Alliexynne's POV. Nakikiramdam kami ng mga kasama ko sa maaaring gawin ng mga kalaban na kaharap namin ngayon. "Tsk. Bilisan na na 'tin at nang makabalik na tayo agad sa Powerful Magical World,” wika ng isa sa hindi kilalang kalaban. Ang mga humarang sa amin ngayon ay ang mga nakalaban namin kamakailan lang. Katulad ng dati, gano'n pa rin ang itsura at pananamit nila. "Tama ka. Marami pa kong gagawin kaya naman simulan na na 'tin ito,” saad naman ng isa pa. "Hahaha. Mas’yado naman kayong nagmamadali. Maglaro na lang muna tayo. Nakakainip din naman kasi sa Powerful Magical World. Wala akong magawa," tugon naman ng isa pa. Bale tatlo lang sila ngayon. Bakit kaya? "Tsk. Brynna, Alliexy at Ms Sandra. Kayo na ang bahala sa kanila. Nawalan ako bigla ng gana na makipaglaban sa kanil

