Chapter 8

3136 Words
HALOS magkasabay na huminto ang BMW niRommel at pick – up ni Nathan sa parking lot ng DGMMC nang hapong iyon.Naunang bumaba ng sasakyan si Rommel. Napakunot – noo siya nang makita si Nathan na bumababa sa sasakyan nito. Napatingin din ito sa kanya. Nakamulsang nilapitang nilapitan niya si Nathan. “How’s Lola Marcela?” pormal na tanong niya nang makalapit dito. “She’s fine. Nakabalik ka na pala, Doc,” pormal ding sabi nito. “Kanina lang.” Luminga – linga si Nathan sa paligid. “May alam ka bang lugar na puwede tayong mag – usap?” “Tungkol saan? We can talk later pagkatapos kong ihatid si Anne sa bahay n’yo mamayang gabi.” “Why not now?” “Palabas na kasi si Anne, eh. May pupuntahan kami,” tugon ni Rommel. “Really?I’m here to fetch her, too. Ayokong nagta – tricycle siya pauwi.” “I don’t, either. But thanks for the concern, I can do that myself. Ako na ang maghahatid kay Anne pauwi.” “Pinaaalis mo na ba ako?” magaspang na tanong ni Nathan. “Hey, hindi iyang ang gusto kong sabihin. Pero ako ang fiancé ni Anne, natural lang naman na ako ang maghatid sa kanya, ‘di ba?” “Fiancé?” patuyang tanong nito. “Are you sure about that, Doc?” Kaagad nagsalubong ang mga kilay ni Rommel. “Gusto ni Anne na siya ang magsabi sa ’yo pero hindi ko na mahihintay ‘yon dahil nakakaawa ka.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “While you were away, Anne and I became close again. Alam naman nating dalawana kung sino ang una niyang gusto at kung hindi ako umalis, siguradong hindi siya mapapasaiyo.” “Give it up, Nathan. Hindi na tayo mga bata. Tanggapin mo na lang na nagmamahalan kami ni Anne. At huwag mong ipilit na kasalanan ko kung bakit natagalan kang bumalik dito,” napipikon nang sabi ni Rommel. “Yes, it is still your fault at hinding – hindi ko makakalimutan ‘yon. Pero para sa kaalaman mo, bago pa ako bumalik dito sa San Rafael, nagkita na kami ni Anne sa isang hotel noon.At nagkita na rin tayo noon sa coffee shop, remember?” Napatitig si Rommel kay Nathan. Balikan din niya sa kanyang isip ang hitsura ng lalaking nakita niya noon sa coffee shop. Napamaang siya nang ma–realize na si Nathan ang lalaking iyon, naiba lang ang ayos ng buhok nito.  Ilang beses din niyang tinignan ito nang masama noon dahil sa pagtingin kay Anne. “Anne and I had an affair in that hotel,” patuloy pa ni Nathan.“Ipinagpatuloy namin ang naumpisahan namin nang umalis ka.” Hinawakan pa siya nito sa balikat. “I’m sorry, Doc, pero may relasyon na kami ni Anne ngayon at hindi na siya magpapakasal sa ’yo.” Tumaas–baba ang kanyang dibdib sa narinig habang nakakuyom ang mga kamay. Habang nasa States pa siya ay nabanggit ni Anne sa kanya na nag – uusap na ito at si Nathan. Pero siniguro naman nito na kaswal lang ang mga iyon dahil hindi naman maiiwasan ang mga iyon dahil nakatira sa iisang bubong ang dalawa. Batid kasi ng kanyang nobya ang takot na naramdaman niya sa pagbabalik ni Nathan at naniniwala siya rito. Sigurado siyang nagsisinungaling lang ang lalaking kaharap niya ngayon. Subalit hindi na napigilan ni Rommel ang sarili, umangat ang kanyang kamao at sinuntok ang lalaki sa mukha. Sumadsad si Nathan sa sasakyan nito. Sandali lang natigilan ito at sinugod na rin siya. Kapwa galit na nagpambuno sila at nagpagulong – gulong sa semento ng parking lot. Kapwa ayaw magpatalo. Kaagad na nakuha nila ang atensyon ng mga empleyadong nagsisimula nang mag – uwian. Nang magdating ang mga security guards ay saka lang sila napaglayo. “Loser!” tila nakakalokong sigaw ni Nathan kay Rommel bago pumiksi sa mga humahawak dito. Pumiksi rin si Rommel. Nagngingitngit pa rin siya sa galit pero hindi na siya kumibo. Sinundan na lang niya ng tingin si Nathan na nagtungo na sasakyan nito. Nang umandar at makalabas na ng gate ng ospital ang sasakyan ay saka pa lang siya nagtungo sa kanyang sasakyan. “Doc, magpagamot muna kayo sa ER,” concerned na sabi ng isang guard. Hindi niya ito pinansin. Galit na nilisan na niya ang lugar na iyon.       PAGKATAPOS ng isang oras na paghihintay kay Rommel ay nagpasya si Anne na umuwi na lang nang hindi pa rin ito dumating. Kanina pa rin niya tinatawagan ang cell phone nito subalit hindi  iyon sinasagot. Marahil ay napasarap ang tulog nito dahil napagod sa mahabang biyahe mula pa sa States kaya hindi ito nakarating sa usapan nila.           Habang palabas ng ospital ay ramdam niya ang pagsunod ng tingin sa kanya ng mga guwardiya ng ospital. Hindi na lang niya pinansin iyon. Sumakay siya ngtricycle at nagpahatid sa hacienda. Pagdating niya sa bahay ay kaagad na hinanap niya si Lola Marcela kay Aling Pilar. “Nasa silid na niya at nagpapahinga. Medyo napagod dahil umalis sila ni Gerson kanina. Magpapahain na ba ako ng hapunan mo, hija?” “Busog pa ho ako, ako na lang ho ang bahala mamaya. Si Gerson?” “Nasa silid na niya at nauna nang kumain kanina. Si Sir Nathan naman, simula nang dumating ay hindi pa uli lumalabas ng silid niya.” “Bumalik na si Nathan?” gulat na sabi niya. Kahapon lang ito umalis at sanay na siyang tuwing weekends ito bumabalik. Miyerkules pa lang ngayon. “Oo, Anne, at nagpahatid pa ng alak sa silid niya. Mukha rin siyang nakipag – away dahil puro sugat ang katawan niya nang dumating. Mainit din ang ulo at pati ako’y nasinghalan niya.” “Ganoon ho ba? Pagpasensyahan n’yo na lang ho. Baka may problema lang sa trabaho,” ani Anne at umakyat na sa hagdan patungo sa kanyang silid. Sa landing patungo sa second floor nakasalubong niya si Nathan. Nagulat siya nang makita ang hitsura nito. “My God, Nathan, anong nangyari sa ’yo?” Putok ang labi nito at namamaga ang kaliwang mata. Napansin din niya ang ilang galos sa mga braso nito. “Wala ito, I’m okay,” mahinang tugon nito. Aalukin pa sana niyang gamitin ito subalit nilagpasan na siya ng lalaki. Nagkibit – balikat na lang siyaat nagtungo na sa kanyang silid.     KAAGAD nagtungo sa hardin si Anne nang sabihin ng maid na dumating si Rommel at hinihintay siya nito roon. “My God, Rommel, what happened to you?” gulat na bulalas niya nang makita ang malaking black eye nito at sugat sa kaliwang kilay. May hinala siya na hindi lamang ang mga iyon ang sugat nito. Nakasuot ito ng jacket kaya hindi niya kita ang mga braso nito. “Nakipag – away ka ba?” Tinangka niyang hawakan ang nobyo sa mukha subalit umiwas ito. “Wala ito sa sakit na nararamdaman ko sa nalaman ko, Anne,” halatang nagpipigil ng galit na sabi ni Rommel.  “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Tell me, pinagtaksilan mo ba ako habang wala ako?” mariing tanong nito. “What?” gulat na sambit niya. “Tell me the truth, Anne. Sabihin mong walang namamagitan sa inyo ni Nathan.”           “Of course not! Walang namamagitan sa amin,” mabilis na kaila niya. “Should I believe you?” tila nasasaktang tanong nito. “Paano mo ipapaliwanag ang sinasabi niyang namagitan sa inyo sa hotel sa Maynila?”           “That was nothing!”           “Nothing?  For God’s shake, Anne, just tell me the truth!” “I’m telling you the truth but…” Humigot muna siya ng hininga bago nagpatuloy. “I admit na–attractako sa kanya noon. We kissed pero hanggang doon lang ‘yon. He wanted to explore what we had that time pero tinanggihan ko siya dahil nakapangako na ako sa ’yo.” “So, ngayong nagkita uli kayo at habang wala ako, ipinagpatuloy n’yo na ang sinimulan n’yo, ganoon ba?” “There’s nothing between me and Nathan! Bakit ba ayaw mong maniwala?”           “Why should I believe you? Tinanong kita noon sa coffee shop kung kilala mo s’ya but you laid to me!”           “Nasabi ko lang naman ‘yon dahil – ” “Tama na, Anne,” sabi nito habang umiling–iling. “Nagkamali ako ng pagkakakilala sa ’yo.” Tinalikuran na siya ni Rommel at nagmamadali na itong umalis. Tinangka pa niyang habulin ang nobyo subalit mabilis na itong sumakay sa kotse nito at pinaharurot iyon palayo.     ISANG malakas na sampal ang pinadapo ni Anne sa pisngi ni Nathan.           “Anong ginawa ko?” galit na tanong ng lalaki.           “Marami!” galit na galit na singhal niya. “Walang namamagitan sa atin, Nathan, pero bakit ‘yon ang sinabi mo kay Rommel?”           Ngumisi bigla ito. “Doon na rin naman tayo papunta, ‘di ba? Kaya tinulungan na  kitang sabihin sa kanya ang namamagitan sa atin.”           “There’s no us, Nathan! Bakit mo ba kami ginugulo?”           “Because I want to get my revenge!”           “Revenge for what?” “Gago ang boyfriend mo, Anne. Kasalanan ni Rommel kung bakit hindi agad ako nakabalik dito sa hacienda. Sinulatan ko siya noon, tinanong ko siya tungkol sa pagkamatay ni Lola pero wala siyang sinabi sa akin. Instead, sinabi niya na kayo na. Ginago n’ya ako alam mo ba ‘yon? Ginago n’ya ako!”           “Sandali, ang ibig mong sabihin alam ni Rommel kung nasaan ka dati pa?” gulat na gulat na niyang tanong.           “Oo!”           Hindi siya makapaniwala sa narinig. Paano nagawa ni Rommel na ilihim sa kanila ni Lola Marcela ang bagay na iyon? Nagpupuyos sa galit na walang paalam lumabas ng silid ni Nathan. Kailangan nilang magtuos ni Rommel.         “MY GOODNESS, Rommel, hindi ka ba talaga titigil sa kakainom?” galit na tanong ng kanyang mama nang pumasok ito sa kanyang silid. Hawak niya ang isang bote ng alak.           “Leave me alone, ‘Ma!” halos pasigaw na tugon niya.           “Leave you alone? Look at yourself, Rommel. Paano kita hahayaan kung ayaw mo man lang ipagamot ‘yang mga sugat mo.”           “It doesn’t matter because I feel nothing!”           Napabuntong – hiningang umupo ang mama niya sa kanyang tabi sa gilid ng kanyang kama. Tinapik – tapik pa nito ang balikat niya tila binibigyan siya ng suporta. Walang sinasabi ang mama niya pero sigurado si Rommel na alam na nito ang nangyari sa ospital.Napapikit siya nang muling maalala ang ginawang kataksilan ni Anne. Ang buong akala niya nang umalis ay secured na siya na hindi na ito maagaw ni Nathan sa kanya. “Assure me that nothing’s gonna change between us now that he came back.” Ani Rommel kay Anne nang sumunod na araw matapos nilang muling makita si Jonathan. “Baka maging close na naman kayo at hindi ko maipapangako na hindi ako magseselos.” “Galit nga ako sa kanya, ‘di ba?” “Just assure me, Anne,” giit pa niya. Maybe he was overreacting pero kinatatakutan talaga niya ang pagbabalik ni Nathan sa buhay nila.He was a beast to her before and Jonathan was her Prince Charming. And he still looked like one. Hindi imposibleng maagaw nito si Anne sa kanya. Hinawakan siya nito sa mukha at sandaling siniil ng halik sa kanyang mga labi. “I love you, I love you, I love you. Erase those crazy thoughts in your mind dahil walang magbabago sa atin dahil lang bumalik na si Jonathan,”pagbibigay-assurance nito sa kanya. Gumaang ang loob niya sa sinabi ni Anne. Matagal na naghinang ang kanilang mga labi bago sila mahigpit na nagyakap. Sa pamamagitan ng yakap ay ibinigay nito sa kanya ang assurance na kailangan niya. She even agreed to marry him. Pero nagkamali si Rommel. Nasa States pa lang siya ay ilang kamag – anak at mga kaibigan niya ang nagsabi sa kanya na madalas makita ng mga ito na kasama ni Anne si Nathan. Ipinagwalang - bahala lang niya iyon dahil magkaibigan na naman ang dalawa pero hindi pala mapagkakatiwalaan ang kanyang nobya. “I love her so much, ‘Ma,” hindi pa rin niya napigilang sabihin sa kabila ng sakit na nararamdaman.           Napabuntong – hininga ang kanyang mama. “You’ll get better, son.Let me take care of your wounds first and then take some rest. Hindi pa huli ang lahat,maari mo pa siyang mabawi.”           Hindi siya kumibo. Pero nang kunin ng mama niya ang medicine kit at inumpisahan nitong gamutin siya ay hindi na siya nagreklamo.         NAKARAMDAM ng bahagyang pagkaasiwa si Anne nang makaharap ang mama ni Rommel nang magtungo siya sa mansiyon ng mga ito sa Hacienda Custodio. Halata sa aristokratang mukha nito na batid na ng ginang na may hindi sila pagkakaunawaan ng anak nito.           “The rumors about you and Nathan, it isn’t true, right?” prangkang wika ng ginang pagkatapos niyang batiin ito.           Mabilis siyang tumango. “I have loved Rommel since I was sixteen, Mama Lyn. Hindi ko magagawang saktan siya.”             Biglang ngumiti ito. “I know, Anne. Nabubulagan lang ang anak ko, but he’ll realize his mistake later on.”             Nakahinga siya nang maluwag sa kanyang narinig. “Puwede ko ho ba siyang makausap?”           “He’s in his room. He was worse until this morning but he’s fine now. Puntahan mo na lang siya.”           Nagpasalamat si Anne sa ginang at kaagad na umakyat sa grand staircase patungo sa silid ni Rommel sa second floor. Sa tagal ng pagkakakilala nila at dalas ng pagpunta niya sa bahay ng mga ito ay kabisado na niya ang bawat sulok ng mansiyon.Nakabukas ang pinto ng maluwang na silid ng binata kaya dere–diretso siyang pumasok. Wala si Rommel sa kama at kahit saang panig ng silid pero halatang naliligo ito sa banyo.           She sat at the edge of his bed while waiting for him. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng banyo. Halatang nagulat si Rommel nang makita siya. Subalit sandali lang. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito.“What are you doing here?” Iniiwas ni Anne ang tingin sa malapad na dibdib nito na naka – display sa kanyang panigin. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at hawak nito sa kamay ang isang tuwalya. Nang ibaling niya ang tingin sa mukha ng nobyo, muli niyang nakita ang black eye nito at sugat sa kilay. Nanlalalim ang mga mata nito at tila ilang araw nang hindi nakakapag – ahit. Gayunpaman ay tila mas guwapo pa ito at nagmukhang lalaking - lalaki.    Bahagyang ipinilig niya ang kanyang ulo at inalala ang dahilan ng pagpunta niya roon.  Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. “Gusto ko lang malaman kung totoo ang sinasabi ni Nathan na nagsulatan kayo dati.”           Halatang nagulat ito sa tanong niya at hindi nakapagsalita.She suddenly knew he was guilty.Napaka – transparent ng mukha nito kaya madalas alam agad niya kung ano ang nasa isip nito kahit hindi pa nito sabihin. “Totoo ba, Rommel?” may kalakasang muling tanong niya.           “Oo. Pero…”           “s**t, Rommel!” bulalas ni Anne. “Alam mo kung paano nangulila at nagdusa si Lola Marcela sa pagkawala ng apo niya, but all all long alam mo pala kung nasaan si Nathan.”           “No, I did not,” kaila nito. “Hindi ko alam na sa Portland na sila nakatira. Noong sumulat siya sa akin noon ay nasa North Carolina pa sila at isang beses lang ‘yon.Hindi kami nagsulatan gaya ng sinasabi niya.”           “Pero dapat itinama mo ang maling paniniwala niya na patay na ang lola niya.”           “I did. After a month, sinulatan ko uli siya. Hindi kinaya ng konsensya ko na paniwalain siya sa hindi totoo.”           “Walang sinabi si Nathan sa sulat na sinasabi mo. Dahil kung totoong sinulatan mo uli siya noon, matagal na sana siyang nakabalik dito.”           “Are you saying na nagsisinungaling ako?”           Hindi siya nakasagot. “Well, obviously mas paniniwalaan mo siya kaysa sa akin.” “Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa.Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lola Marcela ang ginawa mo,” katwiran ni Anne.           “She knew. Ako ang nagsabi kay Lola Marcela na nasa North Carolina sila noon.”           Bigla siyang napipilan. Hindi sinabi ni Lola Marcela sa kanya ang tungkol doon. Ang buong akala niya ay mismong ang detective ang nakatuklas kung nasaan noon sina Nathan.           Nanatili lang ang binatang nakatingin sa kanya. He was looking at her like a stranger.           “Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na,” pagkuwan ay sabi ni Rommel.  “Naipaliwanag ko na ang gusto mong malaman, I don’t care if you don’t believe in me.”           Kaagad bumalong ang luha sa kanyang mga mata sa biglang pagtataboy nito sa kanya. Subalit tinibayan niya ang kanyang kalooban. “You want me to believe you, pero hindi ka rin naniniwala sa sinasabi ko na walang namamagitan sa amin ni Nathan.”           “Oh, Anne, give it up. We’re over! Iwanmo na lang diyan ang singsing ko bago ka umalis,” anito at tinalikuran siya. Muling pumasok ito sa banyo.           Tuluyan na siyang napaiyak. He broke up with her just like that.Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, na naniwala ito sa kasinungalingan ni Nathan. She deserved it. She got her own karma, dahil hindi siya kaagad naniwala sa paliwanag nito noon na walang namamagitan dito at kay Nica. Pero tulad nito noon sa kanya ay hindi rin siya susuko. Ilang beses na nitong napatunayan sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Panahon na para siya naman ang magpakita ng effort para suyuin ito. Patutunayan niya kung gaano niya kamahal ito at hindi niya ipagpapalit kahit ilang Nathan pa ang dumating. Gayunpaman ay sinunod ni Anne ang sinabi ni Rommel. Labag man sa kanyang kalooban ay hinubad niya ang suot na engagement ring, isinama na rin niya ang bracelet na kabibigay lang nito sa kanya.Hahayaan muna niyang humupa ang galit nito at saka niya lalapitan uli ang lalaki. Ipinatong niya ang mga alahas sa ibabaw ng bedside table.Noon niya nakita ang basag na picture frame na may larawan nila sa ibabaw ng bedside table. Durog ang puso na lumabas siya sa silid nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD