Chapter 3

2660 Words
SUMILIP si Anne sa glass window ng laboratory room. "Tim, may mga lab results pa ba?" tanong niya sa intern. Katatapos lang niyang mag – break at naisipang dumaan muna sa Laboratory Room para kumuha ng lab results ng mga pasyente na nasa ER kung saan siya naka - duty. "Wala na, Anne, nadala na sa ER kanina," tugon nito. "Okay," aniya at naglakad na pabalik sa ER.Last day na niya sa ER at bukas ay sa ibang ward naman siya maa–assign. Nagsimula siyang magtrabaho sa DGMMC matapos niyang makapasa sa board.Paulit – ulit lang ang rotation pero hindi naman siya nagsasawa kahit tatlong taon na niya iyong ginagawa. Pagbalik sa Emergency Room, napansin niya na mas dumami pa ang mga pasyente kompara kanina bago siya nag – break. Tinitignan niya ang chart ng isang pasyente nang biglang may ipinasok na binatilyo na duguan. Ayon sa umiiyak na ina nito ay nasagasaan ang binata. Conscious pa ito na sumisigaw dahil sa sakit na nararamdaman habang nakahiga sa stretcher. Kailangang tahiin ang sugat nito kaya inumpisahan kaagad niyang ihanda ang sterile tray at kumpletuhinang gagamitin ni Dr. Mateo, isa sa mga resident doctor na naka – duty sa ER nang mga oras na iyon. Patungo na si Anne sa supply area na nasa dulong bahagi ng ER para kumuha ng mga gloves at iba pang medical equipment nang biglang may tumawag sa pangalan niya mula sa isang cubicle. Napalingon siya at biglang napahinto sa nakita. "Nathan?" gulat na bulalas niya. "Yeah, it's me," tugon ng lalaki na bahagyang nakangiwi.Kasalukuyang nililinis ng kasamahan niyang nurse ang mga sugat sa kaliwang braso. "A – ano'ng nangyari sa iyo?" tanong niya habang lumalapit siya rito. "I had an accident. But I'm okay, superficial lang naman ang mga sugat. Dito ka nagtatrabaho?" tanong nito na nakalarawan sa mukha ang pagkamangha. Tumango siya. Itatanong sana niya kung paano at bakit ito nasa probinsya subalit muli niyang narinig ang daing ng binatilyo. "I have to go back to work, Nathan," aniya at mabilis nang iniwan ito. Naiayos na niya ang sterile tray sa gilid ng kama ng binatilyo nang muling lumapit si Dr. Mateo. Isinara niya ang kurtina at nagsuot na rin ng gloves para mag – assist kay Dr. Mateo. Matagal – tagal din bago sila natapos sa ginagawa. Hinuhugasan na niya ang mga kagamitang ginamit ng doctor nang maalala si Nathan. Binalikan niya ito sa cubicle pagkatapos niya sa ginagawa subalit wala na ito roon. Ayon sa nurse na nag – asikaso sa lalaki kanina ay na – discharge din ito kaagad. Nagkibit – balikat siya at bumalik sa kanyang trabaho. Ilang sandali pa ay muli siyang naging abala nang halos sunod – sunod na nagdatingan ang mga pasyente. NAGHAHANDA na sa pag – uwi si Anne nang matapos ang kanyang shift nang muling sumagi sa isipan niya si Nathan. Curious pa rin siya kung paano at bakit ito nakarating sa San Rafael. It had been six months since they met and parted ways. Bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib nang maisip ang posibilidad na siya ang pinuntahan nito subalit napakaimposible niyon dahil hindi niya ibinigay rito ang address at contact number niya nang huli silang mag – usap.Maliban na lamang kung ibinigay iyon ng mga nakasama niya sa seminar. Si Lourdes lang ang puwede niyang tanungin dahil halos sabay na nag–resign sina Paul at Charlie a month ago pagkatapos na parehong matanggap sa isang ospital sa Canada. Pero kahit na, kung talagang siya ang pinuntahan nito, hindi ito basta aalis ng ospital at sisikapin nitong makausap siya. Naputol ang pag – iisip niya nang biglang bumukas ang pinto ng locker room at pumasok si Lourdes. "Hi, Anne, pauwi ka na?" tanong nito habang patungo sa locker nito. "Oo." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagtanong sa kaibigan. "Lourdes, remember Nathan, 'yong nakilala natin sa hotel noong seminar?Sinabi mo ba sa kanya kung saang ospital tayo nagtatrabaho?" Tumingin ito sa kanya at kaagad umiling. "Hindi naman siya nagtanong, eh. Saka busy ako kay Marco noon kaya hindi ko siya halos napansin, alam mo na," pilyang sagot nito. Napangiti siya. "Okay." "Bakit mo naitanong?" "Wala lang." "Ikaw ha! Iniisip mo siya 'no? Hala ka, lagot ka kay Doc Rommel," pang – iintriga nito. "Loka, naitanong ko lang, 'no?" Nagkibit – balikat ito. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Lourdes pagkatapos nitong makuha ang kailangan nito. Napabuntong – hininga siya nang makalabas ang kaibigan. Sariwa pa sa kanyang isip kung paano niya nakilala si Nathan... Sakay ng tourist bus kasama ang mga kapwa nurse na sina Paul, Charlie at Lourdes, lumuwas sa Maynila si Anne upang ire – present ang DGMMC sa isang three – day seminar na gaganapin sa isang hotel sa Maynila. Nakasabay nila sa bus ang iba pang representative nurses na nagmula naman sa iba't – ibang ospital sa buong lalawigan nila. "Wow!" bulalas ni Lourdes nang makapasok sila sa tutuluyan nilang hotel room. Ikinatuwa niya na si Lourdes na pinaka – close niya sa ospital ang makakasama sa silid. Fully aircondition ang silid at tag-isa sila ng kama. Kompleto rin ang silid sa lahat ng kakailangin nila. Tahimik lang na humanga si Anne. Sanay siya sa ganoong lugar dahil hindi lang iilang beses na nagcheck – in sila ni Lola Marcela sa hotel. Lola Marcela loved traveling at siya ang laging kasa – kasama nito sa pagbi - biyahe.Ang pamamasyal nila sa buong Pilipinas at kung saan – saang bansa ang tila naging lunas nito sa pangungulila nito sa apo nito. Nagbabakasali rin ang matanda na makikita nito si Rigor at ang pamilya nito sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Ang huling destinasyon nila ay sa New York,that was two years ago at hindi na naulit. Naging masasakitin na kasi si Lola Marcela dala ng katandaan. Lola Marcela was already seventy – three years old. At pinagbawalan na ito ng doctor na magbiyahe nang malayo. "Mag - e – enjoy talaga ako dito," sabi pa ni Lourdes na kaagad humilata sa kama. Hinayaan ni Anne ang kaibigan. Naupo siya sa kanyang kama at inilabas niya ang kanyang cell phone. Tumawag siya sa hacienda upang kumustahin si Lola Marcela. Labis siyang nag – aalala para dito dahil may lagnat ito bago siya umalis. Ayaw na sana niyang tumuloy sa seminar subalit hindi ito pumayag na hindi siya umalis. Katwiran nito ay hindi naman malala ang kondisyon nito. At may kinalaman sa trabaho ang pupuntahan niya. Si Aling Pilar na mayordoma sa mansiyon ang nakausap niya dahil natutulog si Lola Marcela, at ayon dito ay mabuti na ang lagay ng matanda kaya nakahinga siya nang maluwag. Sumunod na tinawagan ni Anne ang kanyang best friend na si Rommel. Siguradong pupuntahan siya nito sa hotel kapag sinabi niyang nasa Maynila siya. She wanted to surprise him kaya hindi niya sinabi rito ang tungkol sa seminar. Subalit naka – off ang cell phone nito na bihirang mangyari. She had missed him. Bukod kay Lola Marcela, ang best friend niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Dahil dito ay bahagya na lamang siyang nangungulila sa pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay.Halos dalawang buwan na niya itong hindi nakikita dahil hindi ito nakakauwi sa bayan nila. Isa nang orthopedic surgeon si Rommel at proud na proud si Anne sa kaibigan. Maaari itong mag – specialize noon sa DGMMC kung saan siya nagtatrabaho subalit mas pinili nitong manatili sa ospital kung saan ito nag–intern na mas moderno at makabago ang mga pasilidad. Bukod doon ay naging mentor pa ng kaibigan ang ninong nito kaya nanatili ito sa Maynila nang ilang taon pa. Hindi na ito related sa kahit saang ospital o klinika sa kasalukyan subalit kabilang si Rommel sa isang nonprofit organization at abala sa pagsama-sama sa mga medical missions kaya hindi pa ito bumabalik sa bayan nila gaya ng plano nito sa oras na matapos ang specialization nito. Nagpadala na lang si Anne ng text message sa kaibigan. She took a quick shower pagkatapos na mailipat sa closet ang laman ng kanyang traveling bag. After an hour ay nagtungo na sila ni Lourdes sa ballroom hall ng hotel para mag-lunch.Doon na rin nila nakilala ang iba pang mga nurses na makakasama nila sa seminar na nagmula sa iba't – ibang ospital sa Pilipinas. Pagbalik nila sa kanilang silid ay muling tumawag si Anne sa hacienda. Sa pagkakataong iyon ay si Lola Marcela na ang nakausap niya. Kinumusta niya ito at ayon sa matanda ay mabuti na nga ang pakiramdam nito. Sandali pa silang nagkuwentuhan sa naging biyahe niya bago siya nagpaalam. "So shall we?" tanong ni Lourdes nang makita nitong ibinaba na niya ang hawak na cell phone. "Saan?" nagtatakang tanong niya. "'Di ba magkikita-kita tayo nina Paul at Charlie sa coffee shop sa baba?" paalala nito. Halatang sabik ang kanyang mga kasama na maglibot. Habang nasa biyahe sila ay nabanggit ni Lourdes na iilang beses pa lang itong nakaluwas sa Maynila samantalang siya ay doon nakolehiyo. "Ikaw na lang ang bumaba, Lourdes, hindi na ako sasama sa inyo." "Pero anong gagawin mo rito?" "Magpapahinga, alam mo namang napuyat din ako kagabi. I need some rest para sa activity natin mamayang gabi." "Okay,"nakakaunawang sabi ni Lourdes at lumabas na ng silid. Naupo si Anne sa kama at muling sinubukang tawagan si Rommel. Subalit naka – off pa rin ang cell phone nito. Muli siyang nagpadala rito ng text message, saka nahiga at pumikit. ON THEIR second day sa hotel, pagkatapos ng hapunan ay sumama si Anne sa mga kaibigan nang magkayayaan ang mga itong magtungo sa bar ng hotel. Kasama rin nila sa bar ang mga nakilala nilang nurses sa seminar na nagmula sa Olongapo. It was obvious na may gusto kay Lourdes ang male nurse na si Marco. At si Paul na dati niyang manliligaw ay interesado naman kay Didith. Gayundin si Charlie na malagkit ang tingin kay Lani. Ilang sandali pa ay nagkayayaan na sa dance floor.Nang mapalitan ang tugtog ng eighties love song ay saka lang niya na-realize na siya lang ang walang partner. Pasimple siyang bumalik sa kanilang table. Habang sumisimsim ng Cali Shandy, wala sa loob na napatingin sa katabing table. And she saw a handsome man looking at her. Ngumiti ito bago tumayo at lumapit sa kinaroroonan niya. "Hi!" bati ng lalaki sa baritonong boses. The man was tall, around six feet.Kita sa suot nitong polo shirt ang malapad at ma - muscle nitong dibdib at mga braso. Mayroon itong manipis na balbas at wala sa ayos na medyo kulot na buhok. The man was ruggedly handsome.Hindi niya gusto ang rugged type na lalaki pero aminado siyang attracted siya rito. "Hi," matipid ang ngiting tugon niya. "I'm Nathan," pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay. "And you're?" "Anne," matipid na sagot niya. They shook hands. Bigla siyang na – conscious nang titigan siya ng mapupungay na mga mata nito habang magkadaop ang kanilang mga kamay. Kaagad na binawi niya ang kamay. "Are you waiting for someone or with your friends?" tanong nito. "I'm with my friends." "Would you mind if I join you here?" tanong pa nito. The man looked nice. Naisip ni Anne na makipagkuwentuhan muna habang nag – iisa siya. "I don't mind," tugon niya. Ilang sandali pa ay kakuwentuhan na niya ito. Masarap kausap ang lalaki at magaang ang loob niya rito. Hindi siya ganoon kabilis magtiwala sa isang tao, but with to him pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala. Nalaman niyang isang arkitekto ang lalaki na naka – check – in din sa hotel. Purong Pinoy ito ngunit sa Amerika lumaki. Ipinakilala niya si Nathan sa kanyang mga kaibigan nang magbalikan ang mga ito.Nakipagkuwentuhan din ito sa mga kaibigan niya pero mas sila ang nag – usap. Nang muling bumalik sa dance floor ang mga kasama niya ay binalingan siya ni Nathan. "Care to dance?" tanong nito sabay lahad ng kamay sa kanya. Nagpahila siya rito sa dance floor nang magdaop muli ang kanilang mga kamay. They danced with her friends. Nang muling mapalitan ang tugtog ng slow music ay nagyaya na siyang maupo. Masayang kausap si Nathan habang nagsasayaw sila sa mabilis na tugtugin subalit ayaw na niya kapag ganoon na ang klase ng tugtugin. Hindi niya gustong magkadikit ang mga katawan nila. Masyado nang intimate iyon at estranghero pa rin ito sa kanya. "Hey, this place is getting crowded. Would you mind if we go to the coffee shop?" tanong ni Nathan bago pa sila makabalik sa table nila. Sandali siyang nagdalawang – isip. Tinapunan niya nang tingin ang mga kaibigan, pero abala ang mga ito sa kanya-kanyang mga partner. Napabuntong – hininga siya bago tumango. Iti – text na lang niya si Lourdes mamaya para sumunod ito sa kanila. Jampacked din ang coffee shop nang makarating sila roon. Nagtake – out na lang sila ng coffee at niyaya siya nito sa garden ng hotel. Hindi pa siya nagawi sa parteng iyon ng hotel kaya nagulat siya nang mapansing romantic ang lugar. Hindi pa rin siya nakapunta sa ibang romantikong lugar katulad niyon na hindi kasama si Rommel kaya bigla siyang naasiwa. Hindi na lang niya iyon ipinahalata sa lalaki. Naupo sila sa isang bench sa harap ng maliit na fountain at kaswal na nagkuwentuhan. "Hey, would you mind working abroad?" biglang tanong ni Nathan matapos ikuwento ang tungkol sa trabaho nito. Mabilis siyang umiling. "Kuntento na ako rito sa Pilipinas," aniya. "Are you sure? If you want, I can help you to get a job in a hospital in Portland." Muling umiling si Anne. Kuntento na siya sa San Rafael. Tinanggihan nga niya ang job offer sa pinapasukang ospital noon ni Rommel dahil ayaw na niyang mapalayo kay Lola Marcela, ang magtrabaho pa kaya sa ibang bansa? Namagitan sa kanila ang katahimikan. Muling niyang tinignan ang hawak na cell phone. Hindi sumagot si Lourdes sa text niya nang sabihin niya kung nasaan siya. Paubos na ang kape niya nang mapansing iilan na lang silang naroroon sa garden at puro magkakapareha pa. Muli siyang nailang at hindi napigilan ang mapabuntong – hininga. "Hey, what's wrong?" masuyong tanong ni Nathan na umayos pa ng upo paharap sa kanya. "Nothing," kaila niya. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay. "I'd really like to know you, Anne. Can we see each other again?" tanong nito. Hindi siya kaagad nakasagot. Attracted siya kay Nathan pero hindi siya sigurado kung gusto pa niyang makita ito uli. Batid niyang magkaibang mundo ang ginagalawan nila at ni hindi ito sa Pilipinas nakatira. Komplikasyon lang ang dala nito. At isa pa ay maunawaan na sila ni Rommel. Binawi niya ang kanyang kamay; umiling siya. "Aalis na kami bukas," safe niyang sagot. He sighed. Hindi siya nakaiwas nang marahan nitong alisin ang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa mukha niya. "You're so beautiful," masuyong sabi nito. Nagkasalubong ang kanilang tingin.Nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya at unti – unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya, she knew he was going to kiss her, kaya mabilis niyang iniiwas ang mukha. Subalit desidido ito na mahalikan siya.Bigla, sinapo nito ang kanyang mukha at inangkin ang kanyang mga labi. Tinangka niyang kumawala subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Nathan sa kanyang mukha. Wala sa loob na naibuka niya ang mga labi dahilan para mas palalim pa nito ang halik. He was a good kisser. Hinimok siya nitong tumugon. Hindi nagtagal ay sumuko na siya sa halik nito at tumugon. "Let's get out of here," bulong nito pagkalipas ng ilang sandali. Bigla siyang natauhan sa narinig. Ubod-lakas na itinulak niya ito at tumayo na siya. "Hey, what's wrong?" kunot – noong tanong ni Nathan. Mabilis na hinawakan siya nito sa braso nang tangkain niyang humakbang palayo. "This is wrong, Nathan." "Nothing is wrong, Anne. We like each other, that is clear. Don't fight for it." Umiling siya at pumiksi. "Hindi ako katulad ng babaeng inaakala mo," aniya at itinuloy ang paglayo rito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD