Horin's POV. Nang mawala ang usok buhat sa pagsabog ay agad kaming tumayo. Bahagya akong napangiti ng may makita akong isang pamilyar na tao kasama ang aking tatay. "Sorry sa paghihintay. May importanteng bagay pa kasi akong tinapos." Tama. Siya nga si Seles. Tumingin ako sa direksyon ni Kurt. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ngiti niyang 'yan. Pati sa kanyang mata ay kitang-kita ang sayang nararamdaman niya ngayon. Tumingin ulit ako sa direksyon ni Seles. Nakangiti niya kaming binalingan isa-isa. Nginitian ko rin siya bilang tugon. Pagkatapos, lahat kami ay humanda na muli para sa susunod na sagupaan. Nagtaka ako ng biglang umalis at tinalikuran ni Brynna ang kalabang nasa harap niya at mabilis na nagtungo sa isang pang kalaban. Napakunot ang aking kilay dahil sa halip na kalaba

