Kurt's POV. "Seles, bumalik ka na sa amin. . ." malungkot na pakiusap ko sa kanya kasabay ang pagtulo ng aking luha na hindi ko na napigilan pa. I am too gay today, but I don't care. Tumitig si Seles sa akin at pagkatapos ay humagalpak ng tawa. Pinagloloko ako ng babaeng 'to. Kahit pala wala siya sa sarili niya, maloko pa rin siya. Tss. "Hahaha. Bakit ka umiiyak? By the way, hahaha. Ang epic mong kumanta. Ang panget ng boses mo." Hindi mahinto ang kanyang pagtawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Ang panget ba talaga ng boses ko? Hindi naman siguro. "At ano nga ulit ‘yung tawag mo sa akin? Seles? Dennise Amores ang pangalan ko at hindi Seles. Ah, alam ko na! Para maging maganda ang laban na 'tin. . ." Tumingin siya sa mga teachers namin na nakahandusay. Lumapit siya sa kina

