bc

Memories Of Yesterday

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila. Unica hija ni Don Mattias Castillon ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado.

Hanggang sa makilala niya si Nathaniel Montelibano isang opisyal ng philippine army na nadestino sa bayan nila. Ang tanging lalaking hindi niya napayuko, hindi niya natinag sa halip ay sinabihan pa siya nitong wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas.

Paano niya papakitunguhan ang lalaking dayo kung sa bawat pagkikita nila ay walang pakundangan nitong tinataboy siya. At sa bawat pagtataboy nito sakanya mas lalo siyang ginaganahan na lapitan ito?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling magarang sasakyan ay napangiti ang dalaga. Binenta niya ang kanyang second hand na sasakyan para lang makabili ng bike na gamit niya ngayon. Siguradong abot langit ang galit ng kaniyang ama pagdating niya sa hacienda sa isip-isip ng dalaga. Muling napangiti si Lola, at mas pinabilis pa ang takbo ng kanyang motorsiklo. Habang nasa highway ang dalaga ay panay tingin sa kanya ang mga kapwa niya byahero. Hindi alam ng mga ito na isang babae ang nagmamaneho ng ganun kabilis. Sino ba naman ang mag-aakala na isa siyang babae kung ang suot niya ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans na pinarisan niya ng boots. Nilagpasan niya ang ibang sasakyan dahil sa bilis ng takbo ng kanyang motorsiklo. Ilang sandali lang ay narating niya ang Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Hindi nag-abalang mag-menor si Lola at patuloy lamang ang kanyang takbo. Ilang minuto lang ay narating ni Lola ang bayan ng Bangued. Pinili niyang lumiko sa isang daan na one way lang, at dahil one way ay inakala ng dalaga na wala siyang makakasalubong kaya hindi pa rin siya nag-abala na bagalan ang takbo nang kanyang motorsiklo. Ngunit sa pagliko ng dalaga ay biglang may sasakyan siyang makakasalubong. At dahil sa takot na baka sumalpok siya sa sasakyan na paparating ay kinabig ni Lola ang manibela ng kanyang motorsiklo pakaliwa at kaagad na tumilapon ang dalaga sa damuhan kasabay ng pagtilapon din ng kanyang bagong biling motorsiklo. "Sh*t!" napamura si Nathaniel dahil sa biglang pagsulpot ng motorsiklo sa harap niya. Huli na rin para kabigin niya ang kanyang manibela dahil nakita niyang kinabig ng driver ng motorsiklo ang manibela nito at malakas na tumilapon ito sa damuhan. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Nathaniel at kaagad na pinuntahan ang driver ng motorsiklo. Nakita niyang nakahandusay ito. Lumuhod siya upang tingnan ito kung humihinga pa, at nang makita niya na hindi ito gumagalaw ay kinabahan ang binata. Kinapa ng binata ang leeg ng taong nakahandusay at pinulsuhan ito. "Buhay pa ako!" mahinang wika ng driver ng motorsiklo. At sa gulat ni Nathaniel ay boses babae ang nagsalita. Dahan-dahang tumayo ang babae at kaagad naman niyang inalalayan ito. Tinanggal nito ang suot na helmet at kaagad na bumagsak ang hanggang balikat na buhok nito. Sa gulat ni Nathaniel ay si Lola ang babaeng muntik na niyang mabangga. "Lola! Is that you?" gulat na tanong ni Nathaniel sa dalaga. Paglingon ni Lola sa lalaking tumawag sa kanyang pangalan ay nakita niya si Nathaniel Montelibano. "N-Nathaniel!" mahinang tawag ni Lola sa binata. "My God! Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" sunod- sunod na tanong ni Nathaniel sa dalaga. Biglang nakaramdam ng inis ang dalaga at sinabi, " Okay lang ako. 'Yung motorsiklo ko ang tingnan mo dahil bagong bili ko lang yan, Montelibano!" Tinignan siya ng binata na magkasalubong ang mga kilay at lumakad ito palapit sa kanyang motorsiklo na nakahandusay pa rin sa damuhan. Itinayo ni Nathaniel ang motorsiklo at pinagulong ito papalapit sa dalaga. Binaba ang stand ng motorsiklo. "Maayos pa rin naman ang motorsiklo mo maliban lang sa konting gasgas nito sa tagiliran at kaunting crack ng side mirror pero sigurado akong gagana at tatakbo pa iyan," wika ni Nathaniel sa dalaga na magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa kanya. "Mabuti kung ganon, dahil mahal ang pinangbili ko dyan!" galit niyang tugon sa binata. "Hindi ka pa rin nagbabago, Lola Castillo. Wala pa rin mas importante sa buhay mo kundi ang mga materyal na bagay," napapailing na saad ni Nathaniel sa dalaga. "Wala kang pakialam, Montelibano!" halos pahiyaw na tugon ni Lola sa binata. "Tsk! Alam ba ng iyong ama na bumili ka ng motorsiklo?" nakatingin na tanong ng binata. "Walang alam ang papa sa pagbili ko ng motorsiklo Nathaniel," biglang lumambot ang tinig ni Lola na tila ba natatakot na maisumbong siya ng binata. "Kung gayon ay, kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyaring ito ngayon, Lola," "Iyan ang ‘wag na ‘wag mong gagawin, Nathaniel Montibano!" mariin na wika ng dalaga kay Nathaniel. "Sigurado ka bang okay ka lang? Wala ka bang nararamdaman na masakit sa katawan mo, o ‘di kaya ay pagkahilo?" sunod-sunod na tanong ni Nathaniel na may pag-aalala sa tinig nito. "Sinabi ko na nga na okay lang ako, ‘di ba! Bakit ba hindi ka makaintindi?!" galit na wika ng dalaga. "Alright! If you say so," Hindi inaasahan ni Lola na pagkatapos ng isang taon ay muling magku-cross ang landas nila ni Nathaniel Montelibano. Kaninang tumilapon siya sa damuhan ay nakaramdam siya ng matinding kaba. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili kung kaya niyang tumayo na walang kahit na anong nararamdaman na sakit at mabuti na lang at medyo makapal ang suot niyang leather jacket at nakapantalon siya. Kaya walang kahit na anong gasgas sa katawan niya. "Lola," tawag ni Nathaniel sa dalaga. Nagulat naman ang dalaga sa pagkarinig sa kanyang pangalan. “Huh?" mahinang tugon niya. "Sigurado ka bang okay ka lang?" muli na namang tanong ng binata. "Ilang beses mo bang itatanong sa akin iyan, Nathaniel?" "Gusto ko lang makasigurado na walang kahit na anong nabaling buto sa katawan mo,” concern na banggit ng binata. "Ewan ko sayo!" inis na tugon niya sa binata at pinuntahan ang kanyang motorsiklo at akmang sasakay na nang biglang magsalita ang binata. "Ihahatid na kita.” Nilingon ni Lola ang binata at bahagyang ngumiti ng nakakaloko, " Are you sure Montelibano? Saan mo ko ihahatid?" "Sa hacienda nyo, saan pa ba?" "Paano mo ko ihahatid? Ano ang gagamitin mo upang ihatid ako? ‘Yang bulok mong sasakyan?" Tinignan siya ni Nathaniel na parang nag-aapoy ang mga mata. Nakaramdam naman kaagad ng takot ang dalaga dahil sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng binata. "Alam kong mayaman ka, Castillon, pero hindi ako papayag na insultuhin mo ako ng ganyan!" mariin ang sambit ng binata. Hindi nakapagsalita si Lola at agad na yumuko. Hindi niya intensyon na insultuhin ang binata pero iyon lang ang naisip niyang paraan upang mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "Kung ayaw mo sa bulok kong sasakyan ay wala akong magagawa," wika ng binata. Nilapitan siya ni Nathaniel at hinawakan ang manibela ng kanyang motorsiklo. "Teka, anong ginagawa mo?" tanong niya. "Ihahatid ka," tugon nito at sumakay sa kanyang motorsiklo. "Kaya ko nang umuwi mag-isa," pagpoprotesta niya. "Alam kong kaya mo, pero sa tingin mo ba at hahayaan kitang umuwi mag-isa?" sabi ng binata na nakataas ang isang kilay. "P-pero,” hindi maipaliwanag na sabi niya. "Aangkas kaba o ako pa ang magsasakay sa ‘yo sa motorsiklo mo?" pagbabanta ng binata sa kanya. "Oo na!" inis na tugon niya at kaagad na umangkas sa likod ng motorsiklo. "Susunod ka rin pala, eh," wika ng binata at pinaandar ang kanyang motorsiklo. “Ito na nga, ‘di ba? Bakit ang dami mo pang sinasabi?" "Humawak kang mabuti sa likod ko at baka ika'y mahulog," paalala ng binata. "No way!" mabilis niyang tugon sa binata. "Ikaw ang bahala.” At mabilis na pinatakbo ni Nathaniel ang motorsiklo dahilan upang mapahawak si Lola sa bewang ng binata. "Ano ba! Pwede bang dahan- dahang naman sa pagpapatakbo!" galit na sigaw niya sa binata. "Kumusta ka na Lola?" biglang tanong ng binata sa kanya. "Okay lang ako, Nathaniel, hindi mo kailangan umasta na parang maganda ang naging simula natin,” seryosong saad niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook