Story By Denim Bleu
author-avatar

Denim Bleu

ABOUTquote
Hi, I\'m Denim, I know that I\'m not a good writer but I am trying my best to create a story. Please do support my story.
bc
Memories Of Yesterday
Updated at Oct 18, 2023, 23:13
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila. Unica hija ni Don Mattias Castillon ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado. Hanggang sa makilala niya si Nathaniel Montelibano isang opisyal ng philippine army na nadestino sa bayan nila. Ang tanging lalaking hindi niya napayuko, hindi niya natinag sa halip ay sinabihan pa siya nitong wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas. Paano niya papakitunguhan ang lalaking dayo kung sa bawat pagkikita nila ay walang pakundangan nitong tinataboy siya. At sa bawat pagtataboy nito sakanya mas lalo siyang ginaganahan na lapitan ito?
like
bc
The Escort
Updated at Feb 27, 2022, 05:45
Simula pagkabata ay namulat na sa kahirapan ng buhay si Carmella, lumaki siyang walang kinagisnang magulang. Tanging ang kanyang tiya Elvira at ang pamilya nito ang kinalakihan niyang pamilya, ngunit hindi pamilya ang turing ng mga ito sakanya. Hindi niya naramdaman na trinato siya bilang parte ng pamilya. Bagkus ay puro pagmamalupit ang naranasan niya sa mga ito. Hanggang sa isang gabi ay pinagtangkaan siyang pagsamantalahan ng asawa nang kanyang Tiya Elvira at nadatnan sila nito sa isang kwarto. Sinubukan niyang magpaliwanag sa kanyang Tiya Elvira ngunit hindi ito naniwala sa kanya. Mas pinaniwalaan nito ang asawa. Walang awa siyang tinaboy nang kanyang Tiya Elvira, pinilit niyang magmakaawa sa mga ito ngunit hindi siya pinakinggan. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga paa? Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya ngayong wala na siya sa pamilyang kinagisnan niya?
like
bc
The Wrestling Demon Meets A Fan
Updated at Sep 30, 2021, 02:58
The Devil's Favorite Demon ''Cade''.Isang Wrestling Superstar sa AWE o America's Wrestling Entertainment. Bukod sa ring name niya na The Devil's Favorite Demon, si Cade ay nagsusuot ng maskara upang maitago ang pilat sa kanyang mukha sanhi nang pagkasunog nito noong siya ay bata pa lamang. Bukod sa kasikatan nito ay may madilim na nakaraan ito na hindi alam ng lahat. Pumasok siya sa AWE upang maghiganti kay The Phenom, ang kanyang nakakatandang kapatid. Si Franceska, isang kolehiyalang adik sa panonood ng Wrestling. Isa sa mga hinahangaan niyang Wrestling Superstar ay si Cade. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng Wrestling Superstar ay si Cade ang mas kinahumalingan niya. Sa sobrang pagkahumaling niya rito ay madalas napapanaginipan niya ito at madalas ding nakakagalitan na siya ng kanyang Ina dahil napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral.Dahil sa isa lang siyang tipikal na estudyante, madalas ay nauubos lamang ang weekly allowance niya sa kakarenta ng DVD matches ni Cade. Posible kayang makilala niya ang naturang Wrestling Supestar o mananatili na lamang sa panaginip niya makikita si Cade?
like
bc
PAINFUL LOVE
Updated at Jun 23, 2021, 03:30
Si Kristine ay isang dalagang ina, at bilang isang dalagang ina, hindi na naisip pa ni Kristine ang pumasok sa isang relasyon, lalo na't maituturing na siyang isang damaged woman. Sino ba kasi ang lalaking tatanggap sa isang katulad niya na naanakan lang pero hindi pinanindigan? Hanggang sa makilala niya si Mark sa isang socal media. Nagpahiwatig ito ng pag-kagusto sa kanya. Nung una'y hindi siya nagkaroon ng interes sa binata, pero habang tumatagal ay nagkakaroon na rin siya ng interes dito. Pero paano nga ba niya sasabihin sa binata ang totoo niyang pag-katao? Paano niya ba aaminin na isa na siyang damaged woman? Kung unti-unti na rin gumagaan ang loob niya sa binata? Ipagpapatuloy pa ba niya ang umuusbong na pag-ibig sa lalaki o tatakasan na lamang niya ang nararadaman para dito? Can she bury a secret so deep,that the truth will never surface?
like