby ah. Anyway, ano ng gagawin namin ngayon? Dumaan ang ilang minuto, lahat kami ay biglang sumeryoso ang mukha ng bigla na lang magsalita si Seles ng kung anong lenggwahe. "Astrahas sengkrewas soludus. . ." Paulit-ulit niya itong sinasabi. Ano bang sinasabi niya? Nakaramdam ako ng isang napakalakas na presensya. "Die! Die! Die!" Kinilabutan kaming lahat ng sabihin ni Seles ang mga katagang ‘yan. Lalo kaming nagulat ng biglang maging kulay gold ang mata at buhok niya. Ang knife na nakatutok dati kay Seles ay nakatutok na ngayon mismo kay Edward. Sa sarili niya mismo. Biglang dumilim ang langit at kumidlat ng malakas. T-teka. . . Parang hindi si Seles ang kumokontrol ng katawan niya! 'What happened to her?' Kinausap kami ni Horin sa aming isipan. Biglang lumakas ang hangin. Nabahala kami ng makitang may ipo-ipong paparating. Habang naguguluhan at nagkakagulo ang lahat sa nangyayari ay may nabuong idea naman sa aking isipan. May malakas ang kutob tungkol dito. "Guys, kailangan na ‘ting lumayo dito!" Sa kabila ng aking kutob ay nakaramdam din ako ng panganib para sa aming lahat. "Pero, si Seles!" Nag-aalalang tumingin si Alliexynne kay Seles, pero umiling ako sa kanya. "She can handle herself,” wika ko habang nakatingin sa direksyon ni SSeles "Pero, wala siya sa sarili niya." Maging si Kendrix ay tila naguluhan sa binigkas ko. "We need to trust her." Seryoso ko silang tiningnan. Isang tingin din na may mas malalim na kahulugan. Nauna na kong tumakbo palayo at naramdaman ko namang sumunod na sila sa akin ng naguguluhan. Nang maramdaman kong ligtas na kami ay muli kaming tumingin sa kinaroroonan ni Seles at Edward. Nanlaki ang mata naming lahat ng makitang nasa loob na ng ipo-ipo si Edward. Begging for his life. "Kung hindi tayo lumayo, malamang ay nasa loob na rin tayo ng ipo-ipong gawa ni SELESTINE." Hindi ko napigilang magsalita dahil sa nakikitang pangyayari. Ngayon sigurado na ko sa hinala ko tungkol kay Seles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD