Chapter 4

1833 Words
                    NAPATINGIN si Anne sa pinto ng locker room nang biglang bumukas iyon at pumasok si Yvette.                  "Nandito ka lang pala, Anne, kanina ka pa hinihintay ni Rommel sa lobby - este Doctor Custodio pala. Mukhang may date kayo, ha!" panunukso nito.Napangiti siya.          Alam ng lahat ang naging relasyon nila ni Rommel noon. Gayunpaman, dahil maganda pa rin ang samahan nila ng binata ay halos walang naniniwalana magkaibigan na lang sila.          "Mauna na ako, Yvette," sa halip na tugon niya. "Baka mainip pa si Rommel at pasukin pa ako rito."         Kaagad siyang bumaba sa lobby. Natanaw niyang may kausap si Rommel sa cell phone nito subalit kaagad din nitong tinapos ang pakikipag-usap nang makita siyang palapit. Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang sorpresang umuwi ito sa bayan nila. He was finally staying for good. He was taking his two weeks' break before he would work at DGMMC. Nagpalitan sila ng ngiti. Nang tuluyan siyang makalapit ay bigla siyang hinapit nito at walang babalang hinalikan siya sa mga labi. It was just a chaste kiss subalit nagdala iyon ng bolta – boltaheng kilig sa kanya.          "Doctor, nasasanay ka na naman," kunwari ay sita niya rito. Tinawanan lang siya ni Rommel. Ramdam pa niya ang pag – iinit ng kanyang pisngi nang bitiwan siya nito. Hindi na nga niya ito nobyo subalit may pribilehiyo pa rin itong halikan siya kahit saan at kahit kailan nito naisin. Hindi niya magawang magalit kay Rommel kapag ninanakawan siya nito ng halik kaya kahit sino talaga ang makakita sa kanila ay iisiping higit pa sa magkaibigan ang relasyon sila.          "Let's go?" tanong nito.          Tumango si Anne at kinuha na nito ang backpack niya.Rommel was her best friend. Noong mga bata pa sila ay galit na galit siya rito dahil sa pambu – bully sa kanya. Ngunit nang umalis ang kaibigan nilang si Jonathan ay biglang nagbago ito at naging mabait sa kanya. Mula sa pagiging beast ay naging clown ang tingin niya rito kaya naging magkaibigan sila at halos hindi na mapaghiwalay. Dose anyos siya nang kinailangan nitong umalis ng San Rafael upang magkolehiyo sa Maynila. Umiyak siya ng husto nang umalis ito. Mabuti na lang at hindi naputol ang komunikasyon nila.          She was sixteen at nag – aaral na rin siya sa Maynila nang magkaroon sila nang unawaan na gusto nila ang isa't – isa. Ngunit disiotso anyos na siya nang ligawan siya ni Rommel at magkaroon sila ng romantikong relasyon na tumagal ng mahigit dalawang taon. Aminado siyang kasalanan niya kung bakit nagtapos ang relasyon nila kahit mahal pa nila ang isa't – isa. Pinairal kasi niya ang insecurity at immaturity. Puro siya pagdududa at pagseselos sa mga babaeng napapalapit dito. Gusto rin ni Anne na lagi ay magkasama sila at nasa kanya ang atensyon nito kung hindi rin lang ito busy sa med school at sa ospital. Naging talakera at inconsiderate girlfriend din siya. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ni Rommel kaya tumagal pa ng ganoon katagal ang naging relasyon nila. Nang makita ni Anne na hinahalikan si Rommel dating kaklase nitong si Rica, ora – orada ay hiniwalayan niya ito. Hindi niya kaagad pinakinggan ang mga paliwanag nito. Ang malala pa nang ma – realize na mali siya sa kanyang nakita at nang maniwala sa mga paliwanag ni Rommel ay hindi pa rin siya nakipagbaalikan. Babalik na kasi siya sa San Rafael samantalang ito ay mananatili pa rin sa Maynila. Malaki kasi ang pag – ayaw niya sa long – distance relationship dahil sa nangyari sa mga magulang niya. Hindi nagawang magmahalan ng mga magulang niya habang buhay dahil magkalayo ang mga ito. Marami rin sa mga kakilala ni Anne ang nauwi sa wala ang pakikipagrelasyon dahil nasa malayo ang minamahal.                  She had thought sa ganoon din lang sila mauuwi ni Rommel kung itutuloy ang relasyon nila dahil lagi ay mauuna sa kanya ang pagdududa at pagseselos. Kaya kahit mahal na mahal pa rin niya ito ay tinikis niya ang nararamdaman at tuluyan nang hiniwalayan ang lalaki. Mas pinili niyang maging kaibigan ito. Nangako naman siya na hihintayin ito hanggang sa permanente na itong mananatili sa San Rafael. She made that promise three years ago. Sa tingin niya ay pinanghahawakan pa rin ni Rommel ang pangako niya. Ayon kasi sa pagkakaalam niya ay hindi na ito uli nagkakaroon ng girlfriend matapos silang magbreak.              Wala pa rin siyang boyfriend at ni hindi siya nag –e– entertain ng mga manliligaw.At hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Nang akbayan siya ni Rommel habang palabas sila ng ospital ay hindi siya tumutol. Bagkus ay iniyakap pa niya ang kanyang braso niya sa baywang nito. Komportable at secure ang pakiramdam niya kapag ganoong magkalapit sila. She was glad he was finally back.  MATIYAGANG naghintay si Nathan sa paglabas ni Anne ng ospital. Hindi niya inaasahan na makikita pa uli niya ito at doon pa sa mismong bayan na kinalakihan niya. Nasorpresa talaga siya. Gusto niyang muling makausap ito kahit tinanggihan na siya noong huling magkita sila kaya ipinagtanong niya ito sa nurse na nag – asikaso sa kanya kanina.              Muli siyang nasorpresa pa siya sa natuklasan. Ayon sa nurse, Annika Docher ang buo nitong pangalan. At sa pagkakatanda niya, iyon din ang tunay na pangalan ng kanyang kababatang si Anne. What a small world? Si Anne na nakilala niya sa hotel at Anne na kababata niya ay iisa? Paano niya hindi nahalata ang brown at malalaking mga mata nito nang una silang nagkita? Hindi pa siya sigurado, kailangan pa niya ng confirmation ngunit halos one hundred percent ay sigurado na siya. Nalaman din niya sa nurse ang oras off – duty ni Anne kaya nagpasya siyang hintayin na lang ito at hindi na abalahin sa trabaho.                 Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa loob sasakyan sa parking lot ng ospital. Mula sa kinaroroonan ay tanaw niya ang bawat lumalabas at pumapasok sa main door. Napangiti siya nang wakas ay matanaw ang dalaga subalit kaagad ding napalis iyon nang makitang may nakaabay ritong lalaki habang palabas ng pinto. Nakangiti ang mga ito at nang tila may ibinulong ang lalaki kay Anne ay yumakap pa sa baywang ng lalaki.             Parang sinaksak ang puso ni Nathan sa kanyang nakita. Sandali siyang natigilan nang makita ang mukha ng lalaki. Ito rin ang lalaking kasama ni Anne sa coffee shop sa Maynila.Nagtungo ang dalawa sa nakaparadang BMW ilang metro mula sa kinaroroonan niya. Nagbawi siya ng tingin at in – start ang engine ng kanyang sasakyan. Inunahan na niya ang mga ito sa pag-alis. Wala nang dahilan para makipagkita pa siya kay Anne. So what kung ito nga ang kababata niya? Hindi pa rin mababago ang katotohanang tinanggihan siya nito. Pinagmukha lang niyang tanga ang sarili sa paghihintay rito.              GULAT na gulat si Rommel sa ibinalita ni Lola Marcela habang naghahapunan sila kasama si Anne."             Totoo, nagbalik na si Jonathan. Sinabi ni Rigor na patay na ako at naibenta na itong hacienda kaya hindi kaagad bumalik ditto si Jonathan," patuloy pa nito.Hindi niya malaman ang sasabihin.             Nasorpresa talaga siya. Sinulyapan niya si Anne, nakalarawan din sa mukha nito ang pagkasorpresa.              "Nasaan na po siya?" tanong niya.                  "He had to go in Baguio. Ikakasal kasi roon 'yong best friend niya kaya kinailangan niyang umalis uli pero babalik siya rito sa Linggo.Makikita n'yo na uli ang kaibigan n'yo, Rommel," excited na sabi pa ng matanda.             Hindi siya kumibo. Masaya siya para kay Lola Marcela dahil sa wakas ay nakita na nito ang pinakamamahal na apo subalit wala siyang makapang kaligayahan sa kanyang dibdib. Dati niyang kaklase at kaibigan si Jonathan, at marami rin silang magagandang pinagsamahan. Subalit pakiramdam niya ay gulo lang ang dala nito sa kanila ni Anne.              Bigla siyang nakaramdam ng takot sa isiping iyon. Sina Jonathan at Anne ang dating mag – best friends. Kung hindi ito sapilitang umalis ng San Rafael noon, siguradong hindi siya magagawang pansinin at mahalin din ni Anne.Pinalitan niya ang dating puwesto ni Jonathan bilang best friend at sa puso ng dalaga. At ngayong nagbalik na ito, hindi imposibleng bawiin nito ang dati nitong posisyon, lalo na at mayroon siyang kasalanan dito."No!" aniya sa isip. Hinding – hindi siya makakapayag.              "He was on his way here yesterday but he had an accident, nabasag iyong side mirror ng kotse niya kaya pinagawa niya muna sa bayan. Doon na rin siya nag – overnight sa isang inn. Hindi na nga sana siya tutuloy rito dahil sa nangyari pero nang binalikan niya 'yong kotse sa talyer, doon niya aksidenteng nakita si Pido kaya nalaman niyang buhay pa ako at nandito pa rin itong hacienda," pagkukuwento pa ni Lola Marcela na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.              Marami pang sinabi si Lola Marcela tungkol kay Jonathan at sa pamilya nito pero ito lang at si Anne ang mas nag - usap. Rommel did not know what to say. Inaamin na niyang hindi siya masaya sa ibinalita ni Lola Marcela.              Nagpaalam na rin kaagad siya pagkatapos ng hapunan. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya at tila hapong – hapo. Kapwa sila tahimik ni Anne nang ihatid siya nito sa kanyang sasakyan. Tila may malalim na iniisip ito.          "What was that for?" biglang tanong ni Anne nang marinig ang malalim na pagbuntong – hininga niya.             "Naisip ko lang, baka bale-walain mo na ako kapag nagkita na uli kayo ni Jonathan. Siya ang original best friend mo, 'di ba?" seryosong tanong niya.          Tumawa ito sa sinabi niya.          "Rommel, hindi na tayo mga bata. You were there when I needed you most. Hindi mo ako pinabayaan kahit kailan. At sa dami nang pinagsamahan natin, puwede ba namang basta na lang kita itatapon? You're my best friend!"          Napangiti siya sa narinig. "How I wish more than that."          "Bakit, nanliligaw ka na ba uli?"          "Do I really have to do that? Ang sabi mo noon pagbalik ko tayo na uli," apela niya.         "Sinabi ko ba 'yon?" pagpapatay – malisya nito.          "Annika!"Humahagikgik na huminto ito sa paglalakad at tumayo sa harap niya.          "So, tayo na uli?" walang kangiti – ngiting tanong niya.         Hindi sumagot si Anne, nawala ang ngiti nito sa mga labi. Pagkalito ang rumihistro sa mukha ng dalaga.          Disappointed na muli siyang napabuntong – hiniga. Sa mga nakalipas na taon, kahit wala na sila, pakiramdam ni Rommel ay hindi nagbabago ang nararamdaman nito sa kanya. At formality na lang ang kulang at sila na uli. Pero nagkamali siya. Siguro nga kailangan niyang manligaw uli. Gagawin niya ang lahat upang maging kanya ito uli.         "Rommel, I ..."         "Hey," putol niya sa sasabihin ni Anne. Hinawakan niya ito sa balikat. "I'd like to court you again. Huwag mo muna akong sasagutin," pagbibiro niya upang maalis ang disappointment na nararamdaman. Muli itong tumawa.          Napangiti na rin si Rommel nang biglang yumakap si Anne sa kanya.Ipinulupot niya ang kamay sa baywang nito. Nang magtaas ito nang tingin ay sandaling nagsalubong ang kanilang mga mata bago niya hinalik – halikan ang mga labi nito. Halik na nauwi sa malalim na halik at makapugtong – hiningang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD