Sammara's POV. Bakit napakalupit ng tadhana sa akin? Minsan ko na nga lang makikita ulit ang aking anak, bilang kalaban pa. Sa dinami-dami ng taon na hindi ko siya nakasama, hindi ko ko alam kung anong klaseng lungkot pa ba ang mararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang yakapin at bigyan ng halik, pero hindi. Hindi maaari dahil wala siya sa sarili niya ngayon. Para maipagtanggol ang Magic World na ginawa ng ate ko, wala akong magawa kundi ang kalabanin si Seles dahil ako lang ang p’wedeng makapagpatigil sa kanya. Pareho naming taglay ang Mind Magic kaya kami lang ang p’wedeng maglaban. Kami lang mag-ina. "Oh? A new strong enimies? Nakakalungkot naman at binibigay n'yo rin sa akin ngayon ang inyong mga buhay. Hahaha." Seles Ano kaya ang totoo niyang hitsura at ugali? Tatanggapin niya ba ko

