CHAPTER 31 ZHED QUIAH POV Alas nueve na, at hindi pa rin humuhupa ang ulan. Naririnig ko pa rin ang walang tigil na pagbagsak ng mga patak sa bintana, kasabay ng mahinang ugong ng hangin na parang humahaplos sa bawat sulok ng condo. Tahimik lang kami ni Doc Lucas, kapwa nagkukubli sa lamig at sa kakaibang tensyon na hindi ko maipaliwanag. Nasa sofa siya, nakasandal habang pinapanood ang TV na mahina lang ang volume. Ako naman, nakaupo sa kabilang dulo, hawak ang baso ng tubig, pilit pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit kong huwag pansinin, hindi ko maiwasang mapansin na ang ganda ng ayos niya kahit simple lang nakatupi ang manggas ng polo niya, at kita pa ang manipis na ugat sa braso habang nakahawak sa remote. “Ang lakas pa rin ng ulan, ‘no?” sabi ko, halos pabulong. Tum

