Brynna's POV. Sandali kong binalingan ng tingin ang aking mga kasama habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Kasalukuyan kaming naglalakbay papunta sa palasyo ng Magic World kung nasaan ang Hari at Reyna katulad ng aming napag-usapan. "Hindi ako sanay na wala ang iba na ‘ting kasama.” Humalakhak ako ng malakas pagkatapos ay malalim akong nagbuntong hininga. "Ang sabihin mo, nag-aalala ka lang sa iba pa na ‘ting kasama. Huwag mo ng alalahanin ang mga 'yon. Gano’n din naman ang nararamdaman ko ngayon.” Ngumiti sa akin si Allixynne ng balingan niya rin ako ng tingin. "Tss. Brynna, hindi ba kay Seles ka lang naman talaga nag-aalala?" tanong ni Horin sa akin na akin namang ikinabigla. Nagsitinginan sina Alliexy, Horin at Tita Sandra sa direksyon ko na tila naghahantay ng isasagot ko

