Kakarating lamang ni Lola, sa Hacienda El Abra ng hapon na iyon nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanilang mansion ang grupo ng mga sundalo na naglalakad sa labas ng bakuran ng kanilang hacienda. Ang bahaging nilalakaran ng mga ito ay patungo na ito sa gubat kung saan nandoon din ang pinakahuling bahagi na ng kanilang lupain.
"Hija, ano ang tinatanaw mo diyan?" narinig niyang tanong ni Don Mattias Castillon, ang kanyang Ama, mula sa kanyang likuran.
Sandaling nilingon niya ang kanyang ama, at muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga sundalong naglalakad at saka niya sinagot ang tanong ng kanyang ama.
"Wala naman po, Pa. Tinitingnan ko lamang ang mga sundalong naglalakad papasok sa kagubatan kung saan ay huling bahagi na ng hacienda." tugon naman niya.
Tumayo sa kanyang tabi ang ama, at saka rin nito dinako ang mga mata sa direksyon na kanyang tinutukoy.
Muli siyang nagsalita at siya naman ang nagtanong sa kanyang ama.
"Pa, kailan pa ho nagkaroon ng sundalo na umaaligid dito malapit sa hacienda?"
"Ah, medyo matagal-tagal na rin simula ng may mga sundalong pumapasok sa loob ng gubat na iyan anak. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay napabalita sa buong bayan na mas dumami ang mga taong labas. Kaya iyan at madalas nang may mga sundalong nagsasagawa ng operasyon."
"Grabe na ba kagulo ang bayan natin, Papa?" nakakunot ang noo na tumingin sa kanyang ama.
"Hindi naman, anak. Kaya lang ay bumababa na rin dito sa patag ang mga taong labas. Natural lamang siguro na maging maagap ang mga alagad ng batas." tugon naman sa kanya ng kanyang ama na nanatiling nakatanaw sa dulong bahagi ng hacienda.
Wala na ang mga sundalo na kanina lamang ay tinatanaw niya. Nakapasok na ito sa loob ng kagubatan. Marahil ay nililibot ng mga ito ang gubat na iyon upang masiguro na walang naliligaw na mga taong labas. O kung anu pa man ang dahilan ng mga ito sa pagtungo sa kagubatang iyon.
"Hay! Kahit saang lugar talaga ay may mga masasamang loob." pagpapatuloy na wika niya.
"Kaya habang naririto ka sa hacienda ay kailangan mong mag-ingat anak. At isa pa'y iwasan mo na muna ang pagpasok sa gubat, dahil hindi natin alam ay baka may taong labas na pala na gumagala." tumingin ang kanyang ama na tugon nito sa kanya bilang pagpapa-alala.
"Pa! Alam mo naman na nakahiligan ko ng pasukin ang gubat na iyon dahil nandoon ang sapa kung saan ko pinapaliguan si Windy." mabilis naman na pag-aalma niya sa kanyang ama.
Si Windy na tinutukoy niya ay ang kanyang paboritong kabayo. Naging paborito nilang pasukin ang gubat na bahagi pa rin ng hacienda el abra, dahil naroon ang mala-paraisong sapa. Doon nila minsan ginugugol ni Windy ang buong araw niya tuwing umuuwi siya ng hacienda.
"Lola, Wag ng matigas ang ulo mo anak. Para sa iyong kabutihan lamang ang sinasabi ko. Lalo na at hindi na gaanong ligtas dito sa lugar natin dahil sa mga gumagalang taong labas." wika ng kanyang ama na tumingin sa kanya.
Napabuntong hininga na lang si Lola at saka siya tumango bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng kanyang ama.
"Kung naiinip ka dito sa loob ng mansion ay pwede ka pa rin naman mangabayo tulad ng nakasanayan mo. Maluwag ang hacienda at nasisiguro ko na hindi mo malilibot ang buong hacienda sa pqngangabayo." muling wika ng kanyang ama.
Lihim na pinaikot ni Lola, ang kanyang mga mata bago siya magsalita.
"Yes Pa!" napipilitang tugon na lamang niya sa kanyang ama, para hindi na humaba pa ang usapan nila.
"Oh, siya. Ako'y bababa na muna at may aasikasuhin na muna ako. Magpahinga ka na muna o di naman ay mag-merienda ka na muna sa komedor. Nagpahanda ang ng masarap na merienda kay Meding.
Si Nana Meding ay ang nagsisilbing mayor doma ng hacienda. Matagal na itong nagsisilbi sa mga Castillon. Simula pa lamang ito sa edad na labing-walong taong gulang ay tagapagsilbi na ito ng mga Castillon. Tumanda na ito sa pagsisilbi sa pamilya nila. Si Nana Meding na rin ang nag-alaga sa kanya simula pa noong pinanganak siya hanggang nagdalaga siya.
"Sige po, Pa. Susunod na lang ako." tugon niya sa kanyang ama.
"Sige. Ikaw ang bahala." wika ng kanyang ama, at humalik muna ito sa kanyang pisngi bago siya nito talikuran at naglakad patungo sa loob ng kanyang silid.
Ilang sandali pa na nanatili siya sa balkonahe habang nakatanaw sa bahagi ng kanilang lupain kung saan tumungo ang mga sundalo. Tatalikod na sana siya upang pagtungo sa kanyang silid ng mapansin niya na lumabas na ang mga sundalo sa kagubatan. Kumunot ang kanyanf noo at nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa grupo ng mga sundalo na nakalabas na ng kagubatan.
"Bakit kaya bigla silang bumalik?" tanong ni Lola, sa kanyang sarili habang patuloy na nakatingin ang kanyang mga mata sa mga sundalo na naglalakad.
Nakita niyang may isang sundalo na dumako ang tingin sa gawi niya. Kahit na medyo malayo ang bahaging iyon ay tanaw niya pa rin ang mga ito. At malinaw pa mula sa kinakatayuan niya ang mga ito dahil nasa balkonahe siya. Napansin niyang sandaling napahinto sa paglalakad ang isang sundalo habang nakatingin ito sa gawi niya.
Ilang segundo siguro itong tumigil sa paglalakad bago ito muling pinagpatuloy ang paglalakad at sumunod sa mga kasamahan nito na nauna na sa paglalakad.
Napailing na lamang si Lola, at saka niya nilisan ang balkonahe at nagtungo na lamang sa kusina.
Pagdating sa kusina ay agad na nakita niya si Nana Meding. Dahan-dahan siyang lumakad palapit rito bago niyz ito ginulat.
"Boo! Nana Meding!" malakas na tawag niya sa pangalan ng matandang mayor doma at saka siya malakas na humalakhak dahil nabitawan ng matanda ang hawak nitong sandok.
"Jusko po! Bata ka!" wika ng matanda habang tahip ng kamay nito ang dibdib.
"Nana Meding, nagulat po ba kayo?" kunwari ay tanong niya.
"Ikaw talagang bata ka! Tinanong mo pz, Eh halos atakihin na ako sa puso dahil sa pagsulpot mo." tugon naman nito habang hinahabol pa rin nito ang hininga.
Napangiti si Lola, pagkatapos ay mabilis na niyakap ng mahigpit ang matandang katulong.
"Hmmm! Sorry po, Nana. Na-miss ko lang po kayo," nakangiting wika niya sa matanda at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap rito.
Naramdaman niya na gumati ito ng yakap sa kanya at hinaplos nito ang kanyang ulo.
"Naku! Ang alaga ko. Naglalambing. Aba'y ako man ay na-miss kita ng sobra," tugon naman nito pagkatapos ay humiwalay na ito mula sa kanyang pagkakayakap.
"Sandali lamang, anak, at tatapusin ko lang ang niluluto kong minindal."
"Ano po ba ang niluluto nyo?" tanong niya sa matandang katulong pagkatapos ay tiningnan niya ang laman ng malaking kaldero.
"Ginataang bilo-bilo, at saka banana cue. Alam kong darating ka kaya ipinagluluto kita ng paborito mong ginataang bilo-bilo." tugon naman nito habang hinahalo ang laman ng kaldero.
Namilog ang mga mata ni Lola, pagkarinig niya sa ginataaang bilo-bilo. Paborito niya kasi ang merienda na iyon.
"Wow! Ang sarap niyan Nana." nakangiting wikq niya sa matandang mayor doma.
"Aba syempre. Ako yata ang nagluto." masayang tugon naman nito sa kanya.
"Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom," wika niya na muling tumingin sa laman ng kaldero habang kumukulo ito.
"Maupo ka na at malapit ng maluto ito," tugon naman ng matanda sa kanya.
Agad naman na tumalimq siya at umupo habang hinihintay na maluto ang ginataang bilo-bilo.