Kurt Tyler's POV. Hindi ako nakinig sa sinabi niya dahil ngayon ko lang naman sila nakita. Mabilis kong pinaikot ang kadena ko at binitin sa leeg niya pagkatapos ay tinanong siya. "Sino kayo? Kalaban ba kayo o kakampi?" tanong ko sa kanila. Tsk. Kung mga kalaban sila, paano na ang Magic World ngayon? Napakalakas ni Seles at wala na ring lakas makipaglaban sina Ms Mikhaela. Puro sugatan na rin sina Brynna at marami na ang namatay na iba pa naming mga kasama. Bumuntong hininga ang isang lalake na kasama nila bago sinagot ang tanong ko. "Ako si Galileo. Ang isang lalake naman ay si James Marco. Ang isang babae naman na hawak mo ngayon ay si Sammara Loraine at ang isang babae naman ay si Smirkley. Tama ka kung iniisip mo na kami ni Smirkley ang namumuno sa Magic World at sina Marra at

