Selestine's POV. "Ano pong sinasabi ninyo? Sa mundo ng mga tao ay kasama kong namumuhay sina Mama at Kuya Iahn. Kaya kung hindi n’yo siya kilala, sino siya at saan siya nagmula? At isa pa. . . At isa pa. . . naniniwala akong kapatid ko siya." Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil sa aking huling sinabi. Parang nakaramdam ako ng kung ano sa hindi ko malaman na kadahilanan. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. Kasalukuyan pa rin kaming nag-uusap ngayon tungkol sa totoo ko raw na pamilya. "Hmm. . . Teka. . . ‘yung Kuya Iahn ba na sinasabi mo ay 'yong nakilala ko sa mundo ng mga ordinaryong tao?" tanong ni Tita Sandra na tila ginugunita pa ang araw nang una kaming nagkita. Oo nga pala! Nakasama rin pala ni Tita Sandra si Kuya Iahn kahit sa maikling panahon lang. "Opo. Siya

