Brynna's POV. Napahiga kaming lahat dahil sa biglaang pagsabog. Nang mawala unti-onti ang usok ay agad akong tumayo. Napangiti ako ng makita ko sa aking harap ang isang pamilyar na mukha kasama si Sir Andrew. "Sorry sa paghihintay. May importanteng bagay pa kasi akong tinapos,” wika niya. Si Seles. Salamat naman at okay lang siya. Isa-isa kaming tiningnan ni Seles at saka kami nginitian. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Nagtayuan kaming lahat pati na rin ang mga kalaban. Ang dalawa kanina na nanonood lang ay humanda na rin para sa pakikipaglaban. 'S-Seles. . . Seles. . .' Nakaramdam ako ng kaba ng sambitin ng isa sa mga kalaban ang pangalan ni Seles sa kanyang isipan. Tiningnan ko isa-isa ang mga kalaban upang malaman kung sino ‘yon hanggang sa may nahuli akong isa sa kanila n

