Selestine's POV. "Seles, ngayon ko lang napansin. Paano nga pala na 'tin mahahanap si Kurt kung napakalawak at napakalaki ng mundong ito?" tanong ni Alliexynne na napatigil sa paglalakad dahil sa napagtanto. Napatigil na rin kami sa paglalakad at napaisip kung anong isasagot sa tanong niya. "Teka. . . paano nga pala? Huwag ninyong sabihin na lilibutin na 'tin ang buong mundo mahanap lang si Kurt?" tanong ni Daine na sa wakas ay naiba na rin ang expression ng mukha. 'Yun nga lang. Mukhang naiinis siya ngayon. "Hindi na kailangan dahil kung tama ang nasa isip ko, malamang ay malapit lang dito si Kurt kung dito nga siya nagtungo. Hindi naman siguro siya makakalayo agad sa portal na pinaglabasan na ‘tin dahil hindi naman siya pamilyar sa mundong ito, pero ang pinagtataka ko lang. . . Kung

