Sammara's POV. "Galileo, Disley at James. Tulungan n'yo kong patigilin si Seles. Kayo naman Mikhaela kasama ang grupo nina Alliexynne, talunin n'yo naman si Diana." Utos ko sa kanila. "Roger." sagot ng lahat at kumilos na ayon sa sinabi ko. Inutusan ko ang aking isip para idala kami sa ere ng aking mga kasama. Nag-isip ako ng maigi kung ano ang dapat gawin para mapatigil ko si Seles ng hindi siya sinasaktan o masasaktan. Samantala, siya ay napapalibutan ngayon ng hangin, apoy, tubig at iba pang mga armas habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Dreheya! Lalare! Trehasas!" usal ko sa isang spell na magtatanggal sa barrier na nakapalibot kay Seles ngayon subalit hindi man lang nagasgasan ang barrier sa paligid niya. Anong gagawin ko? Ang kapangyarihang ginamit niya ay katumbas din ng

