Selestine's POV. "Noong unang panahon, may isang babaeng na nagngangalang Sammara Loraine at siya ay mayroong kapatid na babae na si Brittaney Loraine. Si Sammara ay masayang namumuhay kasama ang kanyang iniibig na si Marco James Vargas sa ilalim ng pamumuno ng kanyang kapatid na si Brittaney Loraine. . ." Tahimik lang silang lahat habang nakikinig sa kuwento ng aming guro habang ako naman ay nagtataka sa kuwento ni Sir Clyde. Akala ko ba tungkol sa totoo kong pamilya ang pag-uusapan namin? Bakit parang ang nakasulat sa history 'yong kinukuwento niya? "Masaya silang nag-aaral, namumuhay sa Magic World na sila rin mismo ang gumawa. Tuwang-tuwa si Sammara ng malaman niya na mayroon pala siyang kapatid at mayroon pang taong may taglay na kapangyarihan tulad niya. Masaya siya sapagkat bati

