CHAPTER 32 LUCAS POV Isang malakas na “TOK! TOK! TOK!” ang gumising sa katahimikan ng sala. Napaigtad ako sa pagkakahiga sa sofa at muntik nang mahulog hindi, actually, nahulog nga ako. “Aray!” napasigaw ako, sabay kamot sa ulo. “Ano ba ‘yon? Akala ko may sumabog na pader.” Pilit kong iminulat ang mga mata, medyo hilo pa dahil sa biglang paggising. Ang ulan sa labas ay bumubuhos pa rin, pero mas malakas ngayon ang kalabog ng pintuan kaysa sa kulog. “Put sino bang” Hindi ko na natapos ang mura ko dahil muling umalingawngaw ang mas malakas na katok. TOK! TOK! TOK! TOK! “LUCAS BELFORT! BUKSAN MO ‘TONG PINTO MO BAGO KO SIPAIN ‘TO!” Napakapit ako sa sentido ko at napasinghap. Walang ibang may ganitong boses. “Llianne…” bulong ko sa sarili ko na may halong inis. Tumayo ako, napapamura h

