Alliexynne's POV. "Guys, magsisimula na ‘yong second mission na 'tin ngayong gabi kaya lang si Seles. . ." Nasilayan ko sa kulay purple na mata ni Kendrix ang pag-aalala para sa aming kasamahan. Kaya pati ako ay nakaramdam na rin ng lungkot sa kanyang pinahayag. Bumuntong hininga ako ng malalim. “Siguro tayo na lang muna ang gumawa ng mission na ito. Hayaan na lang muna na ‘tin siya." "Siguro nga. Hayaan muna na 'tin siyang mapag-isa." Isang malungkot na ngiti ang iginawad sa amin ni Brynna. "Sana naman pagkatapos na 'tin sa mission na ito ay mapatawad na tayo ni Seles,” dugtong pa ni Brynna. Nahagip ng mata ko ang direksyon ni Kurt. Tulala lang siya sa isang tabi na tila malalim ang iniisip. "Don't worry. Mapapatawad din tayo ni Seles. I swear." Ngumiti ng malawak sa amin si Hor

