Chapter Five

1126 Words
Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na si Lola. Saglit na pinagmasdan niya ang paligid ng hacienda mula sa balkonahe ng kanyang silid. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang pang-umagang ihip ng hangin at saglit na ipinikit ang mga mata. Napangiti siya pagkatapos ay dali-daling muling pumasok sa kanyang silid at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa pinto ng banyo at agad na binuksan ang kanyang cabinet upang kumuha ng damit. Mabilis niyang isinuot ang puting long sleeves na tinernohan niya ng isang maong na pantalon pagkatapos ay ipinaloob niya ang laylayan ng kanyang long sleeves sa loob ng kanyang pantalon. At dahil mangangabayo siya'y isang itim na boots ang kanyang isunuot pagkatapos ay bumaling siya sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang itsura. Pinasadahan na rin niya ng suklay ang hanggang balikat na buhok at pagkatapos ay itinali ito nang sa gayon ay hindi maging sagabal kapag mabilis na niyang pinapatakbo si Windy mamaya. Tinungo niya ang pinto ng kanyang silid at saka siya lumabas. Pagbaba niya ng hagdan ay agad na nagtungo siya sa kusina upang uminom ng kape. "Good morning, Yaya Meding." nakangiting pagbati niya sa matanda na abala sa pagluluto ng almusal. Nilingon naman siya nito. "Magandang umaga, senyorita, gising ka na pala." wika ng matanda at muling itinuon ang mga mata sa niluluto nito. "Alam n'yo naman na kapag nandito ako ay maaga akong nagigising upang mangabayo." Nakangiting tugon niya pagkatapos ay umupo sa mataas na upuan na nasa kitchen counter. "O, siya, mag-almusal ka na." Inilapag nito sa kanyang harapan ang mga pagkaing niluto. "Hindi na. Magkakape lang po ko ngayon." "Ganu'n ba? Sige, saglit lang at ipagtitimpla kita." "Salamat po. Gising na po ba ang Papa?" Inilapag muna ng matanda ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan bago ito magsalita. "Oo, maagang naunang nagising ang Papa mo. Nagkape lang din bago tumungo sa kwadra." "Tahimik siyang tumango at saka dinala ang tasa ng kape sa kanyang bibig at saglit na uminom ng kape. Habang nagkakape si Lola, ay nanatili ang kanyang Yaya Meding sa kusina upang samahan siya. "Siya nga pala kung lilibot ka sa buong hacienda ay 'wag ka sanang lalayo at magtungo sa masukal na parte ng hacienda," paalala ni Meding. Napaangat ang kanyang tingin at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit naman po? "Hindi na katulad ng dati ang bayan natin, anak. Nitong nakalipas na taon ay dumami ang mga taong labas at madalas ay may napapabalitang engkwentro ng mga sundalo laban sa mga rebelde." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Lola, at kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi ng kanyang Yaya Meding. "Ya, ang Hacienda el Abra ay pribadong pagmamay-ari ng mga Castillon. At isa pa parte ng hacienda ang dulong bahagi ng lupain kung saan nandoon ang masukal na parte nito." "Naku! Wag ka nang umangal pa. Makinig ka na lamang anak at para rin ito sa ikakabuti mo. Kahit pa sabihin natin na pribadong lugar ito ay hindi tayo nakakasiguro na hindi pumapasok ang mga taong labas sa dulong bahagi ng hacienda dahil walang bakod ang lupain na iyon dahil masukal na parte na iyon ng hacienda niyo." "Hay!" isang buntong-hininga na lamang ang naging tugon niya sa kanya Yaya Meding. Alam niyang kapag sumagot pa siya ay mas lalo lamang hahaba ang pag-uusap na iyon. Ang ginawa na lamang niya ay ipinagpatuloy ang pag-inom sa kanyang kape. Hindi na muling nagsalita pa ang kanyang Yaya Meding at inabala na lamang nito ang pagliligpit ng mga kalat sa kusina. Inubos niya ang kape at pagkatapos ay tumayo na rin. "Yaya, alis na po ako," paalam niya sa matanda pagkatapos. Mabilis na tumalikod sat lumakad palabas ng kusina. "Mag-iingat ka, anak." Pahabol na paalala ng kawaksi bago pa man siya tuluyang makalabas ng kusina. "Opo," tugon niya at tuloy-tuloy na naglakad siya palabas ng mansiyon upang magtungo sa kwadra. Habang naglalakad siya palapit sa kwadra ay agad na natanaw niya ang kanyang Papa na si Don Mattias Castillon. Binilisan niya ang kanyang paglalakad. "Pa!" malakas na pagtawag niya sa kanyang Papa, habang papalapit siya sa mga ito. Agad naman na nakuha niya ang atensyon ng kanyang Papa, at napangit ito sa kanya habang papalapit siya. "O, hija, mukhang maaga ka yata ngayon?" nakangiting wika ng kanyang ama. Pagkatapos ay agad na hinalikan siya sa kanyang pisngi ng makalapit siya sa mga ito. "Pa, alam n'yo naman na tuwing narito ako sa hacienda ay nangangabayo ako." Tugon niya sa kanyang ama pagkatapos ay tumingin siya sa katiwala ng kanyang ama."Hindi ba, Mang Caloy?" nakangiting pahabol na wika niya sa katiwala ng kanyang ama. "Opo, señorita. Teka po, si Windy po ba ang gagamitin mo sa pangangabayo?" tanong ng matandang katiwala sa hacienda. "Of course!" Mabilis at magiliw na tugon niya. "Saglit lang po señorita at ilalabas ko si Windy sa kanyang kwadra." Pagkatapos ay mabilis na naglakad ito papasok sa kwadra upang kunin ang kanyang paboritong kabayo na si Windy. Habang hinihintay niya ang kanyang kabayo na mailabas sa kwadra ay nagsalita ang kanyang ama. "Lola, wag kang masyadong lalayo ng hacienda." wika ng kanyang ama na nakatingin sa kanya. Napangisi ang dalaga dahil mukhang may idea na siya kung bakit. Dahil ganun din ang sinabi sa kanya ng kanyang Yaya Meding, kanina habang nagkakape siya. "Pa, naman. Bakit ba pati ikaw ay binabawalan akong lumayo sa hacienda," nakangising tugon niya sa kanyang ama. "Anak, hindi mo alam ang nangyari sa bayan natin dahil sa Maynila ka namamalagi." Magsasalita pa sana siya ng makita niyang hawak na niang Caloy si Windy. "Windy!" masayang pagtawag niya sa pangalan Ng kanyang kabayo ng nasa tabi na niya ito. "Ito na po ang kabayo n'yo, señorita, "wika ni Mang Caloy. Masayang hinaplos-haplos ni Lola, ang pisngi ng kanyang kabayo. Mukhang masaya rin na muli siyang makita ni Windy, dahil humalinghing ito at mas inilapit pa nito ang pisngi sa kanya. Napangiti siya." Handa ka na bang ipasyal ako sa buong hacienda, Windy?" kausap niya sa kabayo na animo'y sasagot ito. Ipinadyak naman ni Windy, ang isang paa nito. Alam niya ang ibig sabihin kapag ganun na ang ginawa ni Windy. Ibig sabihin ay handa na ito na muli niyang masakyan upang libutin ang hacienda. "That's better," nakangiting wika niya pagkatapos ay mabilis na sumakay sa likod nito. Humalinghing ito pagkatapos ay naglumikot ito."Ho, ho!" hinaplos-haplos muna niya ang ulo nito. "Mag-iingat ka sa pangangabayo, anak." wika ng kanyang ama. "Yes, Pa!" nakangiting tugon niya pagkatapos ay mabilis na pinatakbo na niya ang kanyang kabayo. "You still run so fast, Windy! Para ka pa rin hangin sa bilis," nakangiting wika niya sa kanyang kabayo habang mabilis sa pagtakbo nito na parang nasa karera siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD