Chapter 6

2059 Words
"JAPAN?" gulat na bulalas ni Anne kay Rommel habang naglalakad sila sa loob ng mall. Naghahanap sila ng ipanreregalo sa kaarawan ng pinsan nitong si Marion sa darating na Sabado.  Marion was living in Manila at luluwas sila ni Rommel para um–attend sa kaarawan nito. Close sila ng babae at ito rin ang pinaka – close ni Rommel sa lahat ng mga pinsan nito. Ipinagpaalam na siya ng nobyo kay Lola Marcela at pumayag naman ito. Ngayong may maiiwan nang titingin kay Lola Marcela na kamag – anak ay kampante na siyang iwanan ito sandali. Wala pa namang plano si Gerson na umalis ng hacienda at bumalik sa Portland. Si Nathan naman ay bumabalik sa hacienda tuwing Biyernes ng gabi at muling umaalis tuwing Lunes ng umaga dahil sa trabaho nito sa Maynila. Sinadya rin ni Anne na bahagyang dumistansya kay Lola Amelia nitong mga nakalipas na araw. Hinayaan niyang makasama ng matanda ang mga apo nito. Pagkatapos ng trabaho ay sila ni Rommel ang magkasama; madalas ay doon lang sila sa bahay nito at gabi na kung ihatid siya. But every morning, nakakasabay nila sa breakfast ni Lola Marcela si Gerson kaya kaagad silang nagkasundo ng lalaki. Gusto ni Rommel na sumama sila sa mga pinsan nito na magliliwaliw sa Japandalawang linggo mula noon. "Hindi pa tayo nakakapag-travel out of the country, why don't we do it this time?" sabi pa nito. "Ilang araw ba tayo roon?" tanong ni Anne. Maayos man ang kalusugan ni Lola Marcela at laging masigla,hindi pa rin niya gustong iwanan ito nang matagal. Mag – aalala at mag – aalala pa rin siya rito. "At least a week. Kung gusto mo, magpakasal na rin tayo roon para deretso honeymoon na," nakangising biro nito. Napalo niya bigla ang kamay nitong nakapatong sa kanyang balikat. "Sira ka talaga.Pero parang masyadong matagal ang one week." "Maikli pa nga 'yon, eh. So, payag ka na?" "Pag – iisipan ko muna." "Okay, just let me know ASAP. Para makapagpa – book na ako kay Liz," ani Rommel, na ang tinutukoy ay ang pinsan nitong may sariling travel agency. Pumasok sila sa department store.Ilang sandali pa ay naging abala na sila sa pamimili. Bukod sa ireregalo nila kay Marion, gaya ng dati ay ibinili rin siya nito ng kung anong magustuhan nito para sa kanya. Hindi na niya kinontra si Rommel dahil sa tagal ng pagkakakilala niya rito, batid niyang magagalit at magtatampo ito kapag tumatanggi siya sa ibinibigay nito. He was so generous to her. Para makabawi ay binibilhan din niya si Rommel ng kahit anong magustuhan niya para ditto na kadalasan ay ito pa rin ang nagbabayad. Umakyat sila sa sinehan pagkatapos. They watched a romantic comedy film na ilang araw na niyang gustong panoorin. Sa loob ng sinehan ay muli niyang napatunayan kung gaano ito ka-gentleman si Rommel. Nakuntento lang itong nakaakbay sa kanya at magkadaop ang kanilang mga kamay habang nanonood sila. Paminsan – minsan ay hinahalikan nito ang ulo niya but he never kissed her on the lips. Hinalikan lang siya nito sa mga labi bago ito umalis pagkahatid sa kanya. Pagkaalis ng sasakyan ni Rommel ay pumasok na siya sa gate. Malapit na siya sa front door nang mapatingin siya sa balkonahe. Nakita niyang nakatayo roon si Nathan. Itinaas nito ang hawak na beer bilang pagbati. Tinanguhan niya ito at pumasok na siya sa bahay. "I CAN'T BELIEVE IT, kayo na talaga uli?" kunwaring hindi makapaniwalang sabi ni Matt kina Anne at Rommel. Pinsan ito ni Rommel sa father side at kasing – edad ng kanyang nobyo . "Anong nakakagulat doon?" asik ni Rommel sa pinsan. "Mahal naman talaga namin ni Anne ang isa't – isa dati pa ah." "Yeah, right. Pero, Anne, alam mo na ba ang mga kalokohang ginawa nito noong bumalik ka sa San Rafael?" tanong pa ni Matt. "Tell me bout it," curious na sabi niya. "Shut up, Matt! Baka maniwala si Anne, sa'yo," maagap na sabi ni Rommel. Kinuha nito ang flute na hawak niya at ibinaba sa kalapit na table. "Mingle with the other guests, cousin. Sasayaw na lang kami ni Anne kaysa makinig sa sinasabi mo." At hinila na siya ng nobyo sa dance floor.Tatawa – tawang sinundan lang sila ng tingin ni Matt. Napangiti na lang siya sa inakto ng kanyang nobyo. Kahit ano namang sabihin ni Matt ay hindi magbabago ang pagtingin niya kay Rommel. Pagdating sa dance floor ay kaagad na hinapit siya nito at ipinulupot naman niya ang mga braso sa leeg nito. "Enjoying the party?"masuyong tanong ni Rommel habang mabagal silang nagsasayaw.Hindi slow music ang tugtog pero slow dancing ang ginagawa nila. Walang pakialam si Anne sa iisipin ng makakakita sa kanila. Wala naman sa ibang pares ang atensyon nila kundi sa isa't – isa. "Yes," tugon niya. "I missed your cousins and friends." Totoo sa loob na sabi niya. Mahigit apat na taon din siyang nag – stay sa Maynila at naging malapit din siya sa mga kaibigan at mga kamag – anak ng nobyo. Pumayag na siyang sumama sa Japan at iyon ang pinag – usapan nila ng mga pinsan nito kanina. Sabay silang napalingon ni Rommel nang dumaan sa tabi nila ang isang matangkad, sexy at magandang babae. Agaw-atensyon ang suot nitong evening dress kaya pati ilang bisita ay napatingin dito. Binawi niya ang tingin mula sa babae nang makalapit ito kay Marion at ibinalik niya ang tingin sa nobyo.Nahuli niyang nakatingin pa rin ito sa babae. "Ehem," papansin niya. "Mukhang interesado ka sa kanya, ah," nakataas ang isang kilay na sabi niya. "Of course not!" anito at mabilis na tumingin sa kanya. "Sino 'yon?" "Ex – girlfriend ni Matt.Iwas looking at her dahil matagal ko s'yang hindi nakita." "Do you find her beautiful?" "Yes, I do but – " "Kung mag–break na lang kaya tayo?" walang kangiti – ngiting hamon niya. "What?" nabiglang tanong ni Rommel. "No way! Hindi ako papayag. Maganda siya pero mas maganda ka pa rin. And she's not even my type!" Natawa siya. "Nagbibiro lang ako. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo." She was just trying to tease him. Dahil ganoon ang ugali niya dati, laging wala sa lugar ang pagseselos. Tila relieved na muling hinapit siya nito at niyakap."I've changed. I'm sorry sa dating ugali ko. I was so immature at inconsiderate back then. But I'm more mature now. Trust me, I've reallychanged," bulong niya rito. "I know, Anne, I know," pabulong ding tugon nito. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa nobyo. Matagal sila sa ganoong posisyon nang muli itong bumulong sa kanya. "I have something to tell you." "Tungkol saan?" Sa halip na sumagot ay kumalas ito sa kanya at hinila siya paalis sa dance floor. Naghanap sila ng pribadong lugar pero wala silang nakita dahil nagkalat ang mga bisita sa malawak na bakuran at buong kabahayan. Sa halip ay dinala siya ng nobyo sa inookopa nitong silid kapag naroon ito sa Maynila. Doon ito tumira noong nag – aaral pa. Naroon na rin ang mga gamit nila; bukas ng hapon pa sila nakatakdang bumalik sa San Rafael. Nakatakda siyang matutulog kasama ito sa kuwartong iyon; lahat kasi ng mga guests room ay okupado na. Wala namang problema iyon sa kanya, hindi na mabilang kung ilang beses silang natulog na magkasama hindi lamang sa kuwartong iyon kundi pati na rin sa tinirahan niyang apartment sa Maynila. Pabagsak siyang naupo sa sofa. "Ano ba 'yong sasabihin mo at kailangan pa natin ng privacy?" Tumabi si Rommel sa kanya. "Did you know about the leadership training program sa States na sasalihan ng ospital natin?" seryosong tanong nito. "Oo. 'Di ba sina Doctor Mercado at Doctor Obrejo ang ipapadala roon?" "I'm also one of them. Tatlo kaming aalis, Anne." Nabigla siya at hindi nakapagsalita. Ang isiping hindi niya makikita si Rommel sa loob ng susunod na tatlong buwan ay ikinalungkot niya. Wala pa man ay tila gusto na niyang maiyak. Hinawakan ng kanyang nobyo ang mga kamay niya. "I really don't want to go but very insisted si Auntie na kasama ako sa aalis." Ang medical director nila na tita ni Rommel ang tinutukoy nito. "It would also be a great opportunity for me and the hospital. Ayaw sana kitang iwan dahil kauumpisa lang uli ng relasyon natin but I really have to go, Anne." Pilit siyang ngumiti. "Lagot ka talaga sa tita mo kapag hindi ka umalis." "Yeah," pagsang – ayon nito. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Mabilis lang naman lumipas ang tatlong buwan, Rommel. Before we know it nakabalik ka na." "I know you don't believe in long – distance relationship but you gonna wait for me, right?" Kaagad siyang tumango. Sa pagkakataong iyon ay nakahanda siyang sumugal at magtiwala. Pipilitin din niyang hindi mag – isip ng kung ano – ano. Biglang tumayo ang kanyang nobyo. Mula sa suot na slacks ay may inilabas itong maliit na itim na jewelry box at biglang lumuhod sa harapan niya. Binuksan nito ang jewelry box at iniharap sa kanya. "Dapat ibibigay ko 'to sa'yo kapag nasa Japan na tayo. Pero hindi na ako makapaghintay, magpapakasal ka ba sa akin pagbalik ko, Anne?" masuyong tanong nito subalit halata pa rin ang bahagyang kaba sa tinig. "Rommel..." usal niya habang nakatitig siya sa kumikinang na diamond ring sa harap niya. She was really surprised. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang muli silang magkaroon ng relasyon ngunit gusto na kaagad nitong pakasalan siya. Halos hindi siya makapaniwala. "Please say yes, Annika Docher," halata ang kaba na sabi pa nito. Teary – eyed na tumango siya. "Of course, Rommel, I'll marry you." Kaagad na isinuot nito sa kanyang daliri ang singsing at mahigpit silang nagyakap. Hindi na sila bumalik sa party at in – enjoy na lang nila ang pagkakataon na magkasama. LAKAD – TAKBO ang ginawa ni Anne makarating lang kaagad sa ER.Dumaing ng paninikip ng dibdib si Lola Marcela kaya kaagad itong isinugod ni Gerson sa ospital. Kaagad niyang hinanap si Lola Marcela sa isa sa mga cubicle sa ER. Nang makita niya ito, naabutan niyang sinusuri na ang matanda ni Dr. Castro habang nakapikit ang mga mata nito at walang malay. "How is she, Doc?" kinakabahang tanong niya habang bahagyang hinihingal. Ngumiti si Dr. Castro. "She's fine, Anne. But she almost suffered a heart attack. Mabuti na lang nadala siya kaagad dito." Nakahinga siya nang maluwag sa kanyang narinig. "Pero kailangan pa rin siyang i – admit para maobserbahan siya," dagdag ng doktor. Tumango siya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang doktor. Nilapitan niya si Lola Marcela at hinaplos ang mukha nito habang umuusal siya ng pasasalamat sa Maykapal. Lumapit si Gerson hawak ang cell phone nito. "I called up Kuya, Ate Anne. He's on his way here." Tumango siya at sinabi rito ang sinabi sa kanya ni Dr. Castro.Alam na rin pala nitong safe na si Lola Marcela. Iniwan niya ang matanda kay Gerson upang asikasuhin ang admission ni Lola Marcela. SI NATHAN ang nadatnan ni Anne sa loob ng hospital room ni Lola Marcela nang bumalik siya mula sa mansiyon matapos niyang kumuha ng gamit ng matanda. "Kumusta si Lola?" tanong niya bago ipinatong ang dalang bag sa naroong sofa. Hindi sumagot ang lalaki; bagkus ay lumakad ito palapit sa kanya. Nabigla siya nang biglang hinawakan siya sa braso at hinila palabas ng silid. "Ano bang problema mo?" angil niya rito nang makalabas na sila. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may sakit pala sa puso si Lola?" galit na tanong ni Nathan. Pumiksi siya. "I told you,marami ng sakit si Lola. Pero regular naman ang check – up at maintenance n'ya." "Oh, really? That's why she's here," sarcastic na sabi nito. "Are you saying na pinabayaan ko si Lola? Wala tayong kontrol sa sitwasyon, Nathan, at ganoon din ang mga doktor." Tila sasagot pa sana si Nathan pero napansin nito ang ilang nurse na nakatingin sa kanila. Nagbukasan din ang mga pinto ng iba pang silid at nagsilipan ang mga bantay roon dahil sa nilikha nilang ingay. "Hindi pa tayo tapos!" anito; muling pumasok sa silid ni Lola Marcela. Napabuntong – hininga si Anne. Minabuti niyang hindi na muna pumasok sa loob ng silid ng matanda hanggang naroon pa si Nathan. Nagtungo na lang siya sa nurses' station at doon nagtanong sa kondisyon ni Lola Marcela. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD