Chapter 7

2748 Words
NAGKAROON ng maliit na handaan sa Hacienda Montemar isang linggo pagkatapos makalabas ni Lola Marcela sa ospital. Ipinilit talaga ng matanda ang party para maipakilala na rin nito ang mga apo sa mga kababayan. Nang gabing iyon, nang makaalis ng mga bisita, hindi natanggihan ni Anne si Gerson nang bigyan siya nito ng isang bote ng beer nang mapagawi siya sa balkonahe. She was already bit tipsy at that time dahil uminom din sila ng wine ng mga kasamahan niya sa ospital kanina. Lumabas lang siya para hintayin doon ang phone call ni Rommel dahil mahina ang signal sa kuwarto niya. Mahigit isang buwan na itong nasa States. Sa kasalukuyan ay hindi pa naman ito pumapalya sa pagtawag sa kanya araw – araw. "So you're engaged, Ate Anne," ani Gerson habang nakatingin ito sa kamay niya na may hawak na beer. Gerson was very comfortable calling her "Ate" dahil iyon ang turo ni Lola Marcela. Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang suot na singsing. "Yeah," tugon niya. "So, kumusta ang panliligaw mo kay Patricia?" pag – iiba niya ng usapan. Anak ni Mang Pido si Patricia na katiwalasa hacienda. Isang Nursing student si Patrician. Nawili na nang husto sa hacienda si Gerson at nagdeklara itong mag –e– enroll na sa kursong Agriculture sa susunod na semester sa isang unibersidad sa kanilang lalawigan na labis na ikinatuwa ni Lola Marcela. "Mahirap pero okay lang. Enjoy naman ako sa pagsisibak ng kahoy, eh," sabi nito. Nagkatawanan sila. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang makitang papalapit si Nathan. "Lola Marcela is looking for you, bro," ani Nathan sa kapatid nang makalapit na ito. "Oh, I thought she was already sleeping." Ipinatong ni Gerson ang hawak na beer sa pasimano. "Pupuntahan ko lang sandali si Lola, Ate Anne," paalam nito. "Kuya, ikaw na muna bahala kay Ate Anne, okay? I'll be back, huwag kayong aalis," sabi pa nito at nagmamadali nang nagtungo sa silid ni Lola Marcela. Sandali silang nagkatinginan ni Nathan bago niya tinalikuran ito; humarap siya sa pasimano ng balkonahe. Naiilang siya sa presensya nito. Pagkatapos nilang magtalo sa ospital noon ay hindi na sila muling nagkausap.Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang kumukuha ito ng beer sa icebox. Pagkatapos ay nilapitan siya. "Anne," pagkuha nito sa kanyang atensyon. Napalingon siya rito. "About the incident sa ospital. I'm sorry for what I did. Nabigla lang ako at nag – alala nang husto kay Lola kaya ko nasabi 'yon. Hindi ko man lang naisip na ikaw ang nag – alaga at nagmalasakit sa kanya noong umalis ako. Ni hindi pa kita nagawang pasalamatan." Mabuti alam mo. "Thank you, Anne, mapapatawad mo ba ako?" tanong nito. Hindi niya malaman ang isasagot. Nakatitig lang siya rito. "C'mon, Anne, naging matalik naman tayong magkaibigan noong mga bata pa tayo. At naging magkaibigan din tayo kaagad sa hotel noon..." Until he kissed her. Kung hindi sana nito ginawa iyon baka naging magkaibigan uli sila dahil hindi naman nito sinasadya na hindi kaagad bumalik sa San Rafael. Inilahad ni Nathan ang kamay. "Friends?" wika nito. Napabuntong – hininga siya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. It was a firm handshake. Pagkuwa'y muli niyang tinignan ang screen ng hawak na cell phone. Nagtataka siya kung bakit hindi pa tumatawag si Rommel. Buong araw na niyang hinihintay ang phone call nito at nang subukan naman niyang tawagan ito ay naka – off ang cell phone ng nobyo. "Missing your boyfriend?" tanong ni Nathan. "Yes," matipid na sagot niya habang nakayuko pa rin sa hawak na cell phone. "Small world isn't it. Nagkita na tayo sa Maynila pero hindi man lang natin nakilala ang isa't – isa." Napatingin siya rito. "Bakit hindi mo sinabi kay Lola Marcela na nagkita na tayo sa Manila six months ago?" Gusto niyang malaman ang motibo nito. "Bakit nagpanggap kang ngayon lang tayo uli nagkita magmula noong kunin ka ng mga magulang mo?" "Dahil gusto kong kalimutan na tinanggihan mo ako. Hindi ako sanay sa rejection, Anne." She was amused. Mayabang na pala ngayon ang Jonathan na nakilala niya. "Hindi pa rin ba napapatawad ng papa mo si Lola Marcela?" pag – iiba niya ng usapan. "Trust me, Anne, I already did everything para lang makumbinsi si Papa na bumalik dito at makipag – ayos kay Lola. Pero matigas ang puso niya, kaya for now tinigilan ko na muna siya." Tumango – tango siya. Sandaling namagitan sa kanila ang katahimikan. "Anne, remember the last time we talked in that hotel?" pagkuwan ay tanong nito. Bigla siyang kinabahan. "What about it?"Damn! Hindi na dapat niya binuksan ang topic na iyon na pilit na niyang kalimutan. "Can I visit you?" tanong ni Nathan nang sadyain siya nito sa silid nila ni Lourdes sa huling araw ng seminar nila. "What for Nathan?" "I told you, I really like you, Anne." Mabilis siyang umiling. "Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi ako naniniwala sa long – distance relationship kaya huwag ka nang mag – aksaya ng oras sa akin." "But we can find a way to work things out," giit pa nito. Muli siyang umiling. "Ikaw na rin ang nagsabi, nasa America ang buhay mo. Just in case, hindi ako aalis ng Pilipinas para lang makasama ka." "But why?" "It's my choice. Huwag na tayong mag – aksaya ng oras sa isa't – isa, Nathan, dahil sa bandang huli ay maghihiwalay rin tayo." "So this is good bye?" wika nito matapos ang mahabang sandali. "Yes, Nathan. Forget about me." "Now that I have discovered that Lola Marcela is still alive, I'm willing to stay here in the Philippines for the rest of my life, Anne. Hindi ko nakakalimutan na tinanggihan mo ako noon dahil pansamantala lang ako rito sa Pilipinas. But now that I'm staying we could –" "Nathan, no," putol niya sa sinasabi ni Nathan. "Hindi lang iyon ang dahilan. Wala na kaming relasyon ni Rommel noon but we still love each other. Nangako ako na hihintayin ko siya. "Pero gumanti ka sa mga halik ko noon," giit pa nito. "It was a mistake!" Ang pagtugon sa mga halik ni Nathan ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya sa buong buhay. Anyong sasagot pa ito subalit naunahan ng tinig ni Gerson. "What did I miss?" Napalingon si Anne nang marinig ang tanong na iyon ni Gerson. Si Nathan ang sumagot. "Nothing.We're just talking about our childhood memories. We grew up together, bro." "Yeah, tell me more about it." Lumapit si Gerson sa icebox; kumuha ng panibagong beer at lumapit sa kanila. Ilang sandali pa ay masaya na niyang kakuwentuhan ang magkapatid. "ANNE, nasa baba na 'yong sundo mo." Napatigil si Anne sa pag – aayos ng kanyang mga gamit sa locker room nang marinig ang sinabing iyon ni Yvette. "Ang suwerte mo naman, kahit wala si Doc Rommel, may guwapo pa ring sumusundo sa'yo," sabi pa nito. Pinigilan niyang mapabuntong – hininga; ngumiti siya nang matipid. Batid niyang si Nathan ang tinutukoy ni Yvette na sundo niya. Masasabi niyang magkaibigan na uli sila ng binata. Pursigido itong sunduin siya mula sa trabaho kahit na pinagbabawalan niya ito. Tila kasi nanliligaw si Nathan sa kanya subalit hindi ito nakikinig. Sa umaga ay nagagawa niyang takasan ito subalit patuloy pa rin ito sa pagpunta sa ospital sa oras ng uwian niya. Hindi siya naniniwala sa dahilan nito na utos iyon ni Lola Marcela at walang ibig sabihin ang pagsundo sa kanya. Nang matapos siya sa pag – aayos ng kanyang gamit ay nagpaalam na siya sa kaibigan at kaagad na nagtungo sa lobby. Ngumiti kaagad si Nathan nang makita siya. "Hi!" anito at hinalikan siya sa pisngi. Pasimpleng inilibot niya ang tingin sa paligid kung may malisyosong mga mata ang nakatingin sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag nang makitangwalang nakatingin sa kanila at abala rin ang receptionist sa counter. Nagpatiuna na siyang lumabas ng ospital. Nakasakay na sila sa sasakyan nito nang magsalita si Nathan. "Dumaan muna tayo sa mall, I have to shop some things." Anyong magpo – protesta siya nang muling magsalita ito. "Please, Anne, samahan mo na ako. Magkaibigan naman tayo, 'di ba?" Napabuntong – hininga siya. "I'll call up Lola Marcela first." "Don't bother, pinagpaalam na kita sa kanya. Nandoon naman si Gerson at 'yong nurse sa bahay, you don't have to worry about her."Dahil abala si Gerson sa hacienda at lumuluwas si Nathan sa Maynila, siya naman ay may trabaho rin. Nagdesisyon si Nathan na kumuha na lang ng private nurse na makakasama at magmo – monitor sa kalusugan ng matanda. "Okay." Pinili ni Anne na manahimik hanggang sa makarating sila sa mall. Namili ito ng mga personal na gamit. Bumili rin ito ng mga polo shirt at siya ang taga – critic kung bagay ba rito o hindi ang mga iyon. Doon na rin sila kumain ng maagang hapunan. Walang nangyari sa kanyang pagpoprotesta nang hilahin siya nito sa direksyon ng mga sinehan pagkatapos. Habang naglalakad sila, hindi niya naiwasang ikumpara ang binata kay Rommel. Kapag kasi nagpupunta sila ni Rommel sa mall ay lagi muna nitong tinatanong kung saan niya gusting pumunta o kung may gusto siyang bilhin o kainin bago sila magtungo sa gustong puntahan nito. Hindi rin maaring lalabas sila sa mall na wala itong bibilhin para sa kanya na karaniwan ay perfume, stuffed stoys, bag at kung ano – ano pa. Samantalang si Nathan ay hindi man lang siya naalalang bilhan kahit panyo. Hindi naman niya hinangad na may bilhin ito para sa kanya subalit ayon sa pagkatao ng Jonathan na nakilala niya noon na sweet,thoughtful at generous, tila hindi na ito ang dating kaibigan niya. "Boring 'yan, Anne,"ani Nathan nang ituro niya rito ang poster ng bagong movie ni Drew Barrymore na gusto niyang panoorin. "Ito na lang," sabi nito at itinuro ang isang sci – fi movie. Walang salitang iniwan siya ni Nathan at pumila na sa ticketing booth. Kaagad sumama ang kanyang loob sa ginawa nito. Naalala na naman niya si Rommel. Kapag kasi nanonood sila ng sine, kung ano ang gusto niyang panoorin, iyon ang pinapanood nila. Saka na ang action movie na gusto nito kapag may oras pa sila. Lagi ang kaligayahan muna niya ang inuuna nito. Napabuntong – hininga. Miss na miss na talaga niya ang kanyang nobyo. "Try to watch the movie, Anne. Number one ito ngayon sa States," bulong ni Nathan nang nakaupo na sila sa balcony. Hindi siya kumibo. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at pumikit. Imahen ng kanyang nobyo ang nakita niya. She really couldn't wait to see him. Ilang araw na lang at babalik na ito. Base sa pag – uusap nila sa telepono, gusto nitong mamanhikan na sa kanila isang linggo pagkatapos nitong makabalik. She couldn't wait to start a family with him. She would take care of him this time dahil lagi na lang ito ang nag – aalaga sa kanya. Kung sakaling hihilingin nitong mag-resign siya sa trabaho ay gagawin niya.Babawi siya rito nang husto. Hindi namalayan ni Anne na nakatulog pala siya. Naalimpungatan siya nang maramdaman ang mga labi na humahalik sa mukha niya. Dumilat siya at kaagad na napaurong sa pagkagulat nang makita ang mukha ni Nathan na nakatunghay sa kanya. "Don't move, sweetheart. I just wanna kiss you," bulong nito. Humawak muna ang kamay nito sa tagiliran niya bago muling yumuko. "No!" Sa pisngi niya lumapat ang mga labi nito dahil sa mabilis niyang pag – iwas. "Please don't fight, Anne, I know you want it, too." Kaagad uminit ang ulo niya sa narinig. Ubos-lakas na itinulak niya ito na sinundan pa niya ng malakas na sampal sa pisngi. Tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng sinehan. NAMANGHA si Anne sa nakitang malaking flower arrangement na nakapatong sa counter pagbalik niya sa nurses' station pagkatapos magsagawa ng rounds. "Para kanino ang mga bulaklak?" tanong niya sa mga kasamahan at sa head nurse nila na kasalukuyang kumakain ng chocolate. Ipinatong niya ang mga hawak nyang charts sa counter at hindi napigilang samyuhin ang isang bulaklak. "For you, honey." Sandali siyang nanigas sa kinatatayuan at dahan – dahang lumingon pagkarinig sa boses mula sa kanyang likuran. "Rommel?" hindi makapaniwalang sambit niya nang makita ang kanyang nobyo. "Ako nga, Anne," ngiting – ngiting sagot ng binata. Hindi niya napigilan ang sarili;pasugod na yumakap siya rito. Sandaling pinagsawa nila ang mga sarili sa mahigpit na yakap ng isa't - isa bago nagtagpo ang kanilang mga labi. "Okay, lovers, nasa ospital po tayo," paalala ng head nurse nila na mahina pang pumalakpak para kunin ang atensyon nila. Natatawang bumitiw sila ni Rommel sa isa't-isa. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka na pala?" sita niya sa nobyo. "Because I wanted to surprise you, honey," ngiting – ngiting tugon nito. Binalingan nito ang head nurse nila. "Puwede ko ba munang hiramin si Anne?" "Oh, sure, Doc.Thanks again sa chocolates," tugon nito at binalingan siya."You can take your break now, Anne." Sandaling kinuha muna ni Anne ang kinuha kanyang jacket at bag sa locker room bago sa kanyang nobyo. Sa isang Chinese restaurant malapit sa ospital sila nagtungo. "Did you miss me, honey?" paglalambing ng nobyo habang hinihintay nilang i - serve ang brunch nila. Ginagap nito ang kanyang kamay at nilaru – laro ang kanyang mga daliri. "Yes, honey. I missed you so much. Please don't go away again," nakikiusap ang mga matang sabi niya. "I promise, not again. Ang hirap pala.Mas mahirap pa noong nasa Maynila ako." "Sinabi mo pa." Nang dumating ang order nila ay magana silang kumain habang patuloy pa rin sa kuwentuhan. Tapos na silang kumain ng iabot ni Rommel ang isang rectangular jewelry box. "Para saan 'to?" taking-tanong niya. "May gift," tila bale-walang sabi nito. May ideya na siyang alahas ang laman ng box dahil sa naka – engraved na "Cartier" sa labas niyon.Gayunpaman ay napanganga pa rin siya nang makita ang isang diamond bracelet nang buksan niya ang box. "Rommel?" tanging nasabi niya. She knew it was expensive. Kinuha nito ang bracelet at ito mismo ang magsuot sa braso niya. "This is my way of saying thank you for waiting for me." Bigla niyang inilayo rito ang kanyang braso. "Pero masyado ka nang maraming naibigay sa akin," tutol niya. "Hindi ko yata matatanggap 'yan, Rommel." "Anne, I told you, lahat ng kaya kong ibigay, ibibigay ko mapasaya ka lang. Kahit sarili kong kaligayahan." Lumukso ang puso niya sa kanyang narinig. Naalala niyang sinabi nito sa kanya ang katagang iyon noong hindi na ito tumutol na maging magkaibigan na lang sila habang nasa Maynila pa ang nobyo. Tila sinamantala nito ang pagkatigalgal niya at mabilis na isinuot nito sa kanya ang bracelet. "See? Bagay sa'yo," anito matapos nitong maisuot sa kanya ang alahas. "Rommel, hindi mo na kailangang busugin ako ng regalo. Sapat na sa akin ang pag – ibig mo." He smiled broadly and then he planted a quick kiss on her lips. "Hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin, Anne. Alam mo bang pareho kayo ni Mama na binigyan ko ng ganyan?" sabi nito na habang hawak ang kanyang kamay. Sandali siyang natigilan,pagkatapos ay ngumiti. "Thank you," nasabi na lang niya." "It's nothing, honey. I'll fetch you later, okay?" Tumango siya. "May sasabihin din ako sa'yo." "What about it?" "Mamaya na lang." Balak nang sabihin ni Anne kay Rommel ang ginawang pambabastos sa kanya ni Nathan; hindi tamang maglihim siya rito. Siguradong magagalit ito ngunit gagawin na lang niya ang lahat para hindi na nito awayin si Nathan at hindi na magkagulo pa. Magpapatulong na rin siya na maghanap ng malilipatan. Pagkatapos siyang gawan ng masama ni Nathan sa loob ng sinehan, hindi na talaga niya gustong makasama pa ito sa isang bubong kahit pa sabihing paalis – alis din naman ito. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Nathan at biglang nagbago ito at nagbinata na bastos at tila isang manyakis. Malayong – malayo na ito sa Jonathan na kababata niya at ginusto pa niyang maging boyfriend noong bata pa siya. Marahil ay na impluwensiyahan ito ng kultura ng bansang kinikilala nito ngayon kaya ito nagkaganoon. Nathan was currently in Manila. Ang nakakagalit pa nang husto ay ni hindi man lang ito nagtangkang mag – apologize sa kanya bago umalis. Mag – iisip na lang siya ng ibang maidadahilan kay Lola Marcela kung bakit siya lilipat dahil hindi rin niya kayang sabihin sa matanda ang ginawa ng pinakamamahal nitong apo. Natatakot siya na bigla na naman itong atakihin sa puso. Tinawag na ni Rommel ang waiter at binayaran ang bill nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD